CHAPTER 7

0 0 0
                                    


"What's your order sir?" Tanong ko sa bagong pasok na customer.

Hindi ko pa nakikita ang mukha nito dahil abala pa ko sa pagpunas ng mesang natapunan ng dessert dahil sa katangahan ko kanina.

Tumunog kasi ang chimes sa glass door kaya alam kong may pumasok at base din sa peripheral vision ko ay mukhang lalaki ito kaya 'sir' na ang ginamit ko.

"One cappucino and... Is that how you accommodate your customers?"

Napabalikwas ako at umayos ng tayo ng marinig ang sinabi niya. Naitapon ko pa sa gilid ang basahan. Agad din akong kinabahan ng masalubong ang seryuso niyang tingin.

"S-sir?" Kabado kong tanong. Mukhang galit kasi iyong lalaki.

"Where's the manager?"

Nanlaki ang mata ko ng hanapin niya ang manager ng TresCafé. Umalingawngaw pa ang boses niya sa buong lugar kaya naman maging ang ilang customers ay lumingon sa gawi namin. Magkasalubong pa ang kilay.

"Naku sir, pasensya na po... Wag naman po. Baguhan pa lang po ako. Huwag niyo naman po akong isusumbong sir. Parang awa niyo na po."

Nagpapanic kong sabi ng mapagtantong isusumbong niya ko kay Sir Andrei. Pinagsalikop ko pa ang palad ko at paulit-ulit na yumuko at humingi ng tawad.

"Gusto ko siya makausap... Call him!" Mariin niyang sabi.

Sinubukan kong makipag-usap ngunit nanatili lamang siyang seryuso. Dahil sa hindi ko alam ang tumatakbo sa isipan niya ay paiyak akong tumango saka tumalikod para tawagin si Sir Andrei na nasa loob ng office niya dito sa cafe.

Habang tinatahak ko ang daan papunta kay sir ay inihahanda ko na ang sarili ko sa pwedeng mangyari. Sa sermon na maririnig ko dahil sa kapalpakan at syempre ang posibilidad na masesante ako.

Kasisimula ko pa lamang kanina, oras pa lang ang itinatagal ko pero mukhang mawawalan agad ako ng trabaho. Ang malas ko naman!

I knock three times. "Sir Andrei? Uhm... May naghahanap po sainyo." Kabado kong sabi.

"Tell the visitor. Wait me in a minute, may tinatapos lang ako." Sagot ni sir mula sa loob.

Sa totoo lang ay hindi ko pa siya nakikita. Ibang tauhan din kasi ang nag accommodate sa akin noong nag-apply ako hanggang sa magsimula nga akong magtrabaho. Ang alam ko lang ay Andrei Vergara ang pangalan ng may-ari nitong shop.

"Yes sir."

Bumalik din agad ako para ipaabot ang mensahe ni sir. Hindi pa rin naaalis ang kaba ko lalo na ng makitang prenteng nakaupo iyong lalaki sa table na for two. Nakaka-intimidate ang presensiya niya. Seryuso at mukhang malalim ang iniisip.

Sa totoo lang ay naiinis ako sa lalaking to. Maliit na pagkakamali lang naman ang ginawa ko para paabutin niya sa pakikipag-usap kay sir Andrei.

Kahit papaano ay napahiya ako sa ibang staffs at customers dahil sa ginawa niya. Hindi din naman siya mukhang VIP e. Mukha lang siyang tambay na napadaan dito ng makaramdam ng gutom. Tsk!

"Ayel.. pst!" Nilingon ko si Zian na tumawag sa akin. Siya muna ang pumalit sa akin sa pastry area para asikasuhin ang costumers. "Anong nangyari diyan?" Usisa niya na inginuso pa iyong lalaki. Nagkibit-balikat lang ako at hindi sinagot ang tanong niya.

"Pinapasabi po ni sir, hintayin niyo daw po siya. May tinatapos lang po." Magalang kong sabi, hindi makatingin sa kanya.

Nanatili lang akong nakatayo sa harap niya na parang batang napagalitan. Hy.. naku naman!

"Every second of my time is precious. From Eros." Nagtataka ko siyang tiningnan ng sabihin niya iyon. Trip to Jerusalem ba ang peg niya?! Tinaasan niya ako ng kilay at parang napipikang bumuntong-hininga. "Send it to your manager." Dagdag niya pa.

SynesthesiaWhere stories live. Discover now