CHAPTER 8

0 0 0
                                    

Maging ang pag daan ng linggo ay naging kapana-panabik sa akin. Pang-alas kwatrong misa ang dinaluhan ko dahil may pasok pa ako sa trabaho. Ngayon ay panatag ako dahil alam kong wala ng mang-i-scam sa akin.

Naiisip ko pa rin iyong nangyari kahapon. Kung hindi lang mabait ang boss ko, paniguradong malaking problema ang naghihintay sa akin. Kaya naman labis ko iyong ipinagpasalamat.

Ngayong araw naging malinaw ang schedule ko sa pagtatrabaho. Pag sabado't-linggo ay buong araw akong nasa cafe, sa weekdays naman ay depende sa araw kung saan maluwag ako. Hawak ko ang oras at ang kikitain ko rito ay sapat ng panggastos ko sa araw-araw.

"Kiddo!"

Nangunot ang noo ko ng makilala ang boses. Si Ryden iyon nakasandal sa kanyang kotse habang crossarm na nakatingin sa akin. Masama ang pagkakatingin! Napano na naman ba 'to?

"O baket?" Maangas kong sabi.

Napansin kong hindi siya nakaparking ng maayos. Palagay ko nga ay basta lang siyang tumigil dito sa tabi.

"Your not contacting me." Maktol niya na pinagkunutan ko lalo ng noo.

Lunes ngayon at naglalakad ako papuntang university. Sa katunayan ay tanaw ko na mula rito ang gate.

"And why would I?" Banat ko din. Ke aga-aga siya agad ang makikita ko tapos e-englisan pa ko. Ha!

"Because you should." Lalo namang nagsalubong ang kilay ko. Kairita talaga ng pagiging bossy niya!

My lips form an 'o' when I remember something.

"Someone told me that I should have my PRIORITIES. You know what I mean, right?"

Nakangiti kong sabi gamit ang naniningkit na tingin. Pinagdiinan ko pa ang salitang priorities. Gusto ko siyang pagtripan.

"I get it! And we both know that I am ONE of that priorities, right kiddo?" Gatong niya naman na ginaya pa ang tono ko.

He even show his victorious smirk. Pwe! I even hate him for calling me  a kiddo. Pero hindi ako magpapatalo!

"Since when?" Pagtataray ko na nginisian niya lang.

"Since the day you said YES to me." Proud niyang sagot na tinawanan ko lang. Parang sa proposal lang a!

"I'll never say yes to you." Pang-aasar ko lalo. Hindi naman talaga! Never akong umuo sa kanya, kay James- pwede pa, pero sa kanya? Nah! "Iba kaya ang sagot ko."

Naroon sa mukha niya ang pagkapikon dahil sa ginagawa ko. Sa aming dalawa ay siya iyong nagsabi nun, na ipinagpipilitan niya sakin noong nakaraang linggo. At sinang-ayunan ko lang!

"You! Wala ka bang isang salita ha?!" Reklamo niya. Panay naman ang maang-maangan ko. "Fine! The day you agreed to date me." Napipika niyang sabi.

Ngiting tagumpay na sana ako dahil naasar ko na naman siya kung hindi lang dahil sa salitang 'date me!'

"Letseng date na 'yan! Busy ako." Paasik kong sabi saka nagpatuloy sa paglalakad. Binilisan ko na lang dahil mahuhuli ako sa klase.

"I'll fetch you after class. Let's have dinner!" Sigaw niya.

Tumigil ako at masama ko siyang nilingon. Pasakay na siya ng kotse at mabilis na pinaandar, at daig pa ang lasing kung magmaneho. Napaka talaga!

Ngayon ay napapaisip na talaga ko. Hindi ko alam kung bakit unti-unting nawawala ang pagkagusto ko sa kursong kinuha ko.

Noong nagtake ako ng scholarship exam at nakapasa nga sa university na 'to ay education course ang napili ko. Mathematics din ang major dahil simula elementary ay doon na ko mas nage-excel. Wala din kasi ako masyadong napupusuan that time na mag-eenroll ako dahil hindi ko alam kung nasaan ang puso ko.

SynesthesiaWhere stories live. Discover now