"Anong hilig akuin ang pinagsasasabi mo? Nanghihinayang lang ko sa pagkain!" Asar kong sabi ng mapagtanto ang pinupunto niya."Your so loud! I'm talking about that thing." Kaswal niyang sabi habang itinuturo ang pagkain.
Ha! Ngayon maang-maangan siya? E ang dating sakin noon hindi naman tungkol sa pagkain e.
"Yeah right! Rich kid ka kasi." Pagtatapos ko.
Ayoko ng makipagbangayan pa sa kanya at baka kung ano-ano pang panglalait ang ibato sa akin. Mabuti na lang din at tapos na akong kumain.
"Ate, bayad ko po." Sabay abot ko ng one-hundred peso bill. Tiningnan ako ni ate bago tumingin sa likuran ko.
"A miss, bayad na ho ng kasama niyo." Sabi niya naman. Lalo lang akong nainis!
"Ganun po ba? Uhm... Isa pa nga pong kinalas. Take out." Malumanay kong sabi. Pinadagdagan ko uli ng sibuyas at kalamansi.
Naghintay lang ako ng ilang minuto bago ibinigay sa akin ang nakabalot na kinalas. Walang lingon-lingon akong lumabas ng kainan. Nagulat ako ng makitang naghihintay sa kotse niya si Ryden. Nauna pa pala 'to?
Dahil sa nabubwesit ako ay hindi ko siya pinansin at agad sumakay sa tricycle. Okey lang kahit mamahalan sa pamasahe, wag lang siya ang makasama ko.
Pagkarating ko sa bahay ay dumeretso agad ako sa kusina. Mamaya na ako magbibihis dahil kakainin ko muna itong take out habang mainit pa. Mahilig ako sa mga ganitong pagkain- loglog, goto, kinalas, o kahit champorado pa.
Kung wala lang akong kasama baka doon ko na din to kinain. Ang ganda pa naman ng ambiance ng kainan, panget ka lang nung kasama ko. Tsk!
Busog na 'ko kaya hindi na ko nag-abalang magluto ng hapunan. Naligo na lang din ako at umakyat sa taas para mag-aral. Alas-otso pa lang naman kaya may oras pa ko para gawin ang mga dapat kong gawin.
Pass ten p.m. ng makaramdam ako ng antok. Kakatapos ko lang gawin ang mga assignment at nakapag-advance study na rin sa ilang subjects. Nag-online muna ako para mag-update. Hangga't maaari kasi ay iniiwasan ko ang gumamit ng social media sa school.
'Seener ka na ganun?'
Chat ni James ang bumungad sa akin. Sinamahan niya pa ng sad emoji para kapani-paniwalang nalungkot nga siya.
'Hindi naman. Busy lang talaga.' palusot ko.
'Hmm... busy with my bro?' reply niya agad.
Natigilan ako at napaisip. Busy ako sa ibang bagay pero hindi sa kaibigan niya, halos wala nga akong oras para sa deal na yun! Sadyang si Ryden ang kasama ko kanina nung nagmessage siya.
'Sort of?' safe kong sagot.
Nagtaka ako na emoji lang ang reply niya. Madalas kasi ay tatadtarin niya na ako ng pang-aasar dahil sa status namin ng kaibigan niya. Hindi na rin ako nagreply dahil sa emoji niyang kita ang buong ngipin pero fake naman. Halatang pilit ang ngiti.
Mas maaga sa usual kong gising ang naging gising ko kinabukasan. Hindi dahil sa maaga akong nakatulog kagabi kung hindi dahil sa instant alarm clock ko.
Alas dos y medya pa lang sa umaga at ang sakit sa ulo dahil bitin ang tulog ko. Ramdam na ramdam ko ang lamig kahit nakabalot sa akin ang makapal na kumot.
*Kring~~~
Muli na namang tumunog ang cellphone na kanina ko pa iniignora. Hindi naman ako nagset ng alarm dahil kaya kong magising sa tamang oras kahit walang alarm kaya nakakapagtakang tunog ng tunog ito.
Kinuha ko na lang mula sa table at lalo lamang sumakit ang ulo ko dahil sa brightness na sagad na sagad!
"Hu u?" Antok kong tanong habang nakapikit. Nakaupo ako habang ramdam ko ang muling pagbagsak ng ulo ko sa kama. Humikab pa 'ko.
YOU ARE READING
Synesthesia
Tiểu Thuyết ChungJames Eros Del Fueca, a man of his words, is besotted with his childhood best friend, Nayeli. They close the ties of forever when they we're young but due to unexpected tragedy they separated. Couple of years had passed and their path cross again fo...