PAGSAMO

2 0 0
                                    

𝐏𝐀𝐆𝐒𝐀𝐌𝐎
(a POV?)

"Siguro nga'y wala nang natira sa mga sinulat mo na para sa 'kin"

Naiinis na pinunit ko yung papel na pinagsulatan ko ng tula. Walang lumalabas sa isip ko, wala akong mabuo na linya o mga salita.

Kumuha ulit ako ng panibagong papel at sinimulan ulit ang pagsulat. Ang dami kong nasulat na mga salita ngunit hindi naman nagkakatugma. Naramdaman ko na pumapatak na aking mga luha at unti-unting nababasa ang papel na aking pinagsulatan.

"Alam kong luha ang bumubura ngunit hayaan mo na lang--"

Unti-unti ko na ding nararamdaman ang bigat ng aking pakiramdam at parang nagfa-flashback ang mga masasayang ala-ala nating dalawa.

Yung panahong tayo ay malambing sa isa't-isa, yung mga pangako natin na 'di na matutupad pa, yung pag-asa na hindi na mangyayari. Lahat na iyon parang isang sirang plaka na paulit-ulit pinapaalala.

"Kung bibitaw nang mahinahon, ako ba'y lulubayan ng ating
Mga kahapon na 'di na kayang ayusin ng lambing?
Mga pangako ba'y sapat na upang muli tayong
Ipagtagpo ng hinaharap?"

Na-aalala ko yung panahon na pareho tayong masaya sa isa't-isa, yung akala nati'y tayo lang dalawa at tayo ang itinadhana. Pero nagtagpo tayo sa panahong hindi pala para sa'ting dalawa.

" 'Di ba, sinta, tayong dalawa lang noon
Para sa isa't isa? Oh, whoa
Ba't 'di sumang-ayon sa atin ang panahon?"

Bakit pilit pa na pinapaalala eh sakit lang naman ang dala? Bakit pa pinipilit kung hindi rin naman panghawakan ang mga salita? Bakit pa ipipilit kung hindi naman talaga tayo para sa isa't-isa?

"Ba't pa ipapaalala?
'Di rin naman panghahawakan
Ba't pa ipipilt
Kung 'di naman tayo ang
Para sa isa't isa?"

Hindi ko alam pero ang bigat sa pakiramdam, huminga ako ng malalim saka pinunit ulit ang papel na aking pinagsulatan.

@yrsa.plume
//My Point of View of "Pagsamo" song by Arthur Nery//

MY WORKS (from RPW)Where stories live. Discover now