BANAT (poem)

0 0 0
                                    

"𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓"

Keyboard ka ba?
Alam mo kung bakit?
Kasi type kita.

Oo, corny man pakinggan pero pasensya na sayo talaga ako tinamaan.
Akala ko nga dati kay Jollibee ko makikita ang saya,
Nasa iyo pala.

Hindi ko alam kung paano o bakit
ako nagkakagusto sayo,
Siguro nga tinamaan talaga ako
sa mga ngiti mo.
Paghanga lang naman talaga yung
nararamdaman ko ngunit,
Bakit tila ba iba na yung sinasabi ng puso?

Naniniwala ka ba sa tadhana?
Kasi ako hindi, Charoot!

Sabi nila tadhana daw ang dahilan
kung bakit tayo pinagtagpo pero,
Bakit sa naalala ko kaibigan natin ang
naging daan upang tayo'y magkasundo?

Nakakahiya mang sabihin pero,
Ikaw ba si Pharsa?
Pharsayo lang ang puso ko,
O kaya si Chou?
Ang Choumungkit ng puChou ko?

Huwag naman sanang ipagkaila na
vkahit sa ilang segundo mong binasa
itong tula iyang mga ngiti mo ay hindi na mawala.

Naku! sinasabi ko sa'yo, malala ka na.
Ano ba ako lang 'to si Yrsa,
Isang babae na sa'yoy may paghanga.

-

MY WORKS (from RPW)Where stories live. Discover now