WHEN WILL I GET TIRED?

0 0 0
                                    

𝐖𝐇𝐄𝐍 𝐖𝐈𝐋𝐋 𝐈 𝐆𝐄𝐓 𝐓𝐈𝐑𝐄𝐃?
(a short POV)

"Are you not tired of waiting?" Tanong ni Asty sa akin.

Napaisip ako sa tanong niya. Hindi pa ba talaga ako pagod? Araw-araw akong nasasaktan kapag kinikwento niya kung gaano sila ka saya, nasasaktan ako kapag kinikwento niya kung paano sila mag-away at mag bati.

"I don't know, I don't understand myself" sagot ko.

"Look Shammia, naghintay din ako for almost one year parehas tayo na naghihintay pero iba lang ang sitwasyon but now I am moving on, I am moving forward."

"Hindi ko na alam Asty.." walang gana kong sabi.

"You know what Shams there's nothing wrong of waiting but in your situation please bigyan mo naman ng halaga yung sarili mo. Wake up Shams! You are worthy to be love but not in this way!"

Hindi ko na mapigilan ang mga luha kong kanina pa nagbabadyang bumuhos. Hindi ko na kaya ang bigat ng aking pakiramdam kaya napasigaw ako sa sakit ng aking nararamdaman.

"Aaaaaaaggggghhh!! Bakit ang unfair? Bakit ganito palagi? Sa tuwing nagmamahal ako laging ako yung kawawa at nasasaktan sa huli. Ayoko naaaa ! Tama naaaaa! Kailan ba ako mapapagod!?" Naramdaman kong niyakap ako ni Asty ng mahigpit kaya mas lalo akong umiyak.

Tama si Asty kailangan ko ng gumising pero paano? Paano ako gigising kung yung sarili ko mismo ang kalaban ko? Paano ako gigising kung sa tuwing sinusubukan ko napapagod ako hindi sa paghihintay kundi sa pagsuko? Gusto kong sumuko pero ayaw ng sarili ko.

"Ssshhh enough, enough! Tama na yan Shams marami kaming nagmamahal sayo" She comforted.

"Na alala mo ba yung sabi ni Rix sayo? Magpakatanga ka lang ng magpaka tanga hanggang sa mapagod ka after that tama na, tigil na. Tama si Rix darating ka din sa puntong yun na one day namalayan mo nalang pagod ka na at one day namalayan mong tanga ka pala hanggang sa pagsisihan mo kung bakit mo ginawa ang mga bagay na yun."

Sa mga salitang sinabi ni Asty para bang may mga karayom na tumutusok sa puso ko at may mga batong nagpapabigat sa pakiramdam ko.

"Alam mo this is just a lesson for you, lesson talaga siya but after that marami ka namang matutunan eh. First you need to know how to value yourself, how to know your worth."

Parang isang kampana yung narinig ko mula sa bibig ni Asty. Lahat na sinabi niya ay totoo, lahat yun ay may punto.
Pero yung tanong ko sa sarili ko,

"When will I get tired?"

MY WORKS (from RPW)Where stories live. Discover now