GISING (poem)

0 0 0
                                    

𝐆𝐈𝐒𝐈𝐍𝐆

Masakit hano?
Masakit umasa sa wala,
Yung tipong lagi kang tinatanong ng
"Kumain ka na ba?",
Yung magkatawagan kayo kasama ang mga kaibigan niya,
Yung akala mong may namamagitan na pero kaibigan ka lang pala.

Masakit hano?
Masakit na umaasa ka na naman sa wala,
Yung sabay kayong magpupuyat at laging magkausap,
Yung ipinakilala ka na sa pamilya tapos sa huli kaibigan ka lang pala.

Hoy gising!
Gumising ka sa katotohanang umaasa ka na naman s wala!

Hindi porket tinanong ka ng "Kumain ka na ba?" ay may gusto na siya,
Hindi porket kilala ka ng pamilya ay liligawan ka na niya,
Hindi porket 24/7 kayong magkausap ay magiging kayo ng dalawa,
Hindi porket mahal mo na siya ay mahal ka na rin niya.

Gumising ka! Imulat mo ang iyong mga mata,
Huwag mong iyakan yung taong sa kanya'y wala kang halaga,
Huwag mong iyakan yung taong 'ni minsa'y hindi ka tinuring na prinsesa.

Gumising ka! Sampalin mo ang iyong sarili sa katotohanang iba ang gusto niya at ika'y isang pansamantala,
Gumising ka sa reyalidad na isa ka lang sa mga nagpapasaya sa kanya sa mga araw na nilalamon siya ng problema,
Sa mga araw na kailangan niya ng saya, kinakausap ka lang niya dahil ikaw nalang ang na tira.
Gumising ka at huwag na umasa pa.

"Love is not something we give or get; it is something that we nurture and grow. A connection that can only be cultivated between two people when it exists within each one of them- WE CAN ONLY LOVE OTHERS AS MUCH AS WE LOVE OUR SELVES.

-Brene Brown"

MY WORKS (from RPW)Where stories live. Discover now