PAALAM MAHAL (Poem)

0 0 0
                                    

𝐏𝐀𝐀𝐋𝐀𝐌 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋
Inspire by: "My Love" (a song of Lee Hi)

Lagi kitang pinagmamasdan mula sa malayo,
Matatamis na ngiti sa iyong labi,
Iniisip ko na bakit ganito tibok
ng aking puso?
Akala ko pareho tayo ng iniisip
Pero nasa malayo ang tingin mo.

Para bang isang hangin,
Parang isang alikabok
Hindi kita mahawakan o malapitan
Pero iba and dinidikta ng aking puso.

Naniniwala ka ba sa pag-ibig?
Dahil ako naniniwalang 'yon ay pag-ibig
at tinatawag ko itong tadhana.

Huwag ka na mawala sa aking paningin,
At kung ako ang tatanungin ---
Isasagot ko ay ;
"Humawak ka sa akin, sabayan mo ang bawat indak ng aking mga paa aking mahal."

Ang mga luha ay nagsisimula ng pumatak.
Mga ngiti sa labi unti-unting nabubura.
Sa ilalim ng bintana dito sa aking puso,
Tanging laging sagot--
"Ikaw yung tanging tao na hindi magiging akin kailanman,
Ikaw yung tao na kailangan kong kalimutan."

Hindi maaring tayo'y maging isa,
Dahil ang mundo natin ay magkaiba.
Kailangan kitang bitawan
Dahil hindi pwedeng tayo'y magtagpo.
Ngunit gusto ko lang na iyong malaman,
Mahal kita,
Mahal kita mula sa malayo.

MY WORKS (from RPW)Where stories live. Discover now