"𝐁𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬"
𝐷𝑎𝑡𝑒 𝐶𝑟𝑒𝑎𝑡𝑒𝑑: 𝑁𝑜𝑣𝑒𝑚𝑏𝑒𝑟 24,2019******
"Maki! Maki!" Agaw pansin ang pag sigaw ng isang di katangkarang babae na may katamtaman ang haba ng buhok nito sa loob ng cafeteria ng kanilang paaralan. Tumatakbo ito habang tinatawag ang kanyang kaibigang si Maki ,halos magka dapa-dapa pa nga siya dahil sa mga dala niyang malalaking paper bag.
"Maki! Hay buti nalang at naabutan kita dito akala ko umuwi kana kanina pa kita hinahanap" Habol hininga nitong sabi sa kanyang kaibigan habang sabay na nilapag ang mga bitbit.
"S-sabi ko naman kasi sayo Rina na huwag mo nang pakialaman yung problema ko." medyo nahihiyang sabi nito sa kaibigan.
Malapad na halos mapunit ang bunganga ni Rina dahil sa kanyang ngiti na ipinukol sa kaibigan. Hindi naman mabasa ng kaibigang si Maki ang iniisip niya kaya kunot noo lamang itong naka titig sa kanya.
"Alam mo Maki kahit anong sabihin mo ,kahit anong tanggi mo gagawin at gagawin ko parin ang gusto ko."
Lumapit ito s kaibigan ,hinaplos ang mukha at taimtim na tinitigan sa mata.
"Bata palang tayo magkasama na tayo ,bata palang tayo kilala na natin ang isa't-isa. You are like my sister my diary and everything. "
Huminto muna si Rina sa pagsasalita at pinunasan ang mga butil ng luha na dumadausdos sa pisngi ng kaibigang si Maki.
"Na alala mo pa noong nag-away tayo?Yung nag away tayo dahil kay Jace yung lalaking pinag-awayan natin?" Putol nito.
Nanginginig ang mga kamao ni Maki habang ina alala ang mga panahong iyon.
"Pinagalitan mo ako dahil di ako nakinig sayo at halos masira pa yung pagkakaibigan natin dahil lang sa lalaking iyon dineny pa kita at noong iniwan ako ni Jace ikaw pa yung unang nandoon at tumulong sa akin, ikaw yung nadoon at nakikinig sa aking mga hinaing.Pero alam mo Maki dahil doon marami akong na pag tanto. Na mas mahalaga ang pagkakaibigan natin kesa sa ibang bagay na siyang nagpapabulag sa atin."
Lumapit ito sa kaibigan at inilapat ang mga labi sa noo ni Maki.
"Kaya ngayon na kailangan mo ng tulong hayaan mo ako ,hayaan mo akong tulungan ka .Ang hirap kaya ng buhay kapag walang magulang. Tatlong buwan na Maki at alam kong ngluluksa ka padin sa pagkawala ng magulang mo kaya please let me help you lalo na ngayon na kelangan mo ng tulong mo huwag mong sarilihin yung problema mo.Nandito ako your friend,bestfriend,diary and sister not by blood but by heart."
Hindi na napigilan ni Maki ang nararamdaman kaya niyakap niya ang kanyang kaibigan at umiyak.Ibinaon pa nito ang ulo s balikat ni Rina na ngayoy naka ngiti at may mga luha na ding dumadausdos sa pisngi.
"Buti nalang at tayong dalawa nalang ang nandito sa cafeteria kaya hindi nakakahiya"
Kumalas sila mula sa pagkakayakap at nag tawanan. Sabay na din silang lumabas at umuwi sa kanilang mga sariling tahanan.
YOU ARE READING
MY WORKS (from RPW)
RandomThis book is compilation of my works from RPW. I hope you enjoy reading<3 DISCLAIMER: Ang mga pangalan ng mga tauhan , mga lugar , at mga pangyayaring nabanggit sa kwento na ito ay likhang-isip lamang ng may akda at walang kinalaman sa sino mang ta...