𝐏𝐀𝐔𝐁𝐀𝐘𝐀
"Saan nagsimulang magbago ang lahat?
Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?
Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?
Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal""Alam mo Alki bagay talaga sayo yung kanta ni Moira na paubaya." Sabi ni Anthony sa akin habang nililigpit niya yung mga bote ng alak na wala ng laman.
"Yun din naisip ko bes eh kasi kailangan niya lang pala talaga ako siguro para magising siya dun sa past niya?" sagot ko sa kanya.
"Siguro kung hindi ko nakita myday mo dati bes edi hindi ako nagkakaganito" dugtong ko pa.
"Naku! bakit parang kasalanan ko pa? Pero oo nga bes nu. Pero bakit mo din ba ako inutusan na isend yung picture ng niluto mo sa kanya?" nakapamewang nitong tanong.
Natawa nalang kami pareho sa aming usapan. Kakaubos lang namin nung tatlong bote ng sujo kaya nililigpit niya na yung kalat , pareho kasi kaming broken ngayon.
Masakit padin sa akin yung nangyari sa aming dalawa ni Cloud. Sa totoo lang umasa ako dahil dun sa sinabi niya dati na akin siya soon pero alam ko naman na darating yung panahon na makakahanap siya ng babaeng mamahalin niya at ngayon nangyari na nga.
Nagsimula ang lahat dahil sa myday ni bes. Nakita ko kasi yung minyday niya na lalaki at hindi ko alam kung bakit binabalikbalikan ko yun hanggang sa na curious ako kung sino eh bestfriend niya pala.
Isang araw nagluto ako ng breadroll at pinicturan ko iyon.
"Hi bes! pa send kay Cloud pakk sabi galing sa manliligaw niya" pagbibiro ko pero di ko naman akalaing totohanin niya.Nagreply naman si Cloud kay bes at sinend ni bes yung reply niya kaya kinilig ako. Ugali ko na magsend ng vm kapag natatawa, kinikilig or trip ko lang kaya nag send ako ng vm kay bes na kinikilig ako pero di ko inexpect na ifoforward niya yun kay Cloud.
Matagal na hindi nakapagreply si bes sa akin kaya sa sobrang bored ko ay napunta ako sa timeline ni Cloud. Nanghinayang ako nung nakita ko yung mga nasa featured photos niya, picture nila ng girlfriend niya.
Hindi ko nagustuhan yung mga nakikita ko kaya inoff ko yung cellphone ko at tinapos nalang ang school activities. Ilang minuto pa ay tumawag si Anthony sa akin.
Ano kaya kailangan nito at himalang tumawag?
"Oh?" sagot ko pero puro tili lang yung naririnig ko sa kanya.
"Bakit ba?"
"Eh kasi naman alam mo bang kakahiwalay lang nila ng gf niya nung nakaraang araw tapos ngayong narinig niya vm mo eh na stalk ka niya" kinikilig nitong kwento.
Halos mangisay ako sa kilig dahil sa narinig, ewan ko ba pero naramdaman ko talaga yung sinasabi nilang Butterflies in my stomach.
Kinagabihan binuksan ko ang facebook ko at nakita kong nag add friend siya kaya wala ng paligoyliguy pa inaccept ko na at dahil makapal ang pagmumukha ko inunahan ko na siyang i chat.
"Hi" mabilis na nag appear yung ulo niya sign na na seen niya na nga.
"Hello" sagot nito.
Madami kaming napag-usapan at isa na dun yung sa kanila ng ex niya. Broken pala siya at nasaktan siya sa rason kung bakit sila naghiwalay ng ex niya.
Lumipas ang mga araw ay tuloy tuloy na yung pag-uusap namin. Panay send ng pictures at vm kami sa isa't-isa at hindi ko namalayan na yung paghanga ko sa kanya ay lumala at naging mahal ko na siya.
Masaya ako sa kanya at masaya din naman siya sa akin. Sabi niya importante ako sa kanya. Hindi naman ako umasa o nag-expect na magkakaroon kami ng label sa isa't-isa dahil alam ko na darating yung araw na makakahanap siya ng babaeng mamahalin niya pero hindi ko maiwasang mag expect dahil sa kung anong meron kaming dalawa.
"Adi okay lang ba sa iyo na may kausap akong iba? Sayo naman ako soon." Pagpapaalam niya.
Syempre pumayag ako kasi di ko naman siya pagmamay-ari kaya okay lang iyon pero deep inside ay nag-aalala na ako kung paano kapag nahulog siya sa kausap niya? Paano kung napamahal siya?
At dumating na nga yung kinakatakutan ko ang sabihin niyang...
"Lalayo ka ba" nagtaka ako sa tanong niya.
"Lalayo ka ba kung magkaka girlfriend na ako?" tanong niya .
"Hindi, tsaka sinabi ko naman sayo na kahit anong mangyari nandito lang ako susuporta sayo. Meron na ba?"
"Sa totoo lang Adi meron , hindi ko inaasahan yung nararamdaman ko at di ko alam paano. Hindi ko din sinasadyang masaktan ka. Pasensya ka na" pag-amin niya na ikina punit ng puso ko.
"Okay yan ibig sabihin nakamove on kana kay Lauraine." mangiyakngiyak kong sabi .
-----------
"Hoy bes anjan kana naman sa TL ni Cloud? Wag mo naman saktan sarili mo sa nakikita mo." Lumapit si Anthony sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa napagod.—
YOU ARE READING
MY WORKS (from RPW)
RandomThis book is compilation of my works from RPW. I hope you enjoy reading<3 DISCLAIMER: Ang mga pangalan ng mga tauhan , mga lugar , at mga pangyayaring nabanggit sa kwento na ito ay likhang-isip lamang ng may akda at walang kinalaman sa sino mang ta...