THE TIME IS RIGHT FOR SOCIAL WORK (poem)

2 0 0
                                    

𝐓𝐡𝐞𝐓𝐢𝐦𝐞𝐢𝐬𝐑𝐢𝐠𝐡𝐭𝐟𝐨𝐫𝐒𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥𝐖𝐨𝐫𝐤
#TheTimeIsRightForSocialWork

Social Work!
Manggagawang Panlipunan
Propesyon na iilan lang ang nakakaalala,
Iilan lang ang nagbibigay halaga.
Sila yung mga bayani na malaki ang naitulong sa buhay ng iba ngunit sila yung nakakalimutan pa.

Ito ang istorya....

Social Work!
Manggagawang Panlipunan,
Dito ko nakilala kung sino ako,
Dito ako nakakasalamuha ng iba't-ibang mga tao,
Ngunit sa propesyong ito madaming luha ang pumatak, dugo't pawis na tumatgaktak bago ko maabot ang aking pangarap.

Akala ko noong una ay "Social Work" tiga abot lang ng de-lata, ng ayuda.
Ayuda sa mga taong nangangailangan,
Tulong sa mga taong nahihirapan,
Lalo na gabay sa mga taong naghahanap ng tunay na tahanan.

Bago nagsimula ang lahat,
Bago nagbunga ang aking pagsisikap
Maraming hamon akong hinarap.

Naalala ko pa sabi nila---
"Social Work" madaling pag-aralan dahil walang matimatika,
Ngunit hindi nila alam na madaming teyorya, pilosopiya, code of ethics at higit sa lahat mga batas na kailangan isasaulo mo pa.

Unang taon,
Pangalawang taon,
Maayos naman, nakakaintindi naman sa mga lesson na tinuturo ni ma'am,
Ngunit sa pagtungtong ko sa pangatlong taon, sisikat na ang araw mga mata'y dilat pa din at sa libro nakatingin.

Sa pangatlong taon ay napagdaanan ko ang paghihirap na habang buhay kong maibabaon,
Paghihirap na magtuturo sa akin ng leksiyon,
Leksyon na nakatatak sa aking puso't isipan na siyang bitbit ko hanggang ako ay nandito na sa aking propesyon.

Maraming salamat sa aking magulang na ni minsan ay hindi nagkulang ,
sa mga kaibigan ko ,
at lalo na sa taas na siyang nagbibigay sa akin ng lakas sa mga araw na ako ay nahihirapan,
Panahon na sarado ang isipan at panahong naiisip na pwede ko na bang wakasan ang aking paghihirap at muling hindi na magbukas at patuloy na iwanan ang aking pangarap.

Ngayon,
Narito ako,
Nakangiti sa harapan niyo,
Nakasuot ng itim na mahabang damit,
May hawak na papel na naka rolyo.

Malapit na ako,
Isang hakbang nalang upang maabot ko na ang ginhawang aking ninanais,
Isang hakbang nalang upang maging isang ganap na "RSW".

Matapos kong iyuko ang aking ulo sa harap ng maraming tao ay narito ako nakaharap sa papael na maraming tanong at naghihintay sa aking sagot.
Narito ako sa isang silid na may tig-iisang espasyo ang aking kinauupuan,
Bawal lumingon.
Naririnig ko ang tibok ng aking puso,
Nabibingi ako sa katahimikan at sa lakas ng tigidig ng aking dibdib,
Nasa huling hakbang na ako,
Hakbang kung saan ay may posibilidad na maari na akong maging isang ganap na "RSW".

Luha ay nag-uunahan,
Hindi ako makapaniwala,
Kay sarap pagmasdan mga ngiti ng aking magulang,
Ang aming pinaghirapan ay unti-unti ko nang nakakamtan at sa huling hakbang ay naabot ko na ang tanging inaasam.

[Disclaimer: This piece is based sa social work journey ng isang social worker na nainterview namin.
Ito yung piece na ginawa ko para sa Film ft. spoken poetry ng section namin para sa SW month <3.]

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY WORKS (from RPW)Where stories live. Discover now