CHP 1

5 0 0
                                    

Akisha Llane Rodriguez


Nag mamadali na akong mag pack ng gamit ko dahil mala late na ko sa klase. Hinablot ko na lahat ng mga gamit na dapat kong dalhin para sa araw na ito. Kung bakit ba naman kase hindi ko pa ito nilagay sa bag ko kagabi, eh di sana madali ang buhay ko ngayon.


Tumakbo na ako palabas ng dorm, tska ko tinahak ang daan papuntang university. Buti na lang talaga ay tatawirin ko lang ang eskwelahang pinapasukan ko. Kung hindi ay baka madami na akong subject na na-idrop dahil sa pagiging late ko.


Papasok pa lang ako ng gate ay malaking ngiti na ni kuya Jason ang nakikita ko. Siya ang isa sa mga guwardiya na tropapips ko dito sa school


"Good morning Kisha! mukhang late nanaman tayo ah?" bungad niya sa akin ng nasa tapat na niya ako.


"Oo nga po kuya eh, ang dami ko pa kaseng tinapos na papers at assignment kagabi."sagot ko sakanya at tska niya inabot sa akin ang coffee ko. Oo kape, from starbucks to, madalas kase akong malate talaga kung hindi naman ay nakaka daan ako sa starbucks para bumili ng kape ko tuwing umaga.


"Salamat kuya! Bayaran kita mamaya" tska siya ngumiti at tumango na sa akin. Kaya naman pinagpatuloy ko na ang pag takbo ko para maka abot ako sa attendance portion ng prof ko.


Isa nga ito sa araw na late na naman ako kaya si kuya Jason na ang bumili. Nag simula ito nung araw na muntik akong bumagsak sa exam dahil sa pagiging late ko, akala ko kase noon ay 8:30 am ang exam, yun pala ay 8 am. Kalahating minuto na lang ang chance ko nun para makapag exam, at yun yung araw na umiiyak ako palabas ng campus at saktong si kuya Jason ang guwardiyang pa out na ng duty noon at naka salubong ako.


Tinatanong niya kung bat ako umiiyak, sabi ko lang ay dahil sa hindi ako naka inom ng kape kaya ako umiiyak. Alam kong, alam niya na hindi talaga yun yung reason pero pinaniwalaan niya ako at nag offer na ibibili niya daw ako. Kaya sinabi ko sakanya kung ano ang order ko at binigyan na siya ng pambili. Nung una ay ayaw pa niyang tanggapin, kalaunan ay kinuha ang pera at binilhan na nga ako. Yun yung umpisa na gumawa siya ng promise na ibibili ako ng kape tuwing umaga pag duty siya at pag hindi pa ako nakitang pumasok ng campus.


Siguro madami ang magsasabi na weird at creepy, pero sa akin act of kindness siya. Alam ko sa sarili ko na bad habit ang pagiging late ko, kaya nga recently na lang akong nala late nitong mga nakaraang linggo at araw para hindi ko na maabala yung tao


Pag pasok ko ng classroom ay tuwang tuwa ako dahil naka about naman ako sa grace period at wala pa rin ang prof ko. Diretsyo na ang lakad ko para maka punta sa upuan ko ng binulabog nanaman ng mga kaibigan kong ulupong ang personal space ko.


"Late ka nanaman! Akala ba namin nag bago ka na?Pangalawa na yan this week ah?" Paninita ni Jan sa akin tska inakbayan ako na parang sinasakal na. Inirapan ko siya


"Wag mo ngang ginugulo ang personal space ko, ang aga aga mambi bwisit nanaman kayo" sabi ko sakanila at natawa siya pati na rin si Patrick, Joshua, Jay at ang iba pang mga tropa ko.


"Personal space, ulol! wala ka non." sabat naman ni Pat at nakipag apir pa sa mga lalake sa likod niya. Umirap na lang ako ulit.


"Che, mga bwisit. Ano nanaman bang kelangan niyo?" tinaasan ko na sila ng kilay at tuluyan na ngang naka upo at tska uminom na ako sa kape ko.


"Friday naman diba? Sama ka naman samin, lagi ka na lang busy! Mataas naman grades mo eh. Kj ka talaga!" pag rereklamo ni Nathaniel yung lalaking ka apiran ni Pat kanina


"Gago ka ba? pinapa sama mo ako saan? ang labo mo nanaman kausap Nathaniel ha!" sagot ko sakanya at nag si tawanan na rin ang mga friends ko. Nagkamot na lang ng ulo si Nat


She's That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon