Chp 6

0 0 0
                                    

Napasalampak ako ng upo sa couch dito sa kwarto ko. Marahas kong tinanggal ang jacket na naka sabit sa balikat at masamang tinignan iyon.

Tropa lang pala, buwisit na tropa. Bakit hindi nila ako makita bilang babae? Minsan gusto ko na lang maiyak eh, mukha ba akong lalake sa paningin nila??? Maging tibo na lang kaya ako? Kaso pano si Jace? Aaaaargh! Bwisit! Siya pa rin iniisip ko.

Inabot ko ang macbook ko at nag chat agad ako kay Jan.

Akisha Llane: Yuhuuu, Im home na, dinner na us! Naka uwi ka na ba?

Tska ko sinend ang nitype ko, wala pa ngang ilang minuto ay nag reply na siya.

Jan Reinelle: Yes dude. Im home too. Teka 1 minute. Bihis lang.

Reply niya, kaya nag antay na lang muna ako. My parents are too busy para sabayan pa akong mag dinner. Late na silang umuuwi kaya madalas ay wala akong kasamang kumakain. Luckily, I have this guy best friend na hindi pinaparamdam sakin kahit kailan na mag isa ako.

Maya maya nga ay nag flash na sa screen ang tawag niyang video call.

"Oh busangot ka dyan?" Bungad niya sa akin. Hawak ko ang laptop at pababa na ng hagdaan para pumunta sa kusina.

Sinalubong ako ng kasambahay kaya nginitian ko ito at sinabihan na paghandaan na ako ng pagkain.

Nilapag ko sa counter tap ang laptop ko at kumuha ng baso at malamig na tubig sa ref.

"Pano kase, tropa lang daw kase" pang ko quote ko sa sinabi ni Jace

"Huh? Sino? Tska ano bang sinasabi mo? Paki buo ang context!" Panenermon pa niya. Nilapag na ni ate ang pagkain sa harap ko kaya nag thank you muna ako bago ito umalis.

Ipinatong ko ang paa ko sa upuan at sinandal doon ang siko ko tska nag simula ng kumain, si Jan ay nag sasandok na rin ng pagkain niya.

"Teka" pag pipigil niya sakin mag salita at nilapit ang mukha sa screen.

"Ganyan ka umuwi?!!! Diba sinabi ko daanan mo ang jacket sa locker ko?!"Sermon na rin niya.

"Teka nga! Singhal agad eh"pag pigil ko sakanya at sumubo na ako ng ulam at kanin.

"So ayun na nga, ang layo naman kase ng locker room, kaya di na ako dumaan. Inaayos ko ang cyclings ko sa may hallway papuntang back gate kanina nang bigla akong makita ni Jace, inabot niya yung jacket niya" pag eexplain ko. Bumusangot siya.

"Tsk tsk, iba talaga galawan ni lover boy! Ikaw namang babae ka ang tamad! Sinabihan na kitang maging conscious sa suot mo! Tsk! Kaya di kita maiwan iwan mag isa eh. Napaka careless mo." Sermon pa niya.

"Ito naman! Pareho kayo ni Jace eh. Sermon sermon! Pero ayun nga, sabi niya manghiram daw sakanila nila Alvin since mas malapit daw yung court dun. Pina mukha ba naman saking tropa lang kami pre, sabi, andun kaming mga tropa mo!" I quoted the tropa again. Natawa siya.

"Sensitive naman masyado! Pag bigyan mo na si lover boy. In denial pa sa feelings niya yan kaya ganyan pa. Pero diba hindi siya ganyan sayo dati? Oh improvement yon!" Pagkakampi niya kay Jace. Napataas ang isang kilay ko.

"Dati, ayaw mo akong umaasa ah? Anong nangyari? Kamping kampi ka sakanya?" Pagdududa ko.

"Tsk! Just trust me okay? Alam ko kung sino yung genuine at totoong tao para sayo! Kaya manahimik ka dyang kutong lupa ka" pang aasar pa niya. Nag aalboroto nanaman ang ilong ko.

"Bastos na kapreng to!" Balik ko sakanya.

"Eh ikaw? Kumusta lakad? Mukhang naka score ah!" Pang aasar ko at medyo gumaan na ang loob.

She's That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon