Kumaripas ako ng takbo at tumingin pa sa relong suot ko sa palapulsuhan ko, tska ko pinag mumura ang sarili sa utak ko. Mabuti na lang ay malapit lang ang bahay sa back gate ng school namin.
Inayos ko ang palda, mukha at sarili ko bago ako tuluyang pumasok ng gate. Ngunit may mga kamay na humarang sa daan ko.
"ID mo, late ka na para sa flag ceremony"sabi nito at nag lahad ng kamay sa akin.
"Bree, baka naman pwede pa akong humabol. Five minutes pa lang naman akong late eh" pag sisimula kong pag suyo sakanya.
Ngunit tinaasan lang niya ako ng kilay at nakalahad pa rin ang mga kamay sa harap ko"Ang ganda ganda mo ngayong umaga Presi, tska Lunes na lunes, hahayaan mo lang bang ma badtrip ka sa akin? Sige na baka pwede mo na kong palagpasin ngayon" panininding pag suyo ko pa rin sakanya.
"Hindi, ilang beses ka ng na late ngayong buwan. Hindi ko na mapapalagpas to, daanan mo na lang sa prinicipal's office ang ID mo mamaya pag katapos mong mag community service kasama ang mga na late ring studyante" tska niya hinablot sa may sukbitan ng ID sa bandang dibdib ng uniform ko ang ID ko tska niya ako pinapasok.
Tsk, wala talagang kupas tong si Breeana. Kahit kaibigan ko siya, walang spe-special treatment sakanya. Kung sa bagay, ngayon niya lang kinonfiscate ang ID ko.
Napapailing na lang akong naglakad papasok ng classroom at dun na mag hihintay na matapos ang flag ceremony. Hassle naman, may community service pa ako mamayang hapon. Dapat manunuod ako ng game eh.
Pag dating ng mga kaka klase ko ay napalibutan na ako ng mga kaibigan kong lalake, unang unang tumabi sa akin ang bestfriend ko, si Jan Reinelle. Ginulo niya ang buhok ko bago umupo, kaya inismiran ko siya agad.
"Tsk! Ang aga aga buhok ko agad ang trip mo" sabi ko habang naka kunot ang noo kong tumingin sakanya. Ngumiti lang naman ito sa akin.
"Pre, late ka nanaman"unang pang aasar ng kaibigan ko sakin.
"Oo nga eh, hassle kase. Di ako pinadaan ni Bree agad, di tuloy nakahabol sa ceremony" iling ko at napangiti lang.
Sa kabilang side ko ay ang naka upong si Alyanna, kaibigan ko rin. Silang dalawa lang ni Bree ang naging kaibigan ko simula grade 10 na babae hanggang ngayong senior high na kami.
"Di pa tapos si Bree sa gate? Edi paano niyan? Hindi ka makakasama sa panunuod ng practice mamaya?" Sabi nito sa akin. Tumango ako sakanya.
"Oo eh, mag community service muna daw ako sabi niya. Di naman ako maka tanggi kase ilang late ko na rin ang pinalipas niya" sabi ko at napangiting kumamot na lang ako sa ulo ko.
"Tulog mantika ka kase eh, i try mo kaya mag pa gising kay tita" suggestion pa ng kaibigan ko.
"Pre alam mo namang maaga ring umaalis mga magulang ko para sa trabaho. 5:30 palang umaalis na sila, ayoko naman mag pagising ng ganon kaaga" sagot ko kay Alvin.
"Dito ka na lang sa school matulog, mag camping ka dyan sa quadrangle!" Pang aasar ni Alfred, isa pa naming kaibigan. Nag sitawanan sila at pati ako natawa na rin.
"Sira, eh di suki ako ng Principal's office ng hindi oras sa kalokohan na iniisip mo, ugok" sagot ko sakanya at napapa iling na lang na ngumiti.
Pumasok na ang mga officers na nasa kanya kanya nilang post kaninang flag ceremony at kalaunan, sumunod na ring pumasok ang teacher namin.
"Class, you may group yourselves into 7 for today's activity. Mag bilangan na kayo"sabi pa ng teacher namin at hindi na nga magkanda ugaga ang mga classmate kong mag silipatan ng upuan para maka group ang gusto nilang kasama.
BINABASA MO ANG
She's That Girl
Teen FictionSJ, isang college basketball team captain, magaling maglaro sa court. Lahat ng babae sa campus nila ay nagkaka gusto at nahuhulog sakanya. Gwapo, matangkad, mabait, mahal ng lahat at lalong lalo na matalino. Kisha, isang tipical na college girl sa...