Nakapag exam na kami ni Jan dun sa dalawang university na minamata namin simula grade 10 palang. Actually, lahat ng big universities sa Maynila ay balak namin itake ang entrance exam, para more chance of winning ba, tska may options rin kami.
Nakapag take na ako nung mga nakaraang buwan sa iba, itong dalawang school na ito na lang ang hinihintay ko. Sa wakas at mga results na lang ang hihintayin namin.
Nasa may baba kami ng puno ng sampaloc dito na lang sa loob ng campus ng school. May mga sementadong upuan at mga bilugang lamesa kase na pwedeng pag tambayan rito. At as usual, napapalibutan nanaman nako ng mga tropa kong mga lalake.
Nasa may kabila kaming lamesa ni Jan. Naka upo siya sa may lamesa mismo at tumatawa habang nakikinig sa usapan ng mga iba pa naming kaibigan, habang ako ay inaayos na yung notes ko galing sa last lecture kanina. Free time kase eh, kaya ginagawa ko na siya.
Pinapaypayan ako ni Jan ng mag taas ako ng dalawang kamay para mag unat, napaka laking ngiti ang ginawad ko sa bestfriend ko.Lumingon siya sa akin at pinagpatuloy ang pag papaypay sakin.
"Tapos ka na?" Tanong nito kaya ngumiti ako sakanya.
"Tinapos ko na, kase manghihiram si Jace ngayong week diba? Para rin wala na akong gawin sa bahay mamayang gabi" sabi ko sakanya at sinarado na ang kwadernong nakalapag sa lamesa.
Inirapan naman niya ako at sarili na ang pinaypayan niya. Natawa ako sa reaksyon niya.
"Sira to, selos ka ba? Pwede mo naman ring hiramin notes ko, pare xerox mo nga lang" sabi ko at binatukan na nga ako. Kaya napahalakhak na ako.
"Wow ha! Wow?!!! Basta talaga sakanya special treatment! Hina ko naman sayo, tsk!" Mahina niyang banat sa akin dahil baka marinig kami ng ibang kasama namin.
"Eh kase naman! Alam mo namang mas special siya puso ko kesa sayo!" Tska ko niyakap ng bahagya yung notebook ko at nag iimagine na si Jace ang kayakap ko.
"Aray!!!" Reklamo ko na lang ng bigla niya long konyatan sa ulo. Tumakbo na si loko habang tumatawa.
"Loko ka! Ang sakit nun ha!" Tska lang ako natauhan sa ginawa niya kaya napatakbo ako at hinabol na siya. Nasa may hallway na kami at paakyat na ako ng hagdaan, may separation kaseng hagdaan dito sa hallway namin papuntang canteen at mga apat na hakbang pataas tapos apat ulit na hakbang pababa.
Pagdating ko sa tuktok nung pataas ay muntik akong madulas dahil may kasalubong ako.
"Ho-hoy!!!" Napasigaw ako dahil alam kong malalaglag nako. Pinikit ko na ng mariin ang mga mata ko at hinintay na ang pag gulong ko.
Pero ilang segundo na ay wala akong naramdaman na masakit sa katawan ko kaya napadilat nako. Nanlaki lalo ang mga mata ko dahil nasalo ako ni Jace!
Sa dami ng taong pwede kong maka salubong siya pa talaga! Bat ba andito to? Akala ko may meeting sila ng mga officers?
"Kish!? Okay ka lang??" Pag lapit ni Jan sa amin. Napa silip ako sa gilid ni Jace dahil hindi ko makita ang bestfriend ko dahil hanggang dibdib lang ako ni Jace.
"Ah-ah o-oo, hehe. O- okay lang" sabi ko sakanya at nakita kong nangingiti na siya, tska ko lang narealize na ang higpit ng hawak ko sa kwelyuhan ng damit ni Jace.
"Halla sorry!!"sabi ko rito at bumitaw na sakanya tska tumayo ng maayos sa may gilid niya. Tumingkayad ako para ayusin ang kwelyo niya dahil nalukot ko na to.
Bumungisngis siya ng tawa, halos mamula ako dahil ang gwapo gwapo niya sa paningin ko. Para siyang anghel na kumikinang at parang kaming dalawa lang ngayon. Hayyyy
BINABASA MO ANG
She's That Girl
Teen FictionSJ, isang college basketball team captain, magaling maglaro sa court. Lahat ng babae sa campus nila ay nagkaka gusto at nahuhulog sakanya. Gwapo, matangkad, mabait, mahal ng lahat at lalong lalo na matalino. Kisha, isang tipical na college girl sa...