Chp 3

0 0 0
                                    

Naka habol ako pa ako sa game nila nung nakaraan, yun nga lang, fourth quarter na nun . Tama rin ang sinabi ng kaibigan kong si Alvin, nanalo nga sila. Kaya nakapag miryenda kami ng hapon na yun.

Andito kami sa sala ng bahay ni Jace dahil dito namin naisipang gumawa nung product namin for the foundation day. Pasok sa budget at saktong kita ang ma dodonate namin sa school before kami grumaduate. May specific na kase per group na dapat kitain at yung kikitain ay mapupunta ang kalahati sa school at paghahatian ng per student ang kalahating matitira pa.

Ang ganda ng bahay nila. Actually, sa lola niya ito. Dito lang sila pinag aral ng kuya niya dahil busy rin ang parents niyang mag trabaho sa Manila.

Last batch na lang ang pina pack namin para matapos na kami. Anong oras na rin kase eh. Sunday pa lang naman bukas pero gusto kong magpahinga ng linggo.

"Chat na lang kayo sa gc kung may kelangan kayo ha? Salamat sa pakiki cooperate" sabi ko sakanila. Natutuwa ako dahil efficient naman lahat ng ka group ko. Tumango ang mga babaeng ka klase ko at nagpaalam na rin kalaunan sa grand parents ni Jace at umalis na rin.

"Oh pano, mauna na kami, ikaw na bahala kay Kish pre"sabi ni Alfred kay Jan. Tumango lang ito at sumakay na sa motor niya at tuluyan ng umalis.

"Jace, salamat ha? Naabala ka pa namin. Buti wala kang practice ngayon"sabi ko sakanya.

"Walang anuman, gusto ko nga sana mag lead eh. Kaso hirap rin ako sa schedule ngayon"sabi niya at nagkamot ng likod ng ulo.

"Wala yon, we got you bro"sabi ko at nag offer ng fist bump sakanya. Natawa siya at tinanggap na nga ang fist bump ko.

"Kulit mo talaga, oh sige na. Mag gagabi na rin eh, baka mapano pa kayo ni Jan sa daan" sabi niya. Kaya tumango ako sakanya.

"Sige, paki sabi sa lolo't lola mo salamat ha? Una na kami, Bye!"sabi ko at ngumiti pa bago tumalikod sakanya.

Sabay na kaming lumabas ni Jan sa gate at sumakay na rin sa scooter niya.

"Landi ah, may pa I got you I got you bro ka pa dyan!"sabay tawa niya "Friend zoneeeeeee"pang aasar pa niya

"Leche ka talagang lalake ka! Eh alam mo naman mga tipo nun eh, tska hindi ako mag ri-risk na umamin na gusto ko siya no!" Sagot ko sakanya

"Bakit hindi mo lang i-try, baka gusto ka rin pala nung tao. Sa ibang crush mo noon kayang kaya mo, sakanya hindi?" Rebutt naman niya sakin.

"Ehhhhh, alam mo naman nga ang tipo niya, matangkad at sexy! Talino lang maambag ko, kaya hindi na. Kayang kaya ko namang itago eh. Titiisin ko na lang magka gusto sakanya sa ganitong paraan"sabi ko at nalungkot na.

Bwisit na lalake kase to, siya lang ang kayang man realtalk sakin ng ganito.

"Martyr amp, baduy mo men" sagot niya at huminto pa nga sa bilihan ng buko juice sa may kanto malapit sa amin.

"Hindi sa pagiging baduy dude, may mga feelings talaga na mas okay na hindi na lang sinasabi, hindi ko naman ikakamatay to ah? Tska malay mo, sa college magbago diba? Pag bigyan mo na ko!" Pag dedepensa ko sa sarili ko sakanya.

Inirapan niya lang ako at inabot ang plastic ng juice sakin tska nakisandal na rin siya sakin sa may motor niya

"Kilala kita ha, tska grade 7 palang gusto mo na yon, five years mo ng gusto yung tao! Lintik ka, panong makakalimutan mo rin yon?!" Panenermon niya sakin.

"Eh wala namang, namamagitan samin diba?  Tropa vibes lang talaga. Okay na ako dun. Sa college naman mag iiba na yung priority eh, makakalimot ako promise!"panunumpa ko pa sakanya para maniwala na siya.

She's That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon