Chp 5

0 0 0
                                    

Nasa may quadrangle kami ngayon, tirik sa initan dahil gusto ng dance instructor naming mag dusa kami dahil sa napaka titigas na ulo ng mga iba kong team mates.

Iritang irita na ako dahil paulit ulit kami sa routines, gusto ko ng bugbugin si Yasmin, yung baguhan kong co cheerleader na kanina pang tinatarayan ng mga lower batch ko.

"Itaas mo yang legs mo ng maayos Yasmin! Babaliin ko yan!" Sigaw ng coach namin kaya napalingon kami sakanya habang ginagawa ang isang stunt.

Napairap na lang ako, mga fifteen minutes na kaming pa ulit ulit dahil hindi niya magawa ng maayos. Tinuro naman na sakanya kanina ng cheerleader na isa kong co senior yung step. Maski ako ay nag offer ng ituro yung routine sakanya at sa mga kaibigan niya pero hindi pa rin nila ito makuha.

"Hindi kayo aalis dyan ng hindi pantay ang pagkakataas niyo dyan! Akisha! kay Yasmin! Beatrice! kay Lani at ikaw Mika! turuan mo si Love doon! Jusko kayong mga grade 9! Paulit ulit kayo! Mahiya nga kayo sa seniors niyo" bulyaw pa sa amin ng coach. Awang awa akong lumakad papalapit kay Yasmin.

Tinawag ko si Bea at Mika at bitbit na nga rin nila ang dalawa pang juniors. Pumameywang ako at bumuntong hininga.

"Uy guys, keep up naman tayo oh. Hindi lang kayo ang pagod na. Okay lang sa aming seniors pero yung mga grade 11 at 10 na kasamahan natin ay pag iinitan na kayo" sabi ko at medyo na alarma naman sila.

"Ate Kish, pasensya na talaga. Ang sakit sakit na rin kase ng binti ko eh. Nag kulang rin po siguro ako sa streching kaninang umagang practice at kanina, sorry talaga ate. Ako talaga yung mali" pag hingi ng paumanhin ni Yasmin at yumuko pa na parang maiiyak na.

"Hay, Yas! Wag mong sarilihin, hindi rin naman kami perfect pa minsan, pero tiisan lang talaga ng sakit ng katawan dito. Kung gusto mo maging better ibibigay mo lahat nung best mo para magawa ng maayos yung routine. Di bale, kausapin ko si coach. Mainit lang ulo niyan kase ayaw rin niyang nabibilad tayo sa arawan, pero kelangan tayo parusahan para matuto at mag tanda" sabi ko at inalu alo ko siya.

"Oh sige, ganito. Stretch pa kayo ng mga 15 minutes okay? Hingi ako ng break kay kuya Ian. Galingan niyo na ha?" Sabi naman ni Mika.

"Mabuti pa nga Miks, kawawa naman tong mga bata" sagot ko at sumang ayon naman si Bea.

"Pero seryoso guys, ayusin niyo na rin. Kayo na ang matitira kasama ang mga ibang ate niyo next year. Sige kayo, mas mga maldita yang mga yan" pananakot naman ni Bea sakanila.

Nagsitanguan ang mga kasamahan ko at nag simula na ngang mag stretch. Tanaw ko sa pwesto ko ang pag uusap ni Mika at coach ngayon. Bumuntong hininga siya pero kalaunan ay pumayag. Kaya nakapag silong muna ang iba pang members at ang mga hindi ko nga kasundong lower batch at nag sisi irap na sa pwesto kung na saan kami.

"Masyado kaseng mabait, pabida naman" rinig ko pang reklamo nung grade 10 na simula pa lang noon ay kumukulo na ang dugo sakin.

Hay self, deep breath! Inhale, exhale, inhale exhale. Kausap ko sa sarili ko, para mapigilan kong banatan tong babaeng ka team ko.

Oo, kasali ako sa dance troupe ng school. Lahat ng klaseng sayaw sa school na kelangan i compete, ay kami ang gumagawa. Pinaka main ko talagang sayaw ay hiphop at cheer leading. Elementary pa lang ako noon ay isinasali na ako ng mama ko sa extra classes tuwing weekends for gymnastics. Kaya ngayon, mas gamit ko ang skills ko sa cheer leading.

She's That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon