Biyernes na nga at nag start na ang parade kaninang mga alas otso pa. Nandito na kami sa entrance ng community center ng probinsya. Dito ginaganap ang mga final events ng mga schools dito, at na eexcite na ako para sa performance namin mamaya.
Kasama ko ang squad ko sa cheer dance dahil kami ang mag re represent ng school namin mamaya. Ang mga kaibigan ko ay kanina pang nag aabang sa may likuran na bleacher ng upuan ng mga players.
Grabe ang hiwayan ng mga studyante, pati na rin ang dagungdong ng mga instrumental drums sa may taas bahagi ng mga bleachers.
Naka ngiti lang ako all throughout ng pag pasok namin, kaway dito, kaway dyan.
"Hannah Cabrera! Ang hot at ang ganda mo talaga!!!!!!!" Tska pa pumito ang lalaking nag sabi noon. Nag tawanan kami dahil syempre agaw pansin nanaman ang babaitang ka grupo ko. Maganda kase talaga si Hannah, yun nga lang, halos lahat kaming babae dito ay kulang sa height.
"Go sexy Kish!!!!!! Make your papa proud!!!!!!!!!!!!" Rinig na rinig kong chant nila Alvin at Alfred galing dun sa bleachers!
Siniko ako nila Mika at Chelsea, napa iling akong ngumiti dito.
"Grabe suporta ng nga boys natin sayo ha! Iba ka talaga Kish! Pero sa totoo lang, ang sexy mo talaga! Hubog na hubog yung uniform natin sayo, yun nga lang, flat ka" tska humalakhak si Chelsea, sinimangutan ko nga siya.
"Yawa ka, okay na eh! bwiset" tska ko nag poker face saglit sakanya. Tinawanan naman nila ako.
"Tignan mo oh, may hawak pang banner yung bestfriend mo" turo pa nila kaya tinignan ko ang taas ng bleachers ulit.
"Pa kish naman kami, Akisha Llane" yun ang nakalagay sa banner. Napa face palm na lang ako ng mabasa iyon. Ang cocorny ng mga hinayupak! Proud na proud pa silang naka taas ang banner, na pang aasar lang naman ang laman.
"Oh pumunta na kayo sa kanya kanyang post niyo, mag sisimula na ang performance maya maya. Pag katapos nito, mag kumpol kayo dun sa taas na bleachers na iyon" sabi ni coach sa amin at nag sitanguan na kami. Nice! Malapit kila Jan ang upuan namin, natutuwa ako dahil sumasama na si Carina kahit pa paano sakanya. Katabi rin ni Carina si Bree at Ayanna. Binilin siguro ni Jan na samahan siya para di rin sila maging awkward.
Actually, naka usap ko na rin si Carina, at malupitang explain pa nga ang ginawa ko. Tuwang tuwa lang ako na hindi man siya masyadong friendly sa akin, pero kinausap naman niya ako ng maayos.
I already distanced myself to Jan, its to give respect for them. Alam ko namang walang mag babago sa amin ng best friend ko, dahil kahit naman nakikipag date noon si Jan sa iba, hinding hindi siya nag bago para sa akin. Yun nga lang, alam namin pareho ang boundaries namin tuwing may ka M.U. most of the time, siya nga lang yung merong dinedate.
"Omg! Kasama ni Jan si Carina!" Bulong ni Amaya, yung grade 10 na nagkaka gusto sa bestfriend ko pero never napansin ni Jan.
"Oo nga! Buti na rin yan, kesa sa isa dyan at pinag palit na siya, mas okay naman ng yun ang partner niya! Nag comeback ata sila" bulong pa nung kaibigan niyang ka group ko rin. Nag papa rinig pa eh di naman ako apektado. Hindi ko alam kung bat nag hilig hilig nila gumawa ng kwento! Pulutan ang buhay ng ibang tao sakanila, nakaka inis.
Lumayo ako ng bahagya at pumunta sa may harap banda na lang para maiwasan ko sila, baka mamaya di ako mapag timpi at masabunutan ko ang mga bruhitang yon. Inakbayan ako ni Mika.
"Okay ka lang?" Tska siya concern na tumingin sa akin, naka ngiti akong tumango.
"Napaka bait mo Kish, grabeng pag titimpi palagi ang ginagawa mo para lang di makipag away sa iba" sabi pa niya at nilaro laro ang bun ng buhok ko.
BINABASA MO ANG
She's That Girl
Teen FictionSJ, isang college basketball team captain, magaling maglaro sa court. Lahat ng babae sa campus nila ay nagkaka gusto at nahuhulog sakanya. Gwapo, matangkad, mabait, mahal ng lahat at lalong lalo na matalino. Kisha, isang tipical na college girl sa...