Chp 7

0 0 0
                                    

Isang linggo na simula nung mabuo ang super trio, at in fairness kay Jace, sumasama talaga siya sa aming dalawa ni Jan.

Hindi ko tuloy ma express ng maayos ang mga gusto kong sabihin at nararamdaman pa minsan dahil most of the time naman, feelings ko para sakanya ang pinag uusapan namin ni Jan.

Pero ang saya saya ko palagi, kase inseparable talaga kaming tatlo. Nawiwirduhan na nga ang iba naming mga kaibigan pa dahil mukha daw kaming love triangle.

"Umusog nga kayo don!" Mahina kong singhal sa kanila.

"Dali na Kish! Ilang minutes na lang deadline na nito" reklamo ni Paolo sa akin.

"Kung di ko lang talaga kayo tropa! Teka! Last question na" sabi ko at napakamot sa ulo ko gamit ang ballpen.

"Oh eto, kopyahin niyo na. Ire phrase niyo ah!" Alok ni Jan sa papel niyang tapos na nga niyang sagutan.

Tumingala ako sakanya at nag tataka. Napaka bilis naman matapos nito? Napaka inspired naman ng best friend ko. Gusto kong matawa sa kasipagan niya.

Siniko ko na sila Alvin at Paolo na kanina pa ko ginagambala para maka kuha ng sagot. Habang ang katabi kong si SJ ay seryosong seryoso sumagot sa kabilang side ko. Si Jan ay naka tayo namang nag aayos na ng gamit sa bag niya sa tapat ko.

Nasa library kami dahil nga may activity na pinapagawa ang last subject teacher namin ngayong araw.

Alas tres ang dismissal ngayon ng mga athlete at cheer dancers dahil sa practice preparation na magaganap for the finals game sa Friday.

"Oh saan ka?" Hindi ko natiis itanong kay Jan, dahil after niyang mag ayos ng gamit ay umupo siya ulit pero tingin nang tingin sa relo niya.

"Sibat muna sana ako, puntahan ko si Carina" sabi niya at nahihiya pa. Nanlaki ang mata ko.

"Luh?! Parang tanga! Sige na, puntahan mo na. Aalis na rin ako sa library after netong last question. Ako na mag papasa ng papel mo" sabi ko sakanya at tinataboy na siya.

"Eh paano ka?" Nag aalalang sabi niya. Natawa ko sa problema niya.

"Tangek to, papahinga lang ako saglit tapos kuhanin ko na gamit sa locker mamaya. Kaya ko sarili ko Reinelle, tigilan mo ko ha. Unahin mo na muna yung sayo!" Natatawa ko ng sagot sakanya. Ang cute cute ng best friend ko talaga, inaalala pa ako bago ang kasayahan niya.

Nagkamot siya ng ulo na para bang naiirita sa sagot ko.

"Tsk, baka umuwi ka nanamang maiksi suot eh! Mag bihis ka pag uuwi ha. Wag kang tamarin, nyeta ka" sabi pa nito.

"Ouch, sinasaktan niyo feelings ko" napatingin kami ni Jan kay SJ.

"Akala ko ba super trio? Ano ako estatwa?" Sabi pa niya at parang naiiyak na nakahawak pa sa dibdib niya. Natawa si Jan.

"King ina mo pre! Ang drama mo! Hahahahah! Syempre di kita nakakalimutan, ibibilin ko rin sana tong ugok na to sayo" sabi niya at tinuro pa ako. Hindi ako makapaniwalang iiwan niya ako at ibinibilin pa talaga kay SJ. Kay SJ! Oo sa crush kong si SJ! Punyeta rin talaga tong lalakeng to.

Tinignan ko siya ng masama at nag papahiwatig sa tingin na bawiin ang sinabi niya. Pero ang loko, hindi ata ako naiintindihan!

"Ah, okay lang! May practice rin sila Jace dude. Kaya ko na, to naman ginawa akong bata" pag rereklamo ko dahil ayokong maiwan kami na dalawa lang. Di ko kakayanin lalo, shet!

"Totoo naman, midget ka pa nga eh" pang aasar pabalik ni Jace at natawa pa.

"Nice one par! Oo nga no! Bagay sakanya yun" nag tawanan at nag apiran pa sila sa harap ko. Hinampas ko ang braso ni Jace at natatawa pa rin siya sa reaksyon ko.

She's That GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon