THE LETTERS PART 1

922 92 51
                                        

RED,

       Hey wassup,I don't actually know how to start this letter...Pero sisimulan ko na lang sa Isang pasasalamat...You and your brothers unexpectedly came into our lives,but at the same time destined to meet..malaking bagay para sa'kin na dumating kayo sa buhay ko,you've been my support ever since the conflict between my family and I...hindi mo ako iniwan,palagi kang naka alalay sakin kaya salamat,thankyou so much for every fall i've been na kasama kita Red...I want to fool myself into thinking na ginawa mo yong mga yon ng dahil lang sa Kaibigan mo ako,at mahalaga rin ako sayo...But we both know it's more than that,right???yes,i know alam ko kung ano talagang nararamdaman mo for me,it's beyond friendship...You Love me not like the way everyone thinks,but like the way i love Bianca...It's kinda extreme and weird to see and feel the love you're giving from someone else,despite knowing i love someone else that did not stop you from showing me what i deserve so Thankyou for that and I salute you for being so Brave and strong...Sa pamamagitan ng sulat na 'to,ako'y mamamaalam na sayo kasama ang bilin na sana ingatan mo ang nga prinsesang naiwan ko,ikaw na sana ang bahala sa kanila..Ingatan,alagaan,at ipagtanggol mo sila sa lahat ng oras,Red...mahal ko kayo,at mananatili kayo palagi sa'kin,kahit nasa malayo na 'ko,malayo sa inyo...

                           
                                                 YUMI




BLUE,

          Hi,namimiss ko na yong mga kulitan natin,lalo na kapag nagiging mas babae ka pa kesa sakin tuwing topic natin jowa mo...i know how much you love him,matagal na rin kayo...Pero alam ko kung ano yong mga ginagawa niya sayo,At alam natin na hindi mo deserve yon...Hinihiling ko na sana balang araw simula ngayon,mapalaya mo na yong sarili mo sa rehas ng pagmamahal na ikaw rin ang may gawa...palayain mo ang iyong sarili to give yourself the lobe you deserve,at ang pagmamahal na yon ay walang  ibang magbibigay kundi sarili mo lang,Selflove....Sarili mo muna bago iba,You gave it all already,Sarili mo naman ngayon,okay???you deserve everything,if he can't even give a bare minimum,Give that to yourself,and the first step is to leave him...huwag mo nang panghawakan ang mga memories niyo para maging dahilan ng patuloy na pagkapit sa kanya...I want you to be genuinely happy,gusto kong umalis at matahimik knowing na malaya ka na sa kanya...In that way,i can say my final goodbye to you,Mahal ko kayo...Alagaan niyo ang isa't isa...     

                                          YUMI



SILVER,

            Pilak,Hindi ko alam pero nagiging emosyonal ako sa pagsulat ng letter sayo,Ano ka Gold,e pilak ka lang swerte mo naman...but anyway im currently missing our long talks about life,alam mo sira ulo ka lang pero dabest kang taga pakinig kapag may rant ako,you've been my crying shoulder too,rant buddy....Also my supporter when it comes to Bianca,you always cheer me,reminding me to keep fighting,to fight for her...Taga pagtanggol kapag may nang aaway sakin,thankyou...sobrang salamat kase sanay akong ako yong nagtatanggol pero nong dumating kayo sa buhay namin,Naranasan ko ring ipagtanggol,ang saya pala...Now i want you to continue protecting,hindi na para sakin kundi para sa kanila na,mga prinsesa ko,mga naiwan ko...Ingatan mo sila ha,Lalo na si Ate Ash dahil alam ko namang gusto mo siya ayaw mo lang aminin....Gulat ka no,oo alam ko...Galawang nang aasar pero ang totoo gusto mo lang siya,may pa ate ate ka pa hatdog ka....ligawan mo na,maunahan ka pa ng iba sige ka....Now,Im going na ha,Always be careful,thankyou for everything,mahal ko kayo...Goodbye,Silver...

      

                                   YUMI

Platonically RomanticWhere stories live. Discover now