CHAPTER 12💜 Litrato

676 9 1
                                    

( Noelle )

KINABUKASAN maaga umalis ang binata.

Hindi ko na nga ito naabutan pa. Paggising ko kasi wala na ito at nakapasok na yata sa trabaho.

Masaya akong nagtungo sa kitchen ng binata. Balak ko sana magluto nang agahan ko. Ngunit ito na naman ang kilig at palpitate nang puso ko.

May nakaready na kasi roong agahan sa lamesa at may note pa sa ibabaw nang basket na ginamit nang binata pantakip sa mga pagkain.

Napanganga ako sa tuwa matapos alisin ang takip namg pagkain.

Shutangina! Kinikilig na naman ako.

Sa totoo lang wala naman special na sinulat ang binata sa iniwan nitong note pero nag-effort pa rin ito.

"Enjoy your breakfast."

Marunong pala magluto ang binata. Natawa ako dahil gusto yata nang binata na maduwak-duwak ako sa busog. Mag-isa lang naman akong kakain pero sandamakmak ang niluto nang binata.

"Ganoon ba ako katakaw?"

Simple lang naman ang mga niluto nito pero nakakatouch pa rin.

May fried rice, hotdog, ham, itlog na sunnyside up, bacon, omelette, at longganisa.

Napailing ako bago kumuha ng plato at nagsimulang kumain.

Matapos kumain hindi ko naubos lahat, may mga natira pa rin kaya nilagay ko sa refrigerator para hindi masira.

Naghugas muna ako nang plato at nagpahinga saglit saka ako naglinis nang bahay nang binata.

Noong last time hindi ko masyadong nalinis ang kwarto ni Daver kaya iyon muna ang inuna kong linisin.

Pinalitan ko lahat nang punda niya pati bedding at comforter. Sa totoo lang mabango pa rin ang mga punda at kumot nang binata. Hindi ko napigilan amuyin.

Matapos kong gawin iyon, saka ko kinuha ang vacuum, inuna ko ang ilalim nang kama. Ngunit bigla na lang nagstock up at huminto ang vacuum.

"Luh! Nasira ko pa yata. Shit!"

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaluhod at hinigit nang marahan ang vacuum mula sa ilalim nang kama ng binata. In-off ko muna iyon saka pasalampak na umupo sa sahig at sinuri ito.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang may nakapasak lamang doon na papel kaya tumigil. Marahan ko iyong kinuha sa pagkakaipit. Napatitig ako roon.

Isa iyong litrato nang isang babae. Napakaganda nito roon sa kuhang iyon. Mahaba ang buhok nito na alon-alon hanggang ibabaw ng balakang. Nakasuot ito nang dress na bulaklakin. Kung pagbabasehan, summer siguro noong ito ay kuhanan nang litrato. Nakangiti ito direkta sa kumukuha nang litraro at talaga namang napakaganda nang mga mata nito, maging kasi ang mga iyon ay nakangiti.

"Sino kaya siya? Ang ganda niya."

Hindi ko mapigilan na humanga sa ganda nito. Natauhan lang ako nang biglang tumunog ang doorbell. Mabilis akong tumayo, nagpagpag nang suot dahil naalikabukan na ako.

Sumilip muna ako sa hole bago iyon buksan. Hindi ko kilala ang nasa labas, pero isa itong lalake. Delivery yata ito base sa hawak nitong paper bag at nakamask ito nang balaclava style pang motorcycle.

Binuksan ko iyon at bumati kay kuyang delivery.

"Magandang hapon po. Delivery po kay Ms. Noelle Santarin?"

"Ako po iyon."

Kahit nagtataka kung bakit may deliver ako ngayon, kilala pa ako nang nagpadeliver, sumagot naman ako nang maayos at nagpakilala.

(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon