CHAPTER 4💜 Nabubuhay Na Pagnanasa

878 8 0
                                    

NOTE:~ Rated SPG po ang mga mababasa kung kaya't huwag muna magbasa ang mga bata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NOTE:
~ Rated SPG po ang mga mababasa kung kaya't huwag muna magbasa ang mga bata. ~

( Noelle )

Napasinghap ako ng gumalaw ang lalakeng katabi ko na mukhang magigising na yata.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko kung may kakaiba bang nangyare sa katawan ko. Ngunit wala naman, bukod sa mahapdi ang anit ko dahil sa pagsabunot sa'kin, masakit ang katawan ko dahil sa pananakit ng tauhan ni Mr. Chen. Mga sugat na nakuha ko roon sa bintana ng kwarto ko para makatakas. Iyon lang at wala ng iba.

Ano nga bang nangyare kagabi? Ang huli ko kasing naaalala ay ng ipasok ako sa itim na sasakyan ng mga tauhan ni Mr. Chen. Bukod doon wala na akong maisip dahil wala akong malay. Ni hindi ko nga alam kung paano ako napunta rito sa bahay o condo nitong lalake at kung bakit kasama ko ang estrangherong ito.

'May nangyare ba sa amin ng estranghero na ito?'

Alam ko kapag first time daw na pasukan ng hotdog ng lalake ang talaba ng isang babae dudugo iyon at masakit kinabukasan. Iyon ang sabi ni Cherry sa akin, ngunit wala naman akong nararamdaman sa kabibe ko sa baba.

Hindi naman nagising ang lalakeng estranghero at tumagilid lamang ito na ipinagpasalamat ko. Hindi ko kasi magawang hilahin ang kumot upang tumayo sana dahil maghahanap ako ng ibang maisusuot dahil ang suot ko'y para na akong mapupulmunya sa liit, kinapos na kasi ito sa tela. Totoo namang napakalamig dito sa bahay ng lalake dahil siguro sa aircondition nitong naturang kwarto. Isang nighties na kulay pula itong suot suot ko na kaonteng galaw kita na ang kaluluwa ko.

'Nasaan na ba ang damit ko kagabi?'

Upang hindi ko makita ang hindi dapat makita sa lalakeng hubadero na ito hindi ko na kinuha ang kumot. Tutal tulog naman ito kaya marahan na tumayo ako at bibilisan ko na lang ang paghahanap ng disenteng maisusuot.

Marahan akong tumayo sa kama, napahinto ako sandali ng gumalaw ito dahil sa ginawa kong pagtayo. Pigil ang hininga at tiningnan kung magigising ito. Nakahinga ako ng maluwag ng hindi ito gumalaw. Nakatapak na ang isa kong paa sa sahig ng mapakislot ako at impit na mapatili ng may humawak sa braso ko.

"Where do you think you're going?" anito sa baritonong boses at pinaghalong paos at sexy na boses, siguro dahil bagong gising ito.

Mabilis ko itong nilingon sa nanlalakeng mga mata. Hindi ito nakatingin sa'kin o nakaharap man lang kaya't ni hindi ko pa nakikita ang mukha nito. Nanatili itong nakatagilid sa akin habang hawak ang kanang braso ko.

"B-bitawan mo ako." nanginginig na turan ko, siguro dahil sa lamig na gawa ng aircon o sa kaba na nararamdaman ko.

Wala man nangyare sa amin kagabi na hindi ko alam kung bakit pero baka ngayon niya gawin sa akin iyon. Hindi maaari.

Hindi ko napaghandaan ang ginawa nito. Hinila ako nito at bumagsak sa ibabaw niya na hindi ko namalayang nakatihaya na pala.

Lahat ng tatayo sa katawan ko'y tumayo na. Ang mga mata ko'y nanlaki habang titig na titig sa dibdib ng binata. Nakatukod ang mga kamay ko sa matigas nitong sikmura na animoy pader dahil sa maskulado ito.

Naramdaman ko rin sa pagitan ng mga hita ko ang unti-unti ng tumatayong sandata ng lalake. Bumukol iyon sa ilalim ng kumot. Tumaas lahat ng balahibo ko. Hindi ko maiwasan na mapasulyap roon.

'Shit!'

Hindi ko alam kung ilang beses ako napalunok habang titig na titig sa malapad na dibdib ng lalake pababa sa mga abs nitong kumakaway sa akin maging sa bagay na iyon. Nakalapat ang aking mga palad abs nito dahil doon ako nakatukod upang hindi masubsob rito. Hindi ko magawang ialis ang mga kamay roon, parang gusto kong haplos haplusin iyon.

Nakaramdam ako ng pag-iinit sa katawan habang nasa ganoon kaming posisyon ng binata. Hindi naman pinatay ang aircon pero pakiramdam ko uminit bigla sa paligid. Ang katawan ko pakiramdam ko sinisilaban iyon.

Ni minsan hindi ako naging ganito kay Gerald noon na Ex ko kahit na ibalandra pa niya ang katawan niya sa pagmumukha ko. Ni wala akong naramdaman na kahit na ano noon, kahit nga pinipilit nitong ipahawak ang abs nito sa akin. Nahawakan ko iyon ngunit walang dating sa akin para lang iyong normal na bagay na nahahawakan ko hindi tulad nitong estrangherong ito ngayon. Para akong inaakit ng mga iyon. Nag-iinit ang katawan ko sa simpleng dait lamang ng mga balat namin.

Ipinilig ko ang aking ulo. Ano bang kahalayan ang sumasapi sa'kin? Nagpumiglas ako upang makawala sa pagkakahawak ng lalake at makaalis sa tukso ngunit humigpit lamang muli ang kapit nito sa dalawang braso ko.

"Huwag kang malikot. Natutulog pa ako." mahinang turan nito sa antok na antok na boses.

Napatingala ako sa mukha nito at hindi ko inaasahan na isang binata pa ito na halos hindi nagkakalayo ang edad namin. Akala ko noong una ay mas matanda ito sa akin dahil na rin sa isipin na sa club ako nito nakuha. Ang pagkakaalam ko puro matatanda lamang ang pumupunta sa club na pinagtatrabahuhan ni nanay Beth.

Hindi agad ako nakapagsalita at tinitigan lamang ang binata habang nasa ibabaw pa rin ako nito. Nakapikit ito kaya't hindi nito alam na tinititigan ko siya.

'Mas mabuti.'

May mga bigote ito ngunit malinis iyon, hindi rin iyon sobrang haba, mukhang inaalagaan nito iyon. Maputi rin ito at mamula mula ang mga labi. Matangos ang ilong at medyo pangahin ito. Napansin ko rin ang maliit na hati sa baba niya. Bumaba ang tingin ko sa adams apple nito at hindi ko alam kung bakit ako napalunok.

Ilang ulit akong napakurap muli dahil inaagiw na naman ang utak ko.

Natutuliro ang isip ko dahil sa mainit na palad ng binata na pumipigil sa mga braso ko at mainit na katawan nito na ramdam na ramdam ko mula sa mga abs nitong nilalaparan ng palad ko. Isama pa ang nakatayong bagay na iyon sa pagitan ng mga hita ng hinata na natatakpan lamang ng kumot at sumasagi sa aking mga hita.

"Wala ako sa mood miss, pagod at antok pa ako. Kaya't huwag mo akong titigan. Matapos mo akong tulugan at pahirapan kagabi ngayon mo ako tititigan na para bang gusto mo akong kainin."

Napatingala ako sa mukha ng binata, napakurap ng ilang beses at hindi nakasagot sa kanya. Hindi ko namalayan na nakamulat na pala ito at nakangising nakatitig sa akin.

He has a brown eyes. Mga matang nang-aakit kung tumingin. Malalantik na pilik mata at magulong buhok na kahit hindi ayusin gwapo pa rin.

Namula ako sa sinabi nito at napapahiyang inilihis ang tingin sa binata. Nagkakasala ako.

'Aba't loko loko pala itong lalakeng 'to e.'

Kung inaantok siya bakit nakatayo at galit ang sandata nito?

"Bastos!"

Namumulang turan ko at inis na umalis sa ibabaw nito. Hindi naman na ako nito pinigilan at tumatawa lang na dumapa sa kama nito. Nakahinga ako ng maluwag dahil nakatakip pa rin ng kumot ang sandata nito.

(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon