CHAPTER 21💜 SPECIAL CHAPTER

868 13 3
                                    

*WEDDING RECEPTION*

"Hoy Cherry! Para ka namang patay gutom." Turan ng tita nito kasabay ng kublit nito sa balikat ni Cherry. "Gutom na gutom?" dagdag nito saka umupo sa katabing upuan ng dalaga na halos lumobo na ang magkabilang pisngi.

Ngumisi lamang si Cherry sa tita nito dahil hindi na magawang magsalita, punong puno na kasi ang bibig nito ng mga pagkain. Natawa na lamang ako sa nasasaksihan, napakakulit rin kasi talaga nitong si Cherry.

"Baby! You want something to eat? or anything? Drinks?" masuyong tanong sa akin ni Daver, ngunit umiling lamang ako.

Pumulupot ang kamay nito sa aking balakang at masuyo ako nitong hinalikan sa pisngi. Sinamyo-samyo ang aking buhok at bandang leeg. "You really smell so sweet and so good, parang honey and vanilla."

Medyo nakiliti ako sa ginagawa nito. "Ikaw talaga!" mahina ko itong hinampas sa balikat.

"Nag-aalala ako sa'yo, wala ka pang kinakain simula pa kaninang umaga. Maging si baby kawawa naman."

Napangiti ako dahil sa pag-aalala nito. Napaka-maalalahanin nito. Hinaplos nito ang medyo umbok ko nang tiyan, 4months na kasi ito at maglilima next week. Saka ito lumuhod at hinalik-halikan ang tiyan ko.

Nawala ang mga ngiti ko. The unexpected visitor came. Nanay Beth at mga tauhan ni Mr. Chen.

Kulang ang salitang gulat na makikita sa mukha ko. Akala ko nakakulong na sila ngunit bakit naririto sila ngayon? Sa napaka importanteng okasyon ng buhay ko.

Bangungot lamang ba ito? Sana nga, dahil hindi ko gugustuhin na makita ang ganitong eksena sa pinakamahalagang parte ng buhay namin ni Daver at ng magiging baby namin.

"Paano sila nakalaya sa kulungan?" mahina at may kasamang panginginig na turan ko. Naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Daver sa aking balakang dahilan upang maagaw nito ang aking pansin.

Ramdam ko ang tensiyon sa aming dalawa habang nakatingin sa maladimonyong mukha ni Nanay Beth.

Kumaripas rin ng takbo si Cherry papalapit sa akin ang kanina lamang ay busy sa pagkain.

"Noelle! May baril sila! Ang mga bisita!" pabulong ni Cherry.

"Please calm down! Cherry please ikaw muna ang bahala sa mag-ina ko."

"No Daver! Anong gagawin mo." mahina ngunit may diin na turan ko.

Tumambol ng malakas ang kabog ng dibdib ko sa takot. Hindi ko hahayaan na lumapit ito sa mga demonyong buong buhay ko'y pinahirapan lang ako.

Ngumiti saka sinakop ng dalawang palad nito ang mukha ko ng may pagsuyo at marahang hinaplos. "Trust me! I'll be careful, okay?" he said and then kiss my porehead.

Umiling-iling ako dahil kilala ko si Nanay Beth. Wala itong kunsensiya. Mahigpit ko itong hinawakan sa braso nang magsimula itong humakbang palayo sa akin, na para bang sa paraan na iyon mapipigil ko ito.

"It's okay." Masuyo nitong turan.

Napilitan akong bitawan ang braso nito. Para akong nanghihina ng papalapit na ito ng papalapit kela Nanay Beth. Sa sobrang kabog at bilis ng tibok ng puso ko hindi na ako makahinga. Naramdaman iyon ni Cherry kaya naman pinaupo ako nito.

Maging si Cherry nanginginig sa tabi ko. Ang mga bisita ay nagkakaroon na rin ng idea kung ano ang nangyayare. Ang iba'y nagsitayuan na sa kani-kanilang upuan at lumayo sa mga bagong dating na ngayo'y kausap ni Daver.

Nagulantang kami ng biglang sumigaw si Nanay Beth at bigla rin tumawa na parang nasisiraan ng ulo. Ang ilang guards at pulis ay nakapalibot na.

"This is really interesting. Ikinasal ka na pala Noelle, ang napakaganda kong anak. Hindi mo man lang ako inimbitahan." ngiting ngiti na turan nito. Akala mo'y totoo pero rinig na rinig ko ang sarkastiko sa boses nito.

(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon