CHAPTER 13💜 Suit

601 5 0
                                    

( Noelle )

TINOTOO ni Cherry ang sinabi nito. Halos matawa pa ako sa get up nang bruha. Naka-wig ito na kulot-kulot na hindi lalampas sa balikat. Nagsuot din nang sunglasses at kuntodo ang make-up na parang inginudgod ang mukha sa harina. Napaka-kapal din nang lipstick nito at blash on. At no'ng ngumiti ito, wala na, hindi ko na kinaya. Humagalpak na talaga ako nang tawa. Halos mamulikat ang large at small intestine ko kakatawa.

Hindi ko talaga siya nakilala noong bumungad siya sa pinto nang condo unit ni Daver. Akala ko nga noong una nagkamali lamang ito nang pagtapat sa pinto nang binata.

"Shuta ka! Makatawa ka parang ngayon ka lang nakakita nang maganda."

Sinamaan ako nito nang tingin dahil hindi ko talaga magawang pigilan ang tawa ko.

"Sorry talaga, baks. Shutangina! Ano ba kasing itsura 'yan?", tawa pa rin ng tawang tanong ko.

"Aba! Kung makilala pa naman ako nang mga naghahanap sa 'yo ewan ko na lang talaga. Ang famous mo girl, ganda ka?"

Sarkastiko nitong usal saka tinanggal ang wig pati ang make-up nitong hindi ko talaga magawang hindi tawanan.

"Shuta ka girl! Alam mo ba halos araw-araw akong stress dahil sa pagmumukha nang ex mong kulang sa aruga."

Hindi na ako nagulat sa sinabi nito. Alam ko kasi hahanapin ako nito kay Cherry simula nong makita ako nito kasama si Daver.

"Feeling ko nga nabawasan ang ganda ko sa kakulitan nang Gerald na 'yon."

Natawa na lang ako. Pumunta muna ako sa kitchen para magluto nang kakainin namin. Sumunod naman ito at nilibot ang tingin sa paligid.

"Infernes, ang ganda nitong condo unit ni fafa Daver mo.", kumikindat na turan nito sa'kin habang ako'y busy sa paghalungkat nang pwedeng iluto sa refrigerator.

Napataas ang kilay ko.

"Anong fafa sinasabi mo d'yan?"

"Deny ka pa d'yan. Anong mayroon sa inyo nang hot fafa na si Daver?"

"Baliw! Walang gano'n."

Pag-iwas ko. Ngunit hindi ako nito tinantanan.

Hindi ako makatingin nang diretso kay Cherry. Tinalikuran ko ito, humarap akong muli sa loob nang refrigerator at kunware'y inabala ang sarili. Maisip ko pa lang ang ilang beses na intimate na nangyare sa amin ng binata, hindi ko pa rin maiwasan na pamulahan nang pisngi. Maging ang dibdib ko ay hindi maipaliwanag ang kabog nito.

Ano nga bang mayroon sa aming dalawa?

Wala naman kasing nababanggit ang binata at hindi rin naman ako nagtatanong sa kaniya.

Wala akong lakas ng loob.

"Pero bakit umiiwas ka? Kung wala namang talagang magical na nangyayare sa inyo? Bakit 'di ka makatingin sa magaganda kong mga mata?"

Napa-rolled eyes na lang ako. Maisingit lang talaga ang ganda niya.

Nakahawak na ito sa pintuan nang nakabukas na refrigerator saka malisyosang tinataasan ako nang kilay habang nakakalokong nakangiti.

Sa huli, sinabi ko rin sa kaniya ang lahat at ang bruha halos mamilipit sa kilig. Ako nama'y pulang pula habang inuulat niya ng asar.

"Dalaga ka na talaga girl, lumalandi ka na. Masarap ba?"

Halos mabilaukan ako sa pinagsasabi ni Cherry.

Sasagot na sana ako nang bigla tumunog ang doorbell. Napalingon kami pareho ni Cherry at base sa itsura ng dalaga pareho kami nang iniisip.

"Nasundan ba ako?" Namumutlang turan nito sa akin. Hindi ako nakasagot kaagad. Maging ako kasi'y kinakabahan. Paano nga kung nasundan ito nang mga tauhan ni Mr. Chen? O ni nanay Beth? "Natatakot ako girl!" naiiyak nitong turan.

Kung si Daver ito, hindi na iyon kakatok dahil may sariling susi ito.

"Shussssss!" turan ko sa kanya.

Marahan kaming lumapit sa nakasarang pintuan. Damang-dama ko ang kaba ni Cherry dahil sa lamig nang palad nito at sa higpit nang hawak nito sa braso ko.

Nakailang katok pa ang nasa labas ngunit hindi ko ito pinagbubuksan ng pinto. Kinakabahan ako sa totoo lang, pakiramdam ko hindi na maayos ang tibok ng puso ko. Maging si Cherry ay nanginginig na sa takot, namumutla ito na any minute ay hihimatayin na.

"Are you sleeping?"

Nakahinga kami ng maluwag ng marinig ang boses ng nasa labas ng pinto.

"Daver?" Mahinang usal ko.

"Can you open the door? I'm tired!"

Dali-dali kong binuksan ang pinto sa nanginginig pa rin na mga kamay at mabilis na niyakap ito. Hindi ko alam kung bakit o hindi lang talaga ako nakapag-isip ng maayos pero kumalma ang buong himaymay ng katawan ko ng magdait ang mga katawan namin. Naramdaman ko ang gulat nito sa ginawa ko pero hindi ko na muna iyon pinagtuunan ng pansin. Bahala na!

Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso ng binata, napakasarap pakinggan. Feeling ko kami lamang ang naririto at para bang may magical na nakapaligid sa aming dalawa. Unti-unti inangat nito ang kanang braso saka ako tinapik ng marahan sa aking likod.

"Baka gusto niyo munang pumasok?"

Sa narinig na may halong malisyang boses ni Cherry bigla para akong binuhusan ng malamig na tubig. Tinablan ako bigla ng hiya sa binata at mabilis akong humiwalay ng yakap rito.

"And, who are you?"

"S-she's my friend Cherry."

"Hi! fafa Daver ni Noelle!"

Para akong tinakasan ng dugo sa mukha dahil sa sinabi nito. Nakakahiya!

Pinanlakihan ko ito ng mara pero ang maldita pinanlakihan lang din ako ng mata at saka ngumiti ng pagkatamis-tamis sa binata.

Traydora talaga!

Hindi naman ako makatingin ng diretso sa mata ni Daver na ngayo'y nakakunot ang noo kay Cherry.

"P-pasok na tayo!"

Iyon na lamang ang sinabi ko upang maputol na ang awkward na feeling sa amin.

Nakapasok na sila Daver at Cherry ng mapalingon akong muli sa dulo ng pasilyo ng floor na tinutuluyan ni Daver. Isasara ko na sana ang pinto ng makita ko ang kalahati ng likod ng isang lalake na naka-itim na suit. Mabilis itong nawala. Iyung kaba ko kanina ay bumalik. Hindi kaya, isa iyon sa tauhan ni Mr. Chen at nanay Beth? Nasundan na ba kami ni Cherry?

May dumaan muling naka-suit na matandang lalake. Naipilig ko ang aking ulo. Siguro'y nagkamali lamang ako. Baka isa lamang iyon sa nakatira dito. Malabong masundan kami.

"Uy girl!" tawag sa aking ni Cherry mula sa loob. "Bilisan mo na riyan. Naghihintay si fafa Daver mo!"

Napa-rolled eyes na lang ako sa narinig saka isinara na ang pinto.

(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon