( Noelle )
ILANG MINUTO na ang lumipas pero heto walang nagsasalita ni isa sa aming dalawa. Nagtititigan lang kami hanggang sa ako na yung unang nagbawi ng tingin. Hindi ko kinakaya ang mga mata nitong matitiim kong tumitig. Para ako nitong inaakit at hinihipnotismo, masyado akong nalululong sa mga mata nito. Ngunit napansin kong bumagsak ang pangangatawan nito, namayat ito. Maging ang mga mata'y nangangalumata na halatang kulang ito sa tulog o baka stress ito.
Kulang ang salitang gulat na mababakas sa mukha at nararamdaman ko, I'm speechless. Maging ang mata ko'y nanlaki ng yakapin ako nito.
"I miss you!.......Babe!"
Mahina ngunit rinig na rinig kong turan nito. Ramdam na ramdam ko ang pagod nito. Iyong tibok ng puso nito maging ang paghinga nito.
Napaluha ako ng marinig ang sinabi nito dahil maging ako'y walang araw at walang oras na hindi ko ito namiss. Iyong luha ko na-uwi sa iyak at hagulhol ng mas higpitan pa nito ang yakap sa akin.
Iyong bigat na dinadala ko sa dibdib ngayon ko lang nailabas, prostration, at sumasabay pa itong hormones ko bilang buntis.
"Why did you leave?", anito matapos akong pakawalan mula sa yakap nito. Saka ako tinitigan muli habang pinupunasan ang mga luha sa aking pisngi. "Why did you leave me?", masuyo at may lungkot na tanong nito kasabay ng paghawak sa tigkabilang balikat ko.
"Kasi....", panimula ko habang nakatitig rin sa mga mata nito.
Hindi ako makasagot dahil sa totoo lang hindi ko kayang sabihin sa kanya kung bakit ako umalis. Masakit kasi kung kailan narealized ko na mahal ko na siya saka naman bigla maririnig ko mismo sa babae na muntik na pala sila ikasal noon, nagplano sila about sa future nila at balak na nilang ituloy iyon. Ano na lang ang mangyayare sa'kin? Hihintayin ko pa ba na paalisin ako nito o nung babae? May mahal na itong iba kaya naman ano pa ang ginagawa nito ngayon dito? Diba ikakasal na ito? Or ikinasal na? Naguguluhan ako. Gusto ba niyang maging kabit ako dahil lang sa nalaman nitong buntis ako at siya ang ama? Ayoko! Hindi ko yun hahayaan na mangyare. Ayokong makita ng magiging anak ko ang ganoong sitwasyon namin habang lumalaki ito.
Lalo akong naiiyak kasi halos pareho kami ng magiging anak ko, pareho kaming hindi kumpleto ang pamilya. Ang kaibahan lang, mismong mama at papa ko hindi ko nakilala or nakita man lang ang itsura. Ang magiging anak ko hinding hindi ko hahayaan na mag-isa, hindi ko siya iiwan.
Marahang umangat ang mga kamay nitong nakahawak lamang kanina sa tigkabilang balikat ko at sinakop ang aking pisngi.
"Bakit ka umalis? Hindi mo ba alam na halos mabaliw ako noong mawala ka? Hindi ko alam saan ka hahanapin. Kung saan ako magsisimulang maghanap sa'yo."
Naguluhan ako. "Bakit?", sa dami ng gusto kong itanong at sabihin, bakit lang ang lumabas sa bibig ko.
"You really don't know? Hindi mo ba nararamdaman? Hindi mo napapansin?", prostrated nitong tanong sa akin ng umiling ako.
Sa totoo lang hindi ko maintindihan ang sinasabi nito, at kung ano ang tinutukoy nito.
Binitawan ang mga pisngi ko, lumayo ng bahagya sa akin at tumalikod saka hinawakan ang sariling buhok saka ginulo-gulo iyon.
Muli itong humarap sa akin at lumapit. Mukha itong nauubusan na ng pasensiya sa akin. "Do I need to spill it out to you to make you understand, to make you realize that I love you."
Napanganga ako ng marinig ang mala-mahikang tatlong salita na binigkas ng mga labi nito.
"Paanong? Teka! Paano si Selena?"
"Selena? Bakit nasingit si Selena dito? And how did you know her? Did you met her?", sunod-sunod nitong tanong habang bakas na bakas sa mukha na naguguluhan ito.
"Akala ko ikakasal na kayo. Diba iyon ang plano niyo noon.", pahina ng pahina ang boses na turan ko. Hindi ko masagot ang mga tanong nito.
Kumunot ang nuo nito. "What? How did you know that?"
Napayuko ako. Hindi ko alam kung tama bang sabihin na narinig ko sa pagitan ng mga tawag kaya ko narinig. Baka isipin pa nito ang chismosa ko. "Narinig ko lang sa phone noong time na nasa hospital ako.", bandang huli sinabi ko pa rin dahil wala akong ibang maisip na idadahilan.
Wala akong narinig na kahit na ano sa binata. Nagtatakang inangat ko ang aking ulo upang tunghayan ang mukha nito para makita na rin ang reaction nito. Ngunit blangko lamang iyon. Ilang minuto ang lumipas bago ito biglang tumawa. As in humagalpak ito ng tawa sa hindi ko maintindihan na dahilan. Naluluha na ito. "I'm sorry. babe!", anito sa pagitan ng mga tawa nito tapos saka ako niyakap. Ramdam ko pa rin ang pagyugyog ng katawan nito dahil hindi pa rin ito tumitigil sa pagtawa.
"Bakit ka tumatawa?", nakakunot noo na tanong ko sa kanya. Naiinis na ako sa kanya dahil feeling ko pinagtatawanan ako nito sa hindi ko alam na dahilan. Ano ba ang nakakatawa sa sinabi ko?
Binitawan akong muli nito mula sa yakap ngunit hawak pa rin ako sa tigkabilang balikat. "You look so cute.", anito saka pinisil ang ilong ko. "I just amazed na iyon pala ang dahilan kaya ka umalis without knowing the truth.", seryoso na nitong turan sa aking habang titig ma titig sa akin.
Nahiya ako bigla. Ang bobo ko ba?
"Sa susunod kausapin mo muna ako bago ka mag-alsabalutan.", gigil nitonf pinisil ang magkabilanv pisngi ko. Ang cute mo, sarap mong iuwi sa bahay.", anito saka ako niyakap muli.
Napangiti ako dahil may alam rin pala itong mga salitang ganoon. Ang cute lang, hindi mo aasahan na sa isang mala greek god na binata, isang makalaglag panty sa kagwapuhan na lalake ay marunong magsalita ng mga konyo at jeje words.
Sa pagitan ng pagyakap nito hindi ko maiwasan na magtanong sa kanya. "Paano si Selena? Ano iyong narinig ko noon?"
Nakangiti ako nitong inilayo sa katawan nito saka ako tinitigan. "Walang kahit na anong namamagitan sa amin. But yes, we had past. Hindi ko iyon itatanggi ngunit past na iyon. Kung ano man ang narinig mo or kung bakit narinig mo iyon sa phone, ito lang ang masasabi ko walang namamagitan sa amin or Selena did prank you."
Sumaya ang puso ko dahil ngayon alam kong mahal rin ako ng lalakeng ito.
"Hindi ko na hahayaan na iwan mo ako ng hindi mo naririnig ang panig ko. Please, para sa magiging anak natin ayusin natin ang mga dapat nating ayusin. Hindi sagot ang pag-alis sa mga ganoong misunderstanding. Okay babe?", anito saka sinakop muli ang mga pisngi ko ng mga palad nito. Nilapit nito ang mukha sa mukha ko at pinagkiskis ang dulo ng mga ilong namin.
Nakangiti akong tumatango.
Lumuhod ito saka hinawakan ang maliit kong tiyan. Idinikit nito ang tainga sa plat pa na tiyan ko. Hinalik-halikan nito iyon.
Ayoko ng magising kong panaginip man iyon. This is the happiest moment of my life. I found my right man, my everything. Alam kong hindi rito nagtatapos ang kwento namin, nagsisimula pa lang kami ngunit tulad nga ng sinabi ng binata pag-uusapan namin ang mga dapat pag-usapan upang hindi kami masira. Iyon ang tamang pagmamahal na mailalaan mo sa taong minamahal mo.
—WAKAS—
![](https://img.wattpad.com/cover/301006467-288-k628533.jpg)
BINABASA MO ANG
(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)
RomansaNoelle Santarin, isang mahirap at hindi nakatapos sa pag-aaral. Kinupkop siya ni Beth Santarin, hindi niya tunay na magulang. Nagtatrabaho siya sa mga part time jobs na nakikita niya para kahit papaano makabawi rito sa pagpapalaki sa kanya. Gusto ri...