CHAPTER 6💜 Kontrata

832 7 2
                                    

( Noelle )

Hindi ko na nakita pa ang binata simula ng iwan ako nito sa bahay nito kahapon. Hindi ko alam kung saan ito nagpunta o kung babalik pa ba siya. Ayoko naman umalis ng hindi ako nagpapaalam ng maayos kahit na nga ba may matinding nangyare sa amin kahapon. May utang pa rin ako dito na kailangan kong bayaran at magpapasalamat na rin ako dahil hindi nito tinuloy ang pagkuha sa aking pagkababae. He still has a conscience after all and that's a good think.

Naghalungkat ako ng pwedeng iluto sa refrigerator ng binata dahil nagugutom na ako. Napa 'wow' na lang ako dahil puno ng laman iyon, puro bottled water nga lang. "Kumakain pa ba ang taong iyon?" napailing siya. May nakita akong tatlong itlog bukod doon wala na. "Ayos na 'to." Matapos kunin ang tatlong itlog isinara ko na ang ref. at dumiretso sa kitchen. Hinanap ko naman ang pinaglalagyan ng bigas. Nahanap ko naman agad iyon sa isa sa mga drawer niya dito sa kitchen. Nagsaing muna ako saka ko niluto ang itlog. May nakita rin akong de lata roon, spam, niluto ko na rin.

Hindi naman siguro mamasamain ng binata ang ginawa kong pagluluto, nagugutom na kasi talaga ako. Hindi rin kasi ako kumain kagabi. Idagdag na lamang nito sa utang ko ang mga pagkain na niluto ko ngayon.

Matapos kumain wala pa rin ang binata. Inabala ko ang sarili sa paglilinis ng bahay nito. Hinugasan ko na rin lahat ng hugasing mga plato. "Babalik pa kaya ito?" iyon ang nasa isip ko habang hawak ang vacuum ng biglang bumukas ang pinto. Dali dali akong lumabas ng kwarto nito na katatapos ko lang linisin. And there he is, shock na nakatingin sa akin. Wearing a white long sleeve na itinupi nito ang manggas hanggang sa lampas ng siko. Ang ilang butones ay nakabukas habang ang coat nito'y hawak sa kaliwang kamay at ang kanang kamay naman nito'y nakasilid sa bulsa nito. He is a damn gorgeous man.

Nasa pinto lamang ito at nakatitig sa akin. Ang mga matang matitiim kung tumitig at para bang hinihipnotismo ako ng mga iyon tuwing dadaop sa akin ang kanyang pansin.

Normal pa ba ako?

Nasa ganoong posisyon lamang kami ng mga ilang segundo ng ang binata ang unang nagbawi ng tingin. Napakurap ako ng ilang ulit. Bakit parang nakaramdam ako ng disappointment sa ginawang pag-iwas ng tingin sa akin ng binata?

'Bakit Noelle, inaasahan mo bang susunggaban ka ulit niya, matapos mong umiyak iyak kahapon?'

Para akong baliw na nakikipagtalo sa isip sa sarili ko habang nakasunod ang mga mata sa binata na dumaan sa harapan ko na walang lingon-lingon sa akin at dumeretso sa kwarto nito.

'Ouch naman day!'

Wala yata sa tamang huwesyo ang aking utak ngayon dahil sumunod pa ako sa kwarto ng binata. Hindi naman ito nagsara ng pinto na para bang iniimbitahan at inaasahan akong papasok sa loob.

Napanganga ako at mabilis napatalikod ng makita ang binata na naghuhubad.

'Shit ka talaga Noelle!'

Bakit ba ako pasok ng pasok sa kwarto niya ng hindi nag-iisip at hindi man lang nagpapaalam.

"What do you want?" narinig kong tanong ng binata habang ako'y nakatalikod pa rin sa kanya.

Kasing lamig ng aircon sa kwarto nito ang boses ng binata ngayon. Hindi agad ako nakasagot. 'Bakit siya nagsusungit?'

Naririnig ko ang mga yabag nito na papalamit sa akin. Para akong naistatwa roon.

"Bakit hindi ka pa umalis?"

"Ano..... Ano kasi."

Para akong tanga na hindi makapagsalita. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko. 'Gumana ka brain. Ano ba?!'

(SPG) Daver Mclarenz (Billionaire Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon