Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa malawak na kalsada sa harapan ng ospital. Maraming naglalaro sa aking isipan. Iniisip ko pa kung ano ang dapat kong unang gawin para mahanap at masagot ang katanungan kung bakit ako minumulto. Matatahimik lang siguro siya kapag inalam ko ang katotohanan sa likod ng kaniyang kamatayan.
Dalawang linggo akong nanatili sa ospital at ngayong araw na ako makakauwi.
Nakalapat ang aking likod sa sementong haligi sa labas ng ospital, nakatanaw lang sa mga taong dumaraan sa aking harapan. Nakakrus ang mga braso ko. Ang iba ay nakikita ko sa gilid ng aking mata na nakatingin sa akin dahil siguro sa benda na nasa ulo ko.
Hinihintay ko ang aking asawa dahil kinuha niya ang mga gamit na naiwan pa sa aking kuwarto.
Biglang nabuhayan ang tulala kong isip nang may tumapik sa aking balikat. Nabigla ako. Nagalaw ko kasi ang aking buong katawan na para bang nakainom ako ng ilang tasang kape dahil sa gulat. Mukhang naging phobia ko na yatang may humahawak sa akin, particularly sa balikat.
Lumingon ako at nakita ko ang aking butihing asawa na may bitbit na isang duffle bag-ang mga gamit na naiwan sa kuwarto.
"Okay ka lang ba? Para kang nakakita ng multo." Halatang nagulat siya nang makita niyang nailundag ko nang mahina ang aking buong katawan sa kaniyang pagtapik.
Mapakla akong ngumiti sa kaniya. "Wala, mahal. Nagulat lang ako nang bahagya. Tara na?" anyaya ko sa kaniya.
Ipinulupot niya ang kaniyang kaliwang kamay sa aking baywang habang ang kaliwang kamay naman ay hawak ang maliit na duffle bag.
Nagtungo na kami sa kaniyang sasakyan. Inalalayan niya pa akong makapasok sa loob ng kotse. Nang makaupo na ako sa likod ng sasakyan ay nginitian ko siya at saka siya nagtungo sa driver's seat.
Hindi pa man ipinaaandar ni Xander ang sasakyan ay ikinabit ko na ang seat belt. Habang ikinakabit ako ay may naamoy akong mabango sa loob ng kotse. Calming and soothing iyong amuyin. Alam na alam ko ang bango nito dahil paborito ko itong bulaklak.
Napaangat ako ng ulo at nakita kong nakangiting inaabot ng asawa ko ang isang pumpon ng lavender.
Hindi ko napigiling kiligin kaya napangiti rin ako. "Salamat, mahal," usal ko.
Nag-duck face lang siya at ibinalik ang tingin sa manibela. Nakita ko sa salamin sa harapan ang aking asawa na hindi mawala ang matamis na ngiti.
Inamoy-amoy ko naman ang bulaklak habang pinaaandar na niya ang sasakyan.
Pagkatapos kong amuyin ang bulaklak ay inilagay ko ito sa aking kandungan at napansin ko kaagad ang isang maliit na card. Nakasabit ito sa plastic na nakapalibot sa bulaklak kung saan mababasa kung saang flower shop ito binili.
Violet's Flower Shop-ito ang pangalan ng tindahan. Ito rin ang tindahan ng bulaklak na pinagbilhan ko noong tinanong ako ni Xander para maging girlfriend niya.
Napasinghap ako nang maalala ko ang matanda sa flower shop.
Naalala kong nabanggit niya sa akin ang pangalang Couh. I needed to talk to her. Kailangan kong malaman ang katotohanan sa likod ng pangalan ni Couh. Baka kasi ako si Couh o baka iyong multo? O baka may kakambal talaga ako? Bakit kasi kamukha ko siya? Iyan ang mga tanong na hindi ko pa masagot.
Nabigla na lamang ako nang huminto ang sasakyan, dahilan para mapaabante ang katawan ko sa harapan. Mabuti na lamang ay naka-seat belt ako dahil kung hindi ay nabunggo na ang aking ulo sa likod ng driver's seat. Kaya kailangan na kailangan talagang mag-seat belt lalo pa kung wala ka sa huwisyo palagi.
Tiningnan ko si Xander sa may rearview mirror at nakita kong parang may hinahanap siya sa labas ng sasakyan.
"Ano ang nangyari, mahal?" I asked him while fixing myself.
BINABASA MO ANG
𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)
HorrorIsang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula sa nakalimutang buhay bago siya tumira sa China, hindi inaasahan ni Jessica ang pagsiwalat ng katotohanan noong siya'y nasa Pilipinas pa lam...