Alexander's POV
ALAS-SINGKO pa lang ng hapon ay umuwi na ako. Maaga ako ngayon dahil naiinis lang ako dahil palagi kong nakikita ang dalawang matanda roon. Nakakabagot dahil puro bangayan lang naman ang inatupag ko roon sa kompanya. Nandoon kasi ang amain ko at ang mommy ko, pinagalitan nila ako ng husto dahil nakatakas si Jessica galing sa mental. Buti nga sa kanila! Grabe ang ginawa nila sa asawa ko, kinawawa nila masyado.
Kaya nga napatay ko si Mang Ricardo dahil sa kagagawan rin nila. Sila ang dahilan kung bakit nagkaganiyan si Jessica. Dahil sa kanila ay nabaliw ang asawa ko. May kasalanan rin ako, dapat ay hindi ko sinabi sa mommy na alam na ni Jessica ang katotohanan tungkol sa kakambal niya. Walong taon nang wala si Mochel pero parang nandito pa rin siya dahil sa mga nangyayari.
Kahit na diseotso pa lamang si Mochel noon ay talagang matigas ang ulo nito. Kasalanan din ng amain ko. Kung hindi niya lang jinowa si Mochel ay wala kaming iisipin ngayon. Ayan tuloy lahat kami nagkaproblema.
Matagal ng inilibing sa limot ng pamilya ko ang pagkawala ni Mochel dahil lahat kami ay may kasalanan sa pagkawala nito. Pero nung nalaman ni Jessica ang pagkamatay nito ay muling nabuhay ang isyu nang pagkawala ni Mochel.
At ngayon ay nakawala si Yca ay natatakot ang mga matatanda sa puwedeng gawin nito. Pero ako? Nag-alala ako sa asawa ko. Alam kong wala na siya sa katinuan. Tuluyan na siyang nabaliw kaya kailangan niya ang tulong ko.
Alam ko noong una pa lang na magkamukha sila ni Mochel. Kaya nga masungit ako nung una naming pagkikita. Noon ay akala ko lang ay doppelganger lamang iyon ni Mochel pero hindi pala. Magkapatid nga talaga sila. Hindi ko naman alam dahil magkaiba ang apelyido nilang dalawa at sa ibang lugar nakatira si Yca.
Ngayon, ang problema ko ay kung saan ko siya hahanapin. Natagalan nga ako kanina sa mental dahil pati ako ay naghahanap sa kaniya. Sana ay okay lang siya.
Kailangan ko siyang hanapin, dahil alam kong target siya ng amain ko . . . Alam kong siya ang susunod! At ayaw ko mangyari iyon!
Nasa bahay na ako at sinalubong ako ng isang kasambay. Binigay ko sa kaniya ang dala-dala kong susi. Inutusan ko itong buksan ang trunk ng kotse ko at pinalinis ko sa kanila.
Kaagad akong nagtungo sa taas at nung nasa tapat na ako ng pintuan ng kuwarto ko ay binuksan ko agad ito. Biglang kumunot ang noo ko dahil naka-lock ang pintuan kaya hindi ako makapasok agad. Usually kasi ay hindi ito naka-lock unless nandito si Jessica sa loob ng bahay. Biglang kumabog ang dibdib ko, pakiramdam ko tuloy ay nandito ang asawa ako.
Kinuha ko na sa bulsa ko ang susi ng kuwarto namin at nag-aalangan pa akong buksan ang pintuan. Parang may humihila sa akin na ayaw pagbuksan ang kuwarto hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot ng hindi sa malamang dahilan. Pero kailangan kong makapasok, kung siya man ito ay dapat marinig niya ang sasabihin ko para matulungan ko siya.
Nagpakawala ako ng hininga bago ko tuluyang mabuksan ang pintuan . . .
Nang buksan ko ito ay wala naman akong nakitang kahinala-hinala. Hindi pa rin humihinto ang kabog sa aking dibdib pero hindi ko na lang pinansin yun. Sadyang napapraning lang siguro ako sa mga nangyayari. Kaagad kong niluwagan ang aking neck tie at inisa-isa kong buksan ang butunes ng aking polo para maligo at makapagbihis ng pambahay.
Gusto ko muna magpahinga dahil ilang araw na akong hindi natutulog ng maayos dahil sa mga pangyayari. Ilang linggo akong abala sa paghahanap ng asawa ko. Kaya nung tumawag siya ay kaagad akong nagpatulong sa mga pulis.
Hindi ko rin alam kung bakit nalaman nila mommy ang pagkadakip kay Yca at kaagad nila itong nilagay sa mental. Pero—basi sa pinapakita ng psychiatric niya ay may sign of schizophrenia siya. Madalas daw itong nakikitang may kausap sa hangin.
BINABASA MO ANG
𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)
TerrorIsang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula sa nakalimutang buhay bago siya tumira sa China, hindi inaasahan ni Jessica ang pagsiwalat ng katotohanan noong siya'y nasa Pilipinas pa lam...