NAGISING ako dahil sa sinag ng araw na tumapat sa mukha ko. Napatakip naman ako mukha ko bago ko binuksan ang mga mata ko. Umaga na pala. Umupo ako kaagad; nasa loob ako ng lumang bahay natutulog. Hindi ako umalis rito dahil hinihintay ko ang asawa ko na dumating pero dinalaw na lang ako nang antok at hindi siya dumating.
Hindi ko na alam kung ano ang nangyari sa mga labi nila Kuya Lukas. Hindi ko na kayang bumalik pa roon dahil sa karumaldumal na nangyari aa kanila.
Kaagad kong kinuha sa bulsa ang cellphone para tawagan sana si Xander pero wala na pala itong baterya. Binalik ko ang cellphone sa bulsa ko at nadako ang aking pansin sa T-shirt ko na natuyuan ng dugo. Wala ako sa tamang pag-iisip at hindi man lang ako nakapag-isip na magbihis.
Umaga na at bakit hindi dumating si Alexander? Kagabi ko pa siya tinawagan.
Duwag siya!
Tumayo na ako at humugot nang hininga. Pupuntahan ko na lang siya ay sugurin. Pero—wala nga pala akong pera. Napaupo ulit ako.
Napasabunot ako sa sarili ko at tumayo ulit at sa hindi maipaliwanag na dahila ay pabalikbalik akong sa paglalakad na umabot na sa may terrace na napuno ng tuyong dahon na bahay. Dapat ay pumunta si Alexander upang matapos na ito. Wala na lahat ang mga taong tumulong sa akin. Ako na lang ang nag-iisa.
Kailangan ko siyang patayin! Kahit sa ganung paraan man lang ay makahigante ako sa mga mahal ko sa buhay.
Ilang minuto akong hindi mapakali. Kung hindi sa pabalik-balik sa paglalakad ay nginingitngit ko ang sarili kong kuko.
Mayamaya pa ay may narinig akong tunog ng wang-wang. Palakas na palakas ito, at siya ring palakas nang palakas ng kabog ng dibdib ko.
Mukhang hindi si Xander ang makipagharap sa akin at mga pulis pala.
Sigurado akong itinuro ako ng asawa kong tuso! Hayop talaga siya!
Teka lang, ano ang gagawin ko? Napasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa pangyayari. Ayoko makulong ng hindi ako nakakahigante sa pagkamatay ng kapatid ko at sa mga taong tumulong sa akin. Kailangan ko munang pagbayaran ang pamilya ni Xander.
Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko nang maoansin ko ang maliit daanan doon sa may gilid ng bahay. Baka may puwede akong paglutsan sa may likuran ng bahay. Kagaya ng ginawa nina Kuya Lukas.
Kaagad akong tumakbo pababa ng hagdanan. At dumaan doon sa pasikip na at madamong daan. May mga basag na bote at mga kinakalawang na lata ang naroon. Baka mamaya ay masugatan pa ako nito.
Maingat akong tinahak ang daanang iyon. At sa wakas ay naroon na ako sa likuran. Hindi ko na narinig ang tunog ng wang-wang. Sigurado akong nasa tapat na ito ng bahay. Kaya kaagad nilibot ng paningin ko buong lugar.
Napakunot ako sa nakita ko na isang kotse. Kay Xander iyon, paano nakarating ang kotseng iyan dito?
Bigla akong nataranta nang marinig ang isang kaluskos. Mukhang natunton na ako! Mabuti na lang at nakita ko kaagad ang ng puwede kong madaanan para makalabas na sa lugar na ito. Hindi ako puwedeng mahuli ng mga pulis.
Maraming net na giba na sa may pader. Siguro naman ay may daan dito kasi nagkasya ang kotse ni Xander. Hanggang sa makita ko na nga ang natumba na sementadong gate. Kaya siguro may net dahil natumba na ang pader.
Hindi na ako nag-aksaya ng oras at kaagad akong labas.
Sinalubong ako ng maiinit na araw at init ng kalsada na nararamdaman ko kahit naka-tsinelas ako. Tanaw ko sa hindi kalayuan ang isang karenderya.
Tatakbo na sana ulit ako ng may narinig akong sigaw sa aking likuran.
"Tigil!"
Alam kong sigaw iyon ng isang pulis kaya hindi ako lumingon. Pero kailangan ko talagang makawala. Ayoko kong mahuli ng pulis ng walang ginawa para sa paghihigante sa mga taong tumulong sa akin.
BINABASA MO ANG
𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)
HorrorIsang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula sa nakalimutang buhay bago siya tumira sa China, hindi inaasahan ni Jessica ang pagsiwalat ng katotohanan noong siya'y nasa Pilipinas pa lam...