NAGISING akong puti ang buong paligid. Pagkagising ko ay inilibot ng aking mata ang silid at napagtanto kong, ospital na pala ito. Maliwalas ang silid at wala halos kagamitan sa loob. Parang nasa private room ako. Aakma na sana akong tatayo ng maramdaman ko ang isang bakal na pumipigil sa kanan kong kamay. Kaya pala kanina ko pa naramdaman ang pangangalay. Nang makita ko ito ay isang bakal na posas pala ang mga iyon.
"Nurse? Nurse!" sigaw kong tawag kahit hindi ko naman alam kong may makakarinig sa akin sa may labas.
Ikalawang sigaw ko lang ay biglang bumukas kaagad sa pinto. May nakita akong isang lalaking papalapit sa akin. Naka-civilian lang siya ng suot pero halatang isang pulis ang ito. Dahil sa may nakabitay na baril sa may gilid nito. Maliksi at nakakatakot ang awra nito nang lumapit ito sa akin. Pandak siya pero ramdam ko yung kaba dahil sa seryoso nitong tingin sa akin.
"Ano ang kailangan mo?" mabagsik na bigkas nito.
Tiningnan ko ito na parang inexamin ko ang kilos nito, kung puwede ko ba itong utuin. Gusto ko kasing makakalas sa posas na nasa kamay ko.
Plano—ko talagang tumakas.
"Sir, kailangan kong mag-cr."
Lumapit siya sa kama ko at hinawakan ang posas na nakalagay sa bakal na parte ng lamang pang-ospital. Ini-unlock na niya ang posas at kasabay nito ay inilagay nkya sa kaniyang kamay ang isang pares nito.
Tiningnan ko siya at tinaasan siya ng kilay. Hindi pa rin ito natinag at seryoso pa rin ang tingin niya sa akin.
"Huwag niyo pong sasabihin pati kayo ay papasok sa banyo? Hindi naman yata puwede iyon, sir."
Bumilog ang mata niya. Kaagad kong nakita napakamot ang pulis sa kaniyang ulo at kaagad na pinalaya niya ang aking mga kamay. Napahawak ako sa kamay ko kung saan may markang pula ang kamay ko buhat sa posas. Medyo masakit kasi ito.
Mabuti na lang at malaya na ang kamay ko at kung magkakaroon ang tsansa ay tatakasan ko siya.
Pagkapasok ko sa loob ay kaagad ko itong ni-lock at naghanap ng puwede kong takasan. Kailangan kong makalabas sa ospital na ito para puntahan pa si Mang Ricardo. Hindi maaring makulong lang ako na walang alam kung nasaan ang bangkay ng kapatid ko.
At isa pa, si Alexander dapat anf managot at hindi ako. Ayokong makulong! Kaya tatakas ako. Kahit nanghihina ang katawan ko ay kailangan ko pa rin itong gawin.
Kailangan kong ipalibing nang maayos si Mochel para manahimik na kaniyang kaluluwa at sabihin sa mga pulis na kagagawan ni Alexander ang pagkamatay ni Moch. Dapat ko ring ipalantad ang mga nalalaman ni Mang Ricardo. Siya ang gagawin kong testigo.
Para akong baliw na naghahanap na puwede kong paglutsan pero mukhang imposible. Maliit ang bintana sa mag uluhan ko at sigurado akonh hindi ako kasya roon.
Kaya na paupo na lamang ako sa may cubicle at napahilamos sa sariling mga kamay dahil sa pagkadismaya. Bumuntong-hininga ako at may naramdaman akong may bumulong sa akin. Kung noon ay nagtataasan ang mga balahibo ko sa takot, ngayon ay parang isang hint ang mga bulong na yun.
"Samahan mo ako."
Ganito lang madalas ang binubulong niya pero may kung anong light-bulb na pumasok sa isipan ko kung paano ako makakatakas diti.
Parang nandito palagi ang kapatid ko para tulungan ako. Alam niya siguro ang gusto kong mangyari. At parang gusto na niyang maging mapayapa. Alam kong ako lang ang makakatulong sa kaniya.
Napalingon ako sa aking may gilid at nakita ko ang isang timba na may lamang punong tubig na may itim na tabo sa loob. Kaagad kong ibinuhos ang kalahati ng tubig sa timba at binuhat ito sa malapit sa may pinto. Ibinagsak ko ito ng pagkamalakas at kasabay ng aking sigaw. Narinig ko ng kumakatok ang pulis sa labas ng pintuan at sabay tanong kong okay lang ba ako.
BINABASA MO ANG
𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)
HorrorIsang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula sa nakalimutang buhay bago siya tumira sa China, hindi inaasahan ni Jessica ang pagsiwalat ng katotohanan noong siya'y nasa Pilipinas pa lam...