✟ CHAPTER 9 ✟

51 11 1
                                    

TATLONG tapik ang naramdaman ko sa braso ko. Hindi ko pinansin yun ay tumagilid na lang at tumalukbong. Naramdaman ko ang pagtapik sa akin kaya napagdesisyonan kong ibuka ang aking mga mata.

Malabo pa ang aking paningin at kinusot ang mga mata sabay tumihaya sa higaan. Nang inalis ko ang aking kamay sa mata ko ay tumambad sa akin ang pagmumukha ni Alexander.

Parang huminto ang pagtibok ng puso ko sa pagkabigla dahil narito siya sa harapan ko. Ipinikit ko ulit ang mata ko at kinusot ulit bago binuka ang mga mata ko.

Sana ay panaginip lang ito!

Ngunit nadismaya lang ako. Narito nga si Alexander. Nakatitig lang siya sa akin na para bang hinihintay ang sasabihin ko.

Takot na ako sa kaniya. Sino ba namang hindi.

"A-Ano a-ng ginagawa m-mo r-rito?" utal kong sambit sa kaniya.

Ngumiti siya ng nakakaloko at sabay angat ng pinya na hindi pa nababalatan. Kay Auntie Wella ko hiningi ang pinya pero siya ang may dala.

Lumingon muna ako sa kabuuan ng kuwarto peri hindi ko nakita si Wendy sa tabi ko at ang isang maliit na orasan lamang ang nakita ko sa may maliit na mesa. Alas dyes y medya na pala.

"Umalis ka na, Alexander," halos pabulong kong tugon.

Inayos ko na rin ang sarili kong umupo sa higaan. Kanina ay nagki-crave ako ng pinya ngayon ay hindi na.

Wala akong narining na tugon mula sa kaniya at tumalikod lang siya at dahan-dahang lumabas ng kuwarto.

Pero bago pa siya tuluyang lumabas ay lumingon siya sa akin. Nagkatagpo pa ang mga mata namin.
 
"Bumangon ka riyan kung ayaw mong may mangyaring hindi maganda," at tuluyan na siyang lumabas sa kuwarto.l

Wala sana akong balak tumayo dahil sa panghihina ng katawan ko pero dahil sa sinabi niya ay napaisip ako na baka may gawin siyang masama sa mag-ina. Bumalikwas na ako sa kama at hinahanap ang tsinelas sa ilalim ng kaman nang makarinig ako ng tili; sigaw ni Wendy na nakakabingi.

Biglang lumakas ang pagtambol ng puso ko sa sigaw na yun. Hindi ko na natuloy ang paghahanap sa tsinilas at  kaagad na lumabas ng kuwarto at patakbong bumaba sa may kusina.

Naghahabol pa ako nang hininga nang madatnan ko si Alexander sa hapagkainan may bitbit na matalim na kutsilyo. Para akong aatikihin sa puso sa nakita ko.

Hinanap ng mga mata ko ang mag-ina pero hindi ko ito mahagilap.

Mukhang—may ginawa na siyang hindi maganda sa mag-ina.

"Anong ginawa mo kina Wendy?"

Ngumisi siya, mas lalo akong kinabaham. Susugurin ko na sana siya para hampasin. Wala na akonv pakialam kung pati ako papatayin niya pero biglang sumulpot si Wendy at Auntie Wella na may bitbit na pinggan sa kaniyang likod.

Nahinto ako sa paglalakad patungo sa kaniya. Medyo nahimasmasan ako at nakahinga nang maluwag pero—hindi pa rin nawawala ang kabog sa akong dibdob.

"Akala ko hindi na you baba, insan," usal ni Wendy t'saka niya nilapag ang dala niyang pinggan.

Palipat-lipat ako nang tingin sa kanilang tatlo. Nakikita kong masaya ang mga mukha nila at walang nangyaring hindi maganda.

Tuluyan na akong lumapit sa kanila. Nagpatay malisya na lang para hindi na masali pa sa gulo sina Auntie Wella at Wendy sa pangyayari. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati sila ay mawala sa akin. Sila na lang pamilya na meron ako.

"Bakit ka sumigaw kanina?" tanong ko kay Wendy.

Nilapag muna ni Wendy ang mga pinggan. Mukhang kakain din sila. Late na pero parang gusto nila akong sabayan kumain o baka dahil nandito si Xander kaya sila naghanda ng pagkain.

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon