✟ CHAPTER 14 ✟

39 8 2
                                    

"KAILANGAN mong makalabas dito, Couh!"

"Puwede ba Mochel tantanan mo na ako! Grabe na ang gulo ng buhay ko at sasabog na ang utak ko dahil sa mga nangyayari . . ."

"Kasalanan mo iyan, kung sumama ka na lang sa akin eh hindi sana magkandaletse-letse ang buhay mo."

"Wala ka na Mochel, dapat ay lubayan mo na rin ako."

"Ngayon pa ba? Ngayon na malaya na kitang nakakausap. At tumatalab na ang sumpa, Couh. Hindi na tayo maghihiwalay pa."

"Paano ka ba matatahimik at nang tantanan mo na ako? Dahil sa iyo ay naniniwala na rin akong baliw na rin ako! "

"Hindi ko rin po alam . . ." Nginisihan niya lang.

Hindi na ako umimik sa kaniya. Alam kong mayamaya ay magigising na lang ako at sampalin sa katotohanang nasa selda ng mga baliw ako.

Tanging si Nana Austria lang ang may alam sa pagsugpo ng sumpa. Pero paano na ako nito? Ano ang gagawin ko? Kailangan ko ng tahimik na buhay. Gusto ko na mawala ang mga taong pumapatay sa mahal ko sa buhay at mawala na ang pagpapakita at pagbisita sa akin ni Mochel sa mga panaginip. Baka nga tuluyan na talaga akong maging baliw dahil dito.

💀💀💀

MEDYO na palalim ang pag-iisip ko habang nakatitig sa mga susi. Alam kong mayamaya ay babalik ang nurse para hanapin ang susi niyang nawawala dahil ne-request ko sa kaniya ang menudo.

Kaya kaagad kong binuksan ang selda ko. Para akong nabunutan ng tinik ng makalabas ako. Habang naglalakad sa hallway patungo roon sa huling dulo ay nakikita ko ang iba't-ibang klase ng mga baliw. Ang iba ay nakakaawang tingnan, ang iba naman ay halos hindi na makatayo dahil sa kapayatan. Hindi ko alam kung nararapat bang ikulong sila dahil parang pinaparusahan lang sila. Kahit ako, kapag nagtagal pa ako rito ay sigurado akong mahahawa na ako sa pagiging baliw.

Binuksan ko ang iilanb mga selda ng medyo nakikita kong puwede pang tumayo o maglakad, mga sa tingin ko rin ay matino. Pagkatapos ko buksan ang mga iyon ay kaagad akong tumakbo patungo sa may dulo at sumigaw. "May sunog!" 

Napangiti akong tiningnan ang mga baliw na lumabas sa kani-kanilang selda. Nagwawala at ang iba ang nagkakabanggaan. 

Nakita ko ring patakbo na ang nurses doon at halos sila lahat ay naroon na para awatin at ipasok ulit ang mga baliw sa mga selda. Pero nakatago na ako sa may isang pader malapit sa gate sa may dulo.

Nang nandoon na sila na sa loob silang lahat para umawat sa mga baliw ay umalis kaagad ako at pumunta sa isang kuwartong may nakalagay na 'Personnel Only'. Madalas kong nakikita na nandun pumapasok ang mga nurses at paglabas ay iba na ang sinusuot. Observant ako, lalo na kapag nakakalabas ako sa selda ko para sa mga interviewhin o may gusto itanong ang isang doktor na assign sa akin. 

Pagkapasok ko ay nakita ko ang mga locker sa loob. Meron ring mga tatlo o apat na higaan sa dulo.

Hindi ko nga alam bakit talaga ako naka-confine sa mga malalang baliw? Expected ko kasi sa kulungan ang bagsak ko. Pero mas mabuti na rin, ang bobo ng mga nurses dito. Buti na lang at nakalabas na ako. Kaya magagawa ko na ang gusto kong mangyari.

Lumapit ako at binuksan ko ang isang locker na nasa loob ng kuwartong iyon. Inilabas ko ang laman at sa wakas ay nakapili na ako ng susuotin. Isang simpleng t-shirt lang na plain na baby pink ang kulay at isang A-line skirt na sakto lang sa baywang ko. 

Kaagad akong lumabas at sinilip ko pa bahagya at napangiti sa ginagawa ng mga nurses. Dahil parang mga kalapating nakalabas sa hawla ang mga baliw. Naghahabulan silang lahat dito. Ayan! Mag-enjoy muna kayo sa laro! Palakad na ako sa malawak na hallway para tuluyan nang lumabas ng ospital. 

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon