NAPATAAS agad ang kilay ko nang marinig ko ang pagtawag niya sa akin sa pangalang Moch. Sinuri kong mabuti ang mukha niya pero-hindi ko alam kung kilala ko ba siya. Wala akong matandaan na senaryo na nakausap o nakasalubong ko siya.
"Mochel, buhay ka pa nga! Akala namin patay ka na! " bulalas niya.
"Po?" usal ko.
"Ikaw si Mochel, hindi ba? Matagal ka nang nawala. Hinanap ka namin kung saan-saan pero hindi ka namin makita." Bakas sa kaniya ang pagkagulat sabay nang pagtulo ng mga pawis niya mula sintido patungo ibabang tainga niya. Malayo siya sa akin pero parang amoy ko ang asim ng pawis niya. Dahil siguro ang tirik ng araw sa labas.
Mochel? Moch? Iyon ba ang kakambal ko? Teka, baka matulungan ako ng mamang ito. Tatanungin ko siya tungkol sa kapatid ko.
"Kilala niyo po ba ako, manong?" tanong ko habang nasa loob pa rin ako ng kotse, "teka, ipaparada ko lang ng maayos ang kotse para makapag-usap tayo nang maayos," dagdag ko.
Tumango siya. Makikita talaga sa mukha niyang sabik na sabik itong kausapin ako.
Sa paglalakad niya patungo sa sasakyanan niya ay siyang pagpaparada ko sa isang tabi. Hindi pa man din ako nakalabas sa kotse ay siya ring magparada niya sa kaniyang sasakyan sa may likod ng kotse ko.
Hindi ko na siya hinintay na matapos siya sa pagparada at lumabas na ako ng kotse at nakapamaywang akong naghihintay na bumaba siya sa kaniyang pinagmamanehoan na ten-wheeler truck. Bumaba naman siya nang dahan-dahan. Inaantay ko lang siya na papalapit sa akin.
Nang magkaharap na kami ay nauna siyang magsalita, halatang nagagalak siyang makita ako. "Mochel, nawala ka ng walong taon. Makalipas nang isang buwan ay namatay rin ang iyong ina dahil sa sakit nito. Naiwan ang bahay niyo sa Cavite na walang nag-aasikaso."
Pinabayaan ko lang siyang magsalita nang sa gayon ay may malaman ako tungkol sa pagkatao ko. Mahirap rin kasing basagin na hindi ako si Mochel dahil baka hindi ko malalaman ang mga sinasabi niya ngayon na makakatulong sa pag-aalam ko sa tunay kung pagkatao.
Tinitigan ko lamang siya habang sinasabi niya ito. "Malaki ang bahay niyo. Maraming nagkandarapang bumili ng bahay at lupa pero walang nagtagal doon. Ako at ang asawa ko ang namamahala sa bahay niyo ngayon," dagdag niya.
Tumikhim muna ako bago ako nagsalita, "Kuya, maghanap muna tayo ng mauupuan," suggest ko sa kaniya. Naawa na rin kasi ako dahil halatang pagod ito at maiinit din ang palagid. Mas kasing dumarami ang kaniyang pawis at halos palanghap ko na ang asim na amoy nito. Baka mamaya pa ay maduduwal na ako.
Tumalikod ako sa kaniya at itinuro ko ang isang tindahan. "Doon po muna tayo."
Tumango siya sa akin at sabay kaming pumunta sa maliit na tindahan. Pagkarating namin doon ay bumili muna ako ng malamig na softdrinks para ipainom sa kaniya.
"Uminom po muna kayo." Sabay abot ko sa kaniya ng softdrink.
"Salamat."
"Ano ho ulit ang pangalan niyo?" tanong ko sa kaniya habang siya'y nakatunga sa kaniyang inumin.
Linunok muna niya ang iniinom niya bago niya ako sinagot. "Hindi mo na ba ako maalala? Ako si Kuya Lukas mo."
Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Siya nga pala Kuya Lukas, kaya ho hindi kita maalala kasi hindi po ako si Mochel o Moch."
Sinabi ko na sa kaniya ang katotohanan. Ayaw ko ring lokohin siya. Mukhang mabait naman siya.
Bakas sa kaniyang mukha ang pagkagulat nang marinig ang aking sinabi, "E, sino ka? Bakit kamukhang-mukha mo si Moch?"
BINABASA MO ANG
𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)
HorrorIsang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula sa nakalimutang buhay bago siya tumira sa China, hindi inaasahan ni Jessica ang pagsiwalat ng katotohanan noong siya'y nasa Pilipinas pa lam...