"COUH, okay ka lang ba?" bigla akong natauhan nang marinig ko ang boses ni Ate Sally. Para kasi akong bumalik sa nakaraan kung saan nabuo namin ang aming sumpaan ni Moch.
Dahan-dahan kong ibinuka ang aking mga mata at nakita ko ang dalawang selweta dahil medyo malabo pa ang aking paningin. Kinusot ko ang aking mata at nakita ko sina Kuya Lukas at Ate Sally na alalang-ala ang mga mukhang nakatingin sa akin. Nasa lapag na pala ako.
"Couhrel, okay ka lang ba?" pag-ulit ni Ate Sally na tanong sa akin.
Inalalayan ako ni Kuya Lukas na tumayo, at napahawak pa rin ako sa aking sentido. Medyo masakit pa siya buhat siguro sa alaala na natuklasan ko. "Natumba ka kanina, anong nangyari?" tanong sa akin ni Kuya Lukas, na hindi pa rin bumibitaw sa aking may likod, inalalayan niya pa rin ako na para bang mahuhulog na naman ako na wala sa oras.
Papalit-palit akong tumingin sa dalawa kasabay ng maliit kung ngiti, " Alam ko na po kung saan namin itinago ang kahon."
Halata sa mag-asawa ang kagalakan ng marinig nila ang aking sinabi. " Mabuti naman kung ganoon, Couh," ngiting tugon ni Ate Sally habang hinahawakan na niya ang aking kamay.
"Kailangan nating magmadali upang hindi tayo lalong magtagal dito. At baka nakakasama rin ito kay Ate Sally at sa baby. Pati sa iyo, Couh. Hindi ka oa masyadong magaling."
Tumango akonsa sinabi ni Kuya Lukas at kaagad akong pumunta sa isang sulok ng basement dahil naalala ko na kung saan namin nilagay ang kahon na nilagyan namin ng buhok. Hindi ko naman alam na epektebo pala ang sumpaang iyon, gayong mga bata pa lang naman kami ng isinigawa namin ang sumpaang iyon. May floornat ang sahig ng basement kaya hindi agad makikita ang isang butas na roon sa may korner sa kaliwang bahagi ng basement kung saan may butas na maliit na parang kaban na ang laki ng butas nito at medyo malalim ito. Kaagad kong binaklas ang floormat at nakita kong may kahoy na naka-lock sa butas. Pinalagyan pala ni Mochel ng lock ang butas na ito. Wala kasi itong lock noon. Isang simpleng butas lang siya na may takip na gawa sa kahoy. May kandado akong nakita roon na medyo kinalawang na. Kaya kaagad akong naghanap ng bagay na puwedeng magbukas doon.
Nakita ko sa may likod ni Ate Sally ang isang metal basebat. Tumayo ako at kinuha ko kaagad iyon at sinubukang gibain ang kandado. Pero hindi ko pa rin magiba ang kandado dahil siguro ay hindi malakas ang pwersa ang nagawa ko. At saka babae ako.
"Ako na, Couhrel," mungkahi ni Kuya Lukas.
Ibinigay ko kaagad kay Kuya Lukas at baka sa puwersa niya ay mabuksan niya ito, gayong lalaki naman siya at malakas sa akin. Isa— dalawa, tatlong beses na ipinukpok ni Kuya Lukas ang baseball bat sa kandado at sa wakas ay nabuksan din iyon. Kaagad kaming nakatutok sa butas. Medyo hindi kita ang laman dahil medyo madilim ang parteng iyon. Kaagad kinuha ni Ate sally ang cellphone niya sa bulsa niya at inilawan niya gamit ng flashlight sa cellphone niya. Kaagad akong lumuhod na nakayuko upang kunin ang nasa loob ng butas. Isa-isa kong kinuha ang laman ng mga iyon. Halos lahat mga gamit lang namin ni Mochel ang laman ng butas nang bata pa kami. Mga teddybear, mga damit na magkapareha at kung anu-ano pa hanggang sa huling bagay— ito iyong maliit na kahon; na may naka desinyong dragon.
Hindi ko naman alam na may bisa pala ang sumpaang iyon. Huling habilin kasi ng lola ko magsumpaan kaming dalawa ng kapatid ko at itali ang dalawa naming buhok para magkatotoo iyon. Kahit ano raw ang aming hilingin ay matutupad. Hindi ko naman akalain na magiging totoo iyon. Ang pangako namin sa isa't-isa ay kailangang magkasama kaming dalawa kahit saan kami magpunta. At kahit patay na si Mochel ay nandirito pa rin siya sa aking tabi dahil siguro sa sumpa?
At kung may sumpa? Bakit hindi ko maalala kung papaano ito puputulin?
"Iyan na ba iyon, Couh?" tanong Kuya Lukas.
BINABASA MO ANG
𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED)
TerrorIsang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula sa nakalimutang buhay bago siya tumira sa China, hindi inaasahan ni Jessica ang pagsiwalat ng katotohanan noong siya'y nasa Pilipinas pa lam...