✟ Epilogue 2 ✟

62 8 4
                                    

Mochel's POV

MASARAP lasapin ulit ang sigarilyo na aking hinihithit. Paubos na ito na ito habang nakatingin ako sa paglubog ng araw. Dala ko ang sasakyan ni Michael na iniwan ko lang na walang malay sa bahay kubo na aking tinutuluyan. Huling buga, habang napapikit akong nilalasap ang usok ng sigarilyo.

Nasa labas ako ng sasakyan. Nang maubos na ang sigarilyo ay tinapon ko ito sa lupa at tinapakan saka ako bumalik sa kotse. Pinaandar ko na ito dahil may pupuntahan pa ako.

Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis sa lugar na iyon. Ayoko magaksaya ng oras. Habang nagmamaneho ako ay bumabalik sa aking alaala kong paano namin ni Couhrel pinatay ang mga taong mga mapagbalat-kayo. Oo, napagkasunduan namin ni Couhrel ang pagpatay sa mga taong yun.

Mahina si Couh, sa aming dalawa ay siya ang lampa. Hindi niya kayang makipaglaban lalo't na pisikalan. Kaya noong bata pa lamang kami ay palagi siyang nagpapatulong sa akin kapag may nang aaway sa kaniya. Mabait siya sa mabait pero nakadepende siya palagi sa akin. Kung ano ang sasabihin ko ay siyang sinusunod niya.

Nagsimula ang lahat noong nagpatulong si Couh sa akin na patayin ang mag-inang mapagpanggap. Oo, nagpatulong siya sa akin. Hindi ko alam bakit dinedeny niya ang lahat ang paghingi niya ng tulong sa akin o dahil hindi niya matanggap na pareho kaming dalawa na may dark side. Masama siyang mag-isip pero hindi niya kayang gawin.

Nang malaman niya na hindi namin totoong kamag-anak sina Wella at Wendy ay grabe ang pagka-upset niya. Nang patulog na siya ay bumulong siya sa hangin na sana ay sapian ko siya para ipaghiganti ko siya sa ginawa nina Wella. Alam niyang pera lang ang habol nito sa pamilya namin kahit na sabihin nilang tulong na lang din iyon para sa kaniya. At ayaw na ayaw ni Couh sa manloloko!

Kaya ko ginawa ang gusto niya. Pinatay ko ang mag-ina yun at ako ang tumawag sa pulis para hindi siya ang makulong.

Nang nasa Baguio naman siya kung saan niyakap siya ni Alexander. Habang mahina siya noon ay sinapian ko siya para makatakas sa asawa niya. Natatakot akong baka pati siya ay patayin ni Alexander doon gaya ng ginawa niya kay Mang Ricardo. Ayaw kong mamatay si Couh na hindi niya kagustuhan. Gusto ko siya ang kusang sumama sa akin.

Nakatakas si Couh sa pamamagitan ng pagsanib ko sa kaniya. Sinipa ko ang maselang bahagi ng pagkalalaki ni Xander noon. Bago pa man ako nakapunta sa nakaparadang sasakyan ay nagasgasan pa ang aking balat dahil sa aking pagtakbo at doon ako napadaan sa may talahiban para iligaw si Alexander na noon ay hinahabol ako. Nakita ko kaagad ang sasakyan ni Alexander at kaagad kong binuksan ito. Mabuti na rin at hindi niya kinuha ang susi sa kotse.

Bumiyahe ako papunta sa aming lumang bahay kahit napipilipit ako sa sakit ng aking tiyan. At wala na rin akong ibang naisip na tutulong sa akin kundi ang mag-asawang sina Kuya Lukas.

Sa likod ako ng aming lumang bahay naka-park ang sasakyan. At paika-ika ang aking paglakad papunta sa bahay ng mag-asawa. Pero bago pa man ako nakahingi ng tulong ay narinig ko pa ang sumbatan nila mag-asawa tungkol sa pagtulong sa kapatid ko.

Narinig ko na hindi bukal sa kalooban nila ang pagtulong sa kakambal ko kaya nong huling tinulungan nila si Couh sa paghahanap ng kahon ay sumanib ako sa kaniya. Malaya na akong nakakasanib sa kaniya kailan ko man gustuhin dahil pinahintulutan niya ako.

Matapos niyang sinabing iwan na lamang siya sa ng mag-asawa ay sinaniban ko kaagad siya. Sinundan ko ang mag-asawa kung saan sila dumaan. Habang abala silang dalawa sa pag kukuha ng importanteng gamit para sa pag-alis nila ay kinuha ko kaagad ang itak na nasa labas ng bahay. Pagpasok ko roon ay una kong tinaga si Sally, sa kaniya lang talaga ako medyo may galit. Pinugutan ko siya sa leeg, wala siyang utang na loob. Nagkaroon sila ng pamumuhay at bahay dahil sa pamilya ko. Nang makita ako ni Kuya Lukas ay kaagad sana niya akong awatin pero nauna ako sa kaniya. Tinarget ko kaagad ang kaniyang binti dahilan para matumba siya sa may kusina. Pagkatapos ay dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at kinuha ang itak saka ko hinampas ito sa ulo niya dahilan para mabiak ito. Nang matapos ko silang paslangin ay kaagad kong inilagay ang itak sa may mesa.

Umalis ako patungo sa may labas. Kaagad akong umalis sa katawan ni Couh nang may tumawag sa kaniya. At si Veronica iyon. Iyon din ang araw ng pagkamatay ng mag-lola.

Pinatay ko sila . . . Dahil iyon ang kagustuhan ni Couhrel! Iyon ang binubulong niya sa akin. Hindi ko alam kong sino talaga sa amin ang baliw? Ako ba talaga o siya?

Nang nasa mental na siya ay kinausap niya ako. Alam niya ang katotohanan sa pagsugpo ng sumpa. Pero alam niyang hindi ako papayag na iwanan siya dahil mahina siya. Hindi niya kaya na wala ako sa tabi niya.

Kaya pinagpatuloy niya ang pagsugpo at nakipagsundo siya sa akin na ako na lang ang magmamay-ari ng kaniyang katawan. At sinabi niya sa akin na huwag ko raw papatayin si Michael, which is hindi ko naman pinatay. Pinarusahan ko lang ito dahil alam kong tinutulungan niya lang ang kapatid ko dahil gusto niya ito.

BIGLANG naputol ang nagfla-flash back nang mag-ring ang phone ko. Huminto muna ako sa pagmamaneho at sinagot ang tawag ni Tina sa akin.

"Hello, Tina? Nandiyan ka na ba?"

"Oo, Five minutes na ako dito, Yca."

"Malapit na ako diyan .  .  ."

Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag.

Nagmaneho ulit ako at pumunta sa isang coffe shop na pinagkasunduan naming dalawa na meet-up. Pababa na ako ng sasakyan at kaagad kong nakita si Tina sa may gilid na may glass window. Umiinom na siya ng kape niya.

Dala-dala ko ang aking bag na medium size. Nang makita niya ako ay kaagad siya tumayo at nakipagbiso-biso sa akin. Mabait si Tina sa akin at naging kaibigan na siya ng aking kapatid.

"Na-received mo ba ang pinasa ko sa iyo na email?" tanong ko.

"Oo, at naiintindihan ko na ang laman doon."

"Kung ganoon ay ibibigay ko na sa iyo ito." Kinuha ko sa aking bag ang kahon.

Naikuwento ni Tina na may kakambal siya. At naikuwento rin ni Couh ang tungkol sa sumpa ang kahon na iyon. Mayaman daw ang kakambal ni Tina kaya gusto niya sa pammaagitan ng sumpa ay makuha niya ang lahat ng kayamanan ng kaniyang kapatid. Siya na lang daw ang bahala kung paano niya ma-trick sa kaniya ang kakambal na mapa-oo sa gagawin nilang sumpaan.

"Salamat, Yca!"

Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

In the end, lahat ng tao ay may dark side na dala-dala. May hihilingin kahit alam mo kung ano ang kaakibat nitong masama sa buhay mo!

***

W A K A S

𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (PUBLISHED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon