Sienna's P. O. V
DALAWANG linggo na ang nakalipas simula ng dumating ako sa Lugar na ito, this place is peaceful and relaxing. It's been 2 weeks but I still can't forget Lincoln, he keeps on replaying in my mind. His face keep on capturing my eyes, I already accepted the truth that Sierra's death wasn't my fault. Naghilom na ang sugat sa puso ko, kina-ilangan ko lang talagang lumayo sa syudad at hanapin ang parte ng puso na akala ko ay dito ko mahahanap.
There's still a big hole in my heart....
Malaki ang naitulong sa'kin ng Lugar na ito para tanggapin ang pagkawala ng kambal ko, tanggapin ang katotohanang hindi ko kasalanan ang dahilan ng pagkawala niya.
“Hija?” I blinked twice and look for that voice, si aling Caring pala.... “Mukhang malalim yata ang iniisip mo 'no?” napangiti ako ng tipid dahil sa sinabi ni aling Caring.
Sa loob ng dalawang linggong pananatili ko rito ay halos lahat ng tao dito ay mababait at mga entertaining, gaya nga ng sabi ni Kazuya.
“May iniisip lang ho akong tao.....” mahinang tugon ko na ikinatawa ni aling Caring na siya namang ikina-kunot noo ko.
“Paniguradong malapit siya sa puso mo, tama ba ako?” Nagbaba ako ng tingin dahil doon, “Lahat yata ng nagpupunta dito sa lugar namin ay may nais kalimutan o nais takasan ang buhay sa syudad” muli pang salita ni aling Caring na mas lalong ikinababa ko ng tingin at tumingin sa mga alon na paroon at parito, “Pero lahat sila ay may natutunan, sa huli ay bumabalik sila sa Lugar kung saan sila nanggaling at pinipili nila kung ano ang gusto ng puso nila .....” Sana nga ganoon lang kadali iyon, “Siya aalis na ako, kung may kailangan ka, nariyan lang ang bahay ko. Kung ano man ang pinagdadaanan mo ay ilapit mo lang sa panginoon, makikinig siya...” tumingin ako kay aling Caring at tipid na ngumiti.
Bumuntong hininga ako at muling tumingin sa mga naglalakihang alon na humahampas sa naglalakihang mga bato, I hope he's okay.... Pumikit ako at piping nanalangin na sana ay nasa maayos na kalagayan ang lalaking mahal ko. Sana ay hindi niya pinapabayaan ang sarili niya......
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo sa may upuang gawa sa mwebles ng niyog. Hindi ko kayang itanggi na nangungulila ako sa kanya, hindi ko kaya ang lumayo sa kanya. Ni hindi ko alam kung bakit ko naisipang lumayo, hindi ako nag-iisp ng tama. Pero malaking tulong din naman ang pag punta ko sa Lugar na ito, bumalik ang confidence ko sa sarili. Hindi ko narin sinisisi ang sarili ko sa pagka wala ni Sierra.
Marami na din akong natutunan sa Lugar na ito, simple lang ang pamumuhay nila rito. Wala silang TV o kahit na radyo manlang sa kadahilanang walang masasagap na kahit na kaunting signal manlang. Perfect ang Lugar na ito sa mga taong gustong humihinga sa buhay syudad at lumayo sa mga gadgets.
Ang Lugar na ito ay sakop ng Northern Samar Brgy. Maragano. This place is peaceful and relaxing, there's alot of big rocks in the seashore. Hindi iyong tipo ng mga dalampasigang pulos buhangin ang makikita. Puti ang buhangin dito at may malalaking bato sa tabing dagat, iyong tubig dagat nila rito ay kulay asul iyong tipong iisipin mong baka may sharks, pero wala.
This place is not beach or resort, it's just a baranggay that you can appreciate the beauty of nature. Aside of beautiful rock formations and beautiful sea, they also have alots of seafoods here. Meron sila ritong mga werdong pangalan ng mga seafoods like, banayan, huralwa, pugita and such. Magaling rin silang makisama at marunong silang umasikaso lalo na pag bakasyonista ka. Isa lang ang mga iyon sa mga hindi ko malilimutan ukol sa Lugar na ito.
Pero kahit na gaano pa kasarap ang mga seafoods dito, kahit gaano pa kababait ang mga tao dito ay hindi ko parin maipagkakailang sa likod niyon ay naroon ang pangungulila sa puso ko, ang isang tao na kahit anong gawin ko ay hindi siya mawala wala sa puso ko. Kahit na sa kabila ng lahat na mga ginawa niya ay hindi parin siya malimut-limutan ng puso ko. Hindi siya magawang itanggi ng isip ko......
Bakit ba nasa iyo parin ang puso ko?
Napapikit ako ng mariin at humugot ng malalim na buntong hininga at hinubad ang aking suot na sapin sa paa, maingat akong bumaba sa tagilid na daan at mabatong daan. Hinawakan ko ang sapin sa paa at tumapak sa buting buhangin, ang mga alon na paroon at parito ang mga naglalakihang alon na tumatama sa mga malalaking bato.
Kinuha ko iyong isang maliit ngunit puting bato at tinititigang mabuti, humarap ako sa dagat, “Lincoln...... Sana sa pagbabalik kong muli ay nariyan ka parin sa bahay,” napapikit ako kasabay no'n ang pagkalaglag nang mga butil ng luha, “Maaari ngang lumayo ako pero hindi naman nawala ang pagmamahal ko para sa'yo.......” hindi kona na napigilan pa ang sunod sunod na pagpatak ng aking mga luha, “Maaari rin bang sa pagbabalik ko ay napalaya mona ang iyong puso mula sa nakaraan......” iyon ang tanging hiling sa puso ko, “Please always take care of yourself while I'm away,” kasabay ng pagbitaw ko ng mga salitang iyon ay siya namang pagmulat ko sa aking mga mata at tinititigan ang batong hawak ko, itinaas ko ang kamay ko at itinapon sa malayo ang batong hawak ko... “Mahal na mahal kita Lincoln! At kahit anong gawin ko ay hindi ka mawala wala sa puso ko......” sigaw ko.
Saksi ang tala at buwan sa pagmamahal ko para sa kanya, saksi ang mga butuin sa bawat pagtangis ko sa gabi dahil sa pangungulila ko sakanya.
Ilang araw at buwan pa ba ang dapat na lumipas upang patuloy akong mangulila sa kanya?
Mahal ko siya kahit na kaylan man ay hinding hindi niya ako iibigin, alam ko ang totoong dahil Mahal na Mahal niya ang namayapa kong kambal pero kahit na sa kabila no'n ay hindi parin ako sumusuko at umaasang balang araw ay mamahalin niya rin ako.....
“They said, if you love someone you gotta learn to let them go...” mahinang bulong ko sa hangin, “But I can't just let him go, I'm selfish when it comes on him.... Everyone can call me stupid or whatever they want but they can't dictate me to forget and replace him in my heart......” saksi ang Lugar na ito kung gaano ko kamahal ang lalaking nag ngangalang Lincoln Del Fuego...
***************
TYPOGRAPHICAL AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!!!!
Happy Monday everyone!!!!!!
Good morning••• :>
Want to have some coffee?☕😉
BINABASA MO ANG
Married To My Sister's Boyfriend
Romance𝑫𝒆𝒍 𝑭𝒖𝒆𝒈𝒐 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #02[Lɪɴᴄᴏʟɴ Dᴇʟ Fᴜᴇɢᴏ] Maaari nga bang matutunan ang pagmamahal? Maturuan ang puso na magmahal ng iba? [DATE STARTED; March 3, 2022] [DATE FINISHED: May 5, 2022]