INILAPAG ko ang basong wala nang tubig matapos uminom, ang sarap maglakad lakad sa tabing dagat lalo pa't ang sarap ng preskong hangin na tumatama sa mukha ko ay sobrang masarap sa pakiramdam. Pagkatapos ko rin kasing maitapon ang puting bato ay napag desisyonan konang bumalik na dito sa bahay na inuo-kopa ko.
“Syena?!!! Hija?” Agad akong tumakbo papalabas ng bahay at pinuntahan si aling Caring ng tawagin ako nito.
“Bakit po aling Caring?” tanong ko agad ng makalapit ako.
“Yadi sin linuto nga salukara, masarap 'to. Siya sige, dalhin mona muna iyan sa bahay mo at nang makapag meryenda ka. Mauna na'ko,” ini abot niya sakin ang hawak niyang Tupperware na may lamang salukara agad ko naman iyong inabot.
“Maraming salamat po dito aling Caring!” aniya ko na ikinatango ng matanda.
“Wala 'yon..... Sige una na'ko” tumango ako kay aling Caring at tuluyan na itong tumalikod sa'kin.
Sinilip ko naman agad ang Tupperware kung saan naroon ang salukara. Masarap din kaya ito? Namangha ako nang tuluyan kong mabuksan ang Tupperware. It looks like a pancake! I'm sure, nagmumukha na'kong ignorante ngayon! But I don't care! I want to taste this salukara.
Inamoy ko iyon, it has a natural scent. Kumagat ako ng kaunti at napapikit ng malasahan ko ang natural na sarap niyon at may kaunting asim. Paano na nila ito ginagawa? Sobrang tama para sa meryenda, hindi ko alam kung papaano kong masusuklian ang kabutihan na ipinapakita sa'kin ng mga taga rito.
Mabilis kong naubos ang apat na pirasong salukara, masaya din pala ang simpleng pamumuhay ng mga taga rito. Buong buhay ko kasi ay masasabi kong marangya ang buhay ko, na ang swerte ko dahil pinanganak akong mayaman. Pero hindi ko rin naman inabuso ang katayuan ko sa buhay, kaylan man ay hindi ako nang api ng mga taong simple ang pamumuhay dahil mali iyon.
Kahit pinanganak na mayaman ay alam ko kung papaanong makisama sa mga kapwa ko, ni mayaman o mahirap man. Maganda ang pagpapalaki saamin nina mom at dad, they taught us verry well. At iyon ang gusto kong gawin sa mga magiging anak ko, sa kung papaano kaming i-desiplina nina mom at dad.
“Syena? Nariyan kaba sa loob? Maaari ba akong pumasok?” napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Hilig yatang mang gulat nitong si aling Caring?
“Opo narito po ako sa loob, pumasok na lamang ho kayo at bukas naman ho ang pinto,” sagot ko mula sa loob at agad na inilagay ang Tupperware na pinaglagyan ng salukara sa may lababo at nang mahugasan ko mamaya.
Ano naman kaya ang kailangan ni aling Caring?
“Ay hija, maaari ba kitang makausap? Ha?” kinabahan naman ako kay aling Caring. Mukhang seryosong usapan yata ang magaganap?
BINABASA MO ANG
Married To My Sister's Boyfriend
Romance𝑫𝒆𝒍 𝑭𝒖𝒆𝒈𝒐 𝑩𝒓𝒐𝒕𝒉𝒆𝒓𝒔 𝑺𝒆𝒓𝒊𝒆𝒔 #02[Lɪɴᴄᴏʟɴ Dᴇʟ Fᴜᴇɢᴏ] Maaari nga bang matutunan ang pagmamahal? Maturuan ang puso na magmahal ng iba? [DATE STARTED; March 3, 2022] [DATE FINISHED: May 5, 2022]