KABANATA 12: OLD MANSYON

12 5 1
                                    

NAKATINGIN sila sa malawak na lugar puno ng kahoy ang buong kanilang nadaanan ilang araw nilang itong nilakbay upang mapuntahan ang lugar kong saan silang malayang magagawa ng kanilang Vlog, maraming nagsabi sabi tungkol sa lugar na ito maraming mga bata at matanda ang nawala dahil yun sa mansyon na luma maraming kababalaghan ang nangyari daw ilang taon na lumipas hanggang ngayon hindi nalimutan ng mga taga rito ang tungkol sa kababalaghan ng mansyon na iyun



"Hays sawakas nahanap din natin" sambit ng babae na mahaba ang buhok na kulay pulasa dulo nito



"Saan na ba yung mansyon para naman magsimula na tayo" inis na sambit ng isang babae



"Zin maghanap ka kaya ng matatanungan dito at hindi puro bunganga mo lang ang puro reklamo" sambit ng isang dalawa



"Tumahimik nga kayong dalawa" inis na bulyaw na isang lalaki na kanilang kasama



"Yun ohh! may tao tanungin natin kong saan banda ang lumang mansyon" agad sila sumunod sa kanilang kasama



"Manong maari ba magtanong?"



Tumingin sa kanila ang isang matanda may dala itong sibat at naka-akay nito ang isang kahoy



"Hindi kayo taga-rito tama ba ako?" tumango naman sila



"Saan naman kayo tutungo halos magtakip silim na " Tama magtatakip silim na at nagbabadya naman itong umulan




"Ahh doon nalang po kami magpapahinga sa lumang mansyon"



Nag iba ang mukha ng matanda ang kaninang nakangiti ngayon tila ay nawalan ng kulay ang mukha nito, paulit ulit syang umiling




"Wag kayong pupunta sa lugar na yun"



"At bakit naman po?"



"Kamatayan ang naghihintay sa inyu kapag nakapasok na kayo" seryosong saad ng matanda



Napalunok naman ang dalawang babae sa sinabi nito kahit kanina nakaramdam sya ng takot ng mapunta sila sa lugar na ito



"Hayss tatang naman wala pong katutuhanan ang bagay na yan kahit ang mga pulis hindi matukuy kong totoo ba na may kababalaghan ang bahay na yan" napabuntong hininga ang matanda sa tugon ng lalaki




"Kong yon ang nais nyo , wag nyo ako sisihin na hindi ko kayo binigyan babala"



"Fredericko narito ka lang palang matanda ka kanina pa ako naghihintay sayo sa bahay! Saan ka ba galing matanda ka ha!"biglang may sumulpot na isang natandang babae hawak nito ang isang kahoy or tungkod upang mag-alalay . Inis inis ang mukha nitong nakatingin sa matandang lalaki , pero walang pakialam ang lalaki sa reaction ng matandang babae



"Tumahimik ka nga piling nakakahiya sa mga batang to yung bunganga mo!"



"Aba matapang kana ngayon freder ! At saan naman galing ang tapang mong matanda ka!"bulyaw ulit ng matanda napangiti naman ang apat ng marinig ang nakakarindi nitong sigaw




"Ang batang to pupunta sa lumang mansyon"kumalma ang tinig ng matanda lalaki ngunit tila hindi ito marinig ng natandang babae




"Ano hindi ko narinig lakasan mo" hindi parin mawala ang boses nitong pamangmataas ang tinig



"Ang sabi ko ang batang ito pupunta sa mansyon"



"Abat napipi ka na frederick pati boses mo hindi ko na narinig!" Napailing iling nalang ang matandang lalaki dahil sa lakas nitong boses at nakakarindi pa pakinggan



Ghost DetectiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon