Chapter 1

29 3 4
                                    

LIZZIE


"Ma, alis na po ako." Paalam ko kay mama at hinalikan siya sa pisngi. Kinuha ko ang lunch box na nasa lamesa na hinanda niya sakin. Nilingon niya ako at nginitian.






"Sige. Mag-iingat ka doon ah? Mag aral ng mabuti. At wag kang kaskasera!" Bilin niya sa akin habang nag huhugas ng pinggan. Tinawanan ko nalang siya at saka patakbong lumabas.






Inilagay ko sa bag ang lunch box ko at kinuha ang whole face helmet ko na naka-patong sa istante na nasa garahe namin. Isinuot ko ito at kinuha din ang susi na nasa bulsa ko. Sumakay ako sa KTM duke bike ko at pinaharurot ito papunta sa school.




Nang makarating sa parking lot ng school ay nag hanap ako ng mapepwestuhan. Nang lumiko ako ay nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang lalaki na busy sa pagse-cellphone habang nag lalakad at hindi tinitingnan ang dinadaanan.







Sa gulat at adrenaline rush ay aksidente kong nai-liko ang manibela. Naiwasan ko ngang mabangga ang lalaki pero ako naman ngayon ay natumba at nagpa-gulong gulong habang ang motor ko ay kumaskas papunta sa tabi ko at muntik pa akong matamaan.







Tumama ang tyan ko sa haligi ng parking lot at napa-sigaw ako sa sakit ng impact. Galing kasi sa mataas na bahagi ay nagpa-gulong gulong ako pababa kaya damang dama ko ang pag bunggo ng tyan ko.





Nang hihinang umupo ako habang hawak hawak ang tyan. Nakita ko namang tumakbo papunta sa akin ang lalaki. Namukhaan ko siya. Sa tatlong taong pag aaral ko dito ay nakikita ko siyang pinag-titilian ng mga babae kahit saan siya mag punta. Namamangha pa din ako hanggang ngayon sa kulay abo niyang mga mata. Pero ang pagka-mangha ay napalitan agad ng inis.





Kasalanan niya to!!




Unti unti akong nakaramdam ng hapdi. Sa siko ko at sa binti ko. Tiningnan ko ang binti ko at napa-mura sa isip nang makitang may mga gasgas ito nang dahil sa pag gulong ko.




Nag angat ako ng tingin at nakita ang nag aalalang mukha ng lalaking iyon. Hinihingal siya nang hawakan niya ang magka-bila kong balikat.







"A-ayos ka lang?" Alalang tanong niya. Sa pang hihina ay hindi na ako nakapag-salita kaya umiling nalang ako. Hinawakan niya ang helmet ko at tinanggal ito. Nang makita ang mukha ko ay bigla siyang natigilan at bahagyang nanlaki ang mga mata.





Kahit nang hihina ay pinilit ko pa din na mag tanong dahil kakaiba ang reaksyon niya.






"A-ano? Bakit? G-guilty ka ba? Kung g-guilty ka, b-bayaran mo yung pampa-ayos n-ng m-motor kong b-bwiset ka." Nag pilit pa akong taasan ang boses ko pero hindi ko talaga kaya. Nahihilo ako at masakit din ang tyan ko kaya nang-hihina ako.





May sinabi siya pero hindi ko na narinig dahil biglang dumilim ang paningin ko sa hilo. Naramdaman ko namang may sumalo sa akin.

--


Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Sinubukan kong umupo at napa-ngiwi nang maramdaman ang pag-sakit ng tyan. Doon lang nag sink in sa akin ang lahat ng nangyari. Nanlaki ang mga mata ko.




"Yung motor ko!!" Inis na tili ko. Naka-rinig ako ng pag-bagsak sa tabi ko kaya nilingon ko iyon. Lalong lumaki ang mga mata ko nang makita ang dalawang pares na grey na mga mata na nakatingin sa akin habang may bahid din ng gulat doon.




"A-ano ba, ikaw yung napuruhan pero yung motor mo ang inaalala mo?" Nang makabawi ay nagawa niya iyong itanong. Humikab siya at nag kusot ng mga mata. Halatang bagong gising dahil namumula din ang pising niya sa pagkaka-yuko niya sa hinihigaan ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at hinablot ang magkabila niyang balikat, hindi inaalala ang sakit ng tyan.





Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now