Chapter 8

6 2 9
                                    

LIZZIE






Hindi nag proseso agad sa aking utak ang pangyayari. Nanlaki ng sobra ang mga mata ko habang naka-tingin sa kanya at magka-lapat ang mga labi namin. Ganun din siya.










Nakarinig ako ng pag-click ng Camera at iyon ang naging hudyat para mapatayo ako mula sa pagkaka-dapa sa kanya. Mabilis akong lumingon lingon sa paligid at wala naman akong nakitang tao. Napa-kunot ako ng noo. Tama bang camera ang narinig ko? O guni-guni ko lang iyon?










Muli kong nilingon si Mateyo at nakita siyang naka-higa pa din, tulala at namumula. Hindi siya kumikilos kaya sa inis ay sinipa ko siya sa kanyang tagiliran na siyang nakapag-pabalik sa kanyang ulirat. Dahan dahan niya akong tiningnan at tumayo.









Hindi agad ako nakapag-salita. Kahit siya. In short, awkward. Hindi ko na kinakaya. Parang may dumaang anghel sa pagitan namin sa sobrang tahimik.









"Argh! Forget about this, Matthew. Wala nang banggitan. May girlfriend ka at hindi iyon magandang tingnan para sa kanya. Okay?" Bigla kong naibulalas. Parang nabalik naman nito ang kanyang huwisyo. Bumuntong hininga siya at yumuko. Parang may sasabihin kaya hinintay ko.








"L-listen.. Cheska is not my girlfriend. And she'll never be." Mahinang pag-amin niya. Nanlaki muli ang mga mata ko. Talaga?









"Pero.... Sabi mo malapit na kayong mag 1 year? Ano yon, bakit ka nag sinungaling?" Curious na tanong ko. Galit ako sa mga sinungaling pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko talaga kayang magalit sa kanya.










"N-nag.. Uhm.. Na.. I don't know. Really, bigla ko nalang nasabi iyon. Pero hindi totoo iyon." Naningkit ang mga mata ko sa sinagot niya. Parang may itinatago siya sa akin. Hindi ko naman siya pwedeng kulitin tungkol sa bagay na iyon. Tatlong araw palang kaming naging magka-kilala at hindi naman pwedeng feeling close na ako agad.








I mean, why would I care? It's not as if I'm concern about his life, come on.








Tumango tango ako at nilagpasan siya para bumalik sa Music room. Halos hindi ako maka-galaw dahil naka-sunod siya sa akin. Siya ang first kiss ko. Pero hindi iyon ang kinababahala ko. Hindi ko magawang magalit sa kanya. Bukod doon, may mali sa nangyari. May narinig akong pag-click ng camera. Ang weird lang dahil kaming dalawa lang ang nasa corridor.








Pero ang isiping na-kiss ko ang isang Matthew Axel Castro na pinag-kakaguluhan sa buong sulok ng eskwelahang ito? Hindi ko maproseso ang isang bagay na iyon. Nakakahiya, kahit siya pa ang pinaka sikat dito sa eskwelahan ay lalaki siya at ako ay isang babae. Pangit tingnan lalo na dahil estudyante palang din kami. Ayokong ma-involve sa kahit na anong relasyon habang nag aaral palang. At lalong lalo na kay Mateyo. Ayokong ma-involve sa isang sikat. Baka gumulo lang ang buhay ko at ayaw ko ng ganun.









Kahit hindi kumportable ay nagawa kong lakarin ang dulong kwarto ng palapag na ito. Sobrang awkward na hindi ko manlang magawang tingnan si Mateyo. Feeling ko nagka-sala ako. Siguro dahil hindi ko pa lubos na kilala si Mateyo. Kahit Oo, nakikita kita ko nga siya dito sa school. Hindi kasi kami pareho ng section simula 1st year hanggang 3rd year. Hindi ko pa din siya lubos na kilala.











Nang maka-pasok sa music room ay napa-tingin ako kay Cheska. Matamis siyang ngumiti sakin pero nang makita niyang kasunod ko si Mateyo ay biglang dumilim ang mukha niya. Is she some kind of a Psycho? Hindi naman girlfriend pero kung maka-tingin akala mo inagawan na ng boyfriend. Patay na patay lang? Ew, kay Mateyo pa? Isip bata ang isang ito.










Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now