Chapter 25

6 2 12
                                    

LIZZIE




Hindi ko na inalala pa ang sinabi ni Kai, mamaya ko nalang siya kokomprontahin tungkol doon. Ang importante ngayon, habulin si Mateyo na nakasuot pa ng hospital gown na tumakbo palayo. Tingin ko ay narinig niya ang sinabi ni Kai kaya ganoon ang reaksyon niya. Lalayuan ko siya, pero hindi ko kakayanin na iyon ang magiging dahilan. Wala akong ibang gusto, siya lang.






Mabilis akong tumakbo palayo para habulin siya. Hindi ko na pinansin pa ang tawag ni Kai at ang pang-aasar ni Cheska dahil mabilis nawala sa mga mata ko si Mateyo. Halo halong kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa posibilidad na iba na ang tumatakbo sa kanyang utak at bukod doon, sigurado akong hindi pa gumagaling ang tahi sa likod niya at posibleng mag dugo iyon sa kaka-takbo niya.







Nakalayo na ako at nakalabas na sa gym ng school pero wala pa din akong makita ni-anino ni Mateyo. Lumingon lingon ako sa paligid at ang tanging nakikita ko lang ay ang mga estudyanteng busy sa pag tatawanan at pag kwekwentuhan. Unti unti na akong pinang hihinaan ng loob at gusto ko nang maluha pero hindi ako pwedeng sumuko sa pag hahanap sa kanya.







Nang muli akong lumingon sa isang direksyon ay mabilis akong nabuhayan ng loob nang makita ko siya isang isang bench, naka-upo at naka-tikom ng mahigpit ang mga kamao na parang pilit niyang pinapakalma ang sarili. Mabilis kong tinungo ang direksyon niya at nang makarating doon ay huminto ako sa harapan niya para sipatin siya. Halos madurog ang puso ko nang makita kong malamig ang mga mata niya ngunit makikitaan iyon ng konting luha.







"M-Mat---" Hindi ko na naituloy ang sasabihin at ang pag lapit sa kanya nang bigla siyang tumayo at mabilis na lumayo sa akin. Hindi niya ako tinitingnan, nasa ibang direksyon nakatutok ang mga mata niya na para bang nandidiri siya sa akin.





"So, I'm a fool." Bigla niyang saad na mabilis ko namang ikina-iling. Alam ko namang ramdam pa din niya iyon. Nang dahil sa bigla kong pag-iling, natawa siya. Mahihimigan ang sarkasmo sa kanyang tinig na para bang nag sasabing alam niyang nag sisinungaling ako kahit hindi naman talaga.






"P-please.. Mat---" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin nang bigla siyang mapa-palatak. Para bang naiinis na siya sa pag sasalita ko. Tiningnan niya ako gamit ang malalamig niyang mga mata na bahagya kong ikina-atras bago siya mag salita.






"I'm disappointed. I thought you're not like the other girls. You never wanted me. I only feeds your ego." Sagot niya at walang anu-ano'y nilisan akong nakatulala at hindi maproseso sa utak ang kanyang sinabi.





Mabilis na nang-hina ang mga tuhod ko kaya napa-upo agad ako sa pwestong inupuan niya kanina. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko. Galit dahil iyon pala ang tingin niya sa akin at lungkot dahil wala akong magawa para baguhin ang ganung pananaw niya tungkol sa akin.







Agad na tumulo ang mga luha ko at hinayaan na lamang iyon. Ang gusto ko nalang ngayon ay mailabas lahat ng emosyon ko at ang pagod ko. Pakiramdam ko'y mauubusan ako ng lakas nang dahil sa nangyari ngayon.




------




Natapos ang lahat ng klase sa araw na ito ng matamlay ako. Hindi ko din magawang maging attentive sa klase sa dami ng tumatakbo sa utak ko. Unang una sa lahat, hindi ako pinayagan na hindi sumama sa tour kaya nag aalala ako kay Mama na baka may mangyari sa kanya.






Pangalawa ay iyong maling akala ni Mateyo tungkol sa aming dalawa. Pangatlo ay ang pag tatago ko at pag mamasid sa paligid dahil baka mamaya ay may bumulusok na namang dagger papunta sa akin. Sunod sunod ang mga bagay na inaalala ko at hindi ko na kakayanin kapag may sumunod pa.






Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now