Chapter 11

4 2 21
                                    

LIZZIE




Matapos ng anunsyo na iyon ni Gio ay umalis na siya kasama si Jade. Para namang dinaanan ng anghel ang paligid at natahimik ang lahat bukod kay Aya na umiiyak. Awang awa siya sa akin kahit hindi ko naman kailangan iyon. Ang kailangan ko lang kaya ko isiniwalat sa buong klase ang katarantaduhan ni Jade, ay ipahiya siya para wala na siyang mukha na maihaharap sa kahit na isa sa amin.







Napawi ang katahimikan nang pumutok ang isang lobo na nakasabit sa ding ding. Para iyong isang hudyat na nawala ang isa sa amin. Naaawa din naman ako kahit papaano kay Jade. Matalino siyang tao pero naging bulag dahil sa pagka-gusto niya kay Mateyo.






Tumayo ako para sana makalabas na dahil nagugutom na ako, nang hawakan ni Mateyo ang braso ko. Nilingon ko siya ng may pag tataka pero hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo din. Hinila niya ako at hindi ko na nagawa pang maka-piglas.





Lalakad na sana kami nang may humawak pa sa isa kong braso. Nilingon ko ito at nakita ang seryosong mukha ni Kai na nakatingin kay Mateyo. Nag tiim bagang ang kaibigan ko. Sandaling katahimikan ang nangyari sa aming tatlo.





"Bitiwan mo siya." Madiing utos ni Mateyo kay Kai. Seryoso din ang kanyang mukha. Mahihimigan ang otoridad sa kanyang utos pero hindi naman nagpatinag ang kaibigan ko. Sa halip ay mas humigpit ang kapit niya sa braso ko. Narinig ko naman ang sarkastikong tawa kay Kai na gumapang sa buong sistema ko. Parehas silang ma-otoridad at may dating.





"Ikaw ang bumitaw, Castro. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Gio? Ikaw ang dahilan kung bakit nangyari iyon kay Lizzie. Kaya wag mo akong utos utusan." Nang dahil sa sinabi ni Kai ay wala sa sariling napa-bitaw sa akin si Mateyo. Napa-tingin ako kay Mateyo at nakita ang reyalisasyon sa kanyang mukha.






Hindi na siya umapila nang hilahin na ako paalis ni Kai. May punto naman si Kai pero sa tingin ko ay hindi din naman ginusto ni Mateyo ang nangyari. Pero kahit na ganoon, hindi pa din palagay ang loob ko kay Mateyo. Bukod sa sikat siya, kahit na ganoon ay hindi ko pa din naman siya kilala. Syempre sikat ang mga kaibigan ko. Pero kilala ko na sila. Hindi kagaya ni Mateyo kaya hindi ko pa din kaya na makipag kaibigan sa kanya.




Maybe one of these days. just be good to me, Mateyo.




Habang nag lalakad ay humabol din sa amin si Aya at lumingkis ang mga kamay sa braso ko. Bahagya pa siyang humihikbi at hinahagod naman siya sa likod ng kanyang nobyo. Oo nga pala, hindi pa niya nasasabi ang tungkol sa kanila kay Kai.






"Iwasan mo na si Matthew, Dane. Dahil sa kanya napapahamak ka." Saad ni Kai at binitawan ang braso ko. Sasagot na sana ako nang umapila naman si Clark. Oo nga pala, best friend siya ni Matthew.





"Hindi naman ginusto ni Axel ang nangyari kay Lizzie. At saka, ilang taon na din siyang ginugulo ni Jade. Kaya kahit siya galit at inis sa babaeng iyon. Panigurado akong sinisisi na niya ang sarili niya sa nangyari kay Lizzie." Saad ni Clark. Kapansin pansin kama-kailan ang pagiging madaldal nito. Siguro ay nahawaan na ni Aya.







"Tss. Alisin mo nga 'yang kamay mo kay Aya. Nakaka-ilan ka na ah!" Utos nalang ni Kai at tinampal ang kamay ni Clark sa likod ni Aya. Dahil sa reaksyon ni Clark ay napatawa ako nito. Natigilan sila Aya at tiningnan ako. Kalaunan ay ngumiti ang mga ito.





"Naks, napatawa ni Kaiden." Tukso naman ni Aya kay Kai. Namula naman ang lalaki at ako ay napa-iling nalang saka nag patuloy sa pag lalakad.

---

Natapos ang klase. Nag liligpit na ako nang kinalabit ako ni Mateyo sa balikat kaya wala sa sariling nilingon ko siya. Pinag taasan ko siya ng dalawang kilay at napa-kamot naman siya sa batok na parang hindi alam ang sasabihin.





Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now