Chapter 28

3 2 11
                                    

LIZZIE




Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakita at hindi agad naka-kibo. Halo halo ang nararamdaman kong emosyon habang nakatingin sa kanilang dalawa. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Why?




Nagulat ako nang bigla akong hinila ni Kai palapit lalo sa kanya para isandal sa dibdib niya at takpan ang mga mata ko. Kahit na ganon, wala pa ding reaksyon o salita ang namumutawi sa labi at mga mata ko. I'm hurting but I don't know anymore how to express it.. Am I getting colder?






"Cry it out, Dane." Saad ni Kai sa seryosong tinig. Natawa ako sa sarili nang dahil doon bago sumagot sa kanya.







"I don't know how to cry anymore, Kai." Sagot ko sa mahinang boses. Tiyak ko namang narinig niya iyon dahil sa mga malalalim niyang pag hinga.






"Come on, cheer up. Mamaya pupunta tayo sa mall. Tour natin bukas kaya dapat masigla ka." Saad niya. Napatango nalang ako at napa-igtad nang maramdaman ang maliit niyang halik sa ulo ko. Kahit papaano, napagaan 'non ang loob ko.






________






Nang makarating sa room ay agad kaming nagsi-upo sa kanya kanya naming upuan. Bahagya pang pinisil ni Kai ang kanang braso ko bago mag tungo sa upuan niya nang makita si Mateyo na prenteng nakaupo sa katabing upuan ko. Naka-sandal at nakapikit na naman, halatang walang pakielam sa paligid.







Bahagya ko pang inilayo ang upuan ko sa kanya bago ko inilagay ang bag ko at umupo. Para kaming bumalik sa umpisa. Para na naman kaming hindi magka-kilala kung mag turingan pero kung tutuusin ay mag kaklase naman kami.








May kukuhanin sana akong libro sa loob ng bag ko nang bigla akong lapitan ni Pres. Nasa tabi ko siya kaya naman tumingala ako sa direksyon niya. Bahagya pa ngang nangawit ang leeg ko dahil may taglay na katangkaran ang lalake.







Bahagya siyang ngumiti sa akin pero hindi ko magawa iyong tugunan. Sa kaalamang nasa tabi ko lang ang iniiwasan ko, hindi ako mapalagay at maging kumportable.







Lumingon si Pres sa likod ko at hinila niya ang bakanteng upuan na pag mamay-ari sana ni Jade. Nanatili akong naka-tingin lang sa kanya. Pinuwesto niya iyon sa espasyong nasa tabi ko at pagkatapos ay huminga ng malalim bago mag salita at tumingin sa akin.






"Liz, you know we're friends right? Please, kung may pinag-dadaanan ka man, pwede mong i-share sa akin. Bakit, anong nangyari sayo kahapon?" Tanong niya ng may pag-aalala sa tono. Wala sa sariling napa-yuko ako, hinahanap ang kasagutan sa tanong niya.







Ayokong pati siya ay mag alala sa akin ng sobra. Tama naman siya, kaibigan ko siya pero hindi ko na kaya pang dagdagan ang sakit na idinudulot ko sa mga taong nasa paligid ko. Kahit naman ako ay walang kasagutan sa mga tanong na pumapasok sa isip ko at alam ko ang pakiramdam na maging kyuryusidad at mag alala ng sobra.







Ngumiti ako sa kanya, itinatago ang sakit at pait ng katotohanan. Katotohanang hindi na ako isang normal na teen ager lang na maraming kaibigan. Isa na akong biktima ng kamatayan. Kamatayang nais makipag-laro sa akin kaya naman pag bibigyan ko ang kahilingan niya. Makikipag-laro ako at titiyakin kong ako ang mananalo.







"Ah, it's nothing. Really. It was just an accident." Sagot ko habang umiiling na may paninigurado sa boses. Naramdaman ko naman ang tingin ng nasa kabilang tabi ko pero hindi ko iyon pinag-tuunan ng pansin. Halata namang hindi kumbinsido si Pres sa sinagot ko pero huminga siya ng malalim na parang pinipilit ang sarili na huwag nang mag-usisa pa.







Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now