Chapter 3

15 2 0
                                    

LIZZIE





Sa sobrang pagka-ilang ko sa kanya ay bigla ko siyang naitulak. Muntik pa siyang matumba pero buti nalang at nai-balanse niya ang sarili.







Hindi ko alam ang gagawin ko. Kung kokomprontahin ko ba siya dahil sinabihan niya akong inaakit siya? O lalayo nalang muna sa kanya dahil sobrang nakaka-ilang siya? Omygosh, Hindi ko na maintindihan miski ang sarili ko.








Napa-lingon ako sa kanya nang marinig ang pag tawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi natigil ang pag tawa niya at parang mas lumakas pa yata. May pag hawak pa siya sa kanyang tyan at papikit pikit pa.









"Ang saya 'no? Ang saya?" Nauumay na saad ko. Lalo lang atang lumakas ang tawa niya to the point na napa-kapit na siya sa book shelve. Sa inis ay itinulak ko siya patabi sa dadaanan ko at nilayasan siya. Hindi naging dahilan iyon para matigil ang pag tawa niya. Sumunod naman siya sa akin.








Eh kung sakalin ko nalang kaya siya?








Inis kong tinungo ang parking lot ng mall at dumiretso sa pinaradahan ng motor ko. Isinuot ko ang helmet at bahagyang sumandal sa motor habang hinihintay siyang humupa ang tawa niya. Hanginin ka sanang bwiset ka.








"O-oh? Uwi na?" Tanong niya habang pilit na pinapa-kalma ang sarili. Inilahad ko ang kamay ko sa kanya imbis na sumagot.








"Akin na susi ako mag da-drive. Ma-drive man lang bago ko ipa-ubaya sa iyo. At hoy Mateyo, subukan mong ipa-chopchop itong motor ko, ikaw ang isusunod ko." Napalunok siya dahil sa banta ko. Kinuha niya sa bulsa ng slacks niya ang susi ko at inilapag sa kamay ko. Agad naman akong sumakay at inilipat ang bag sa unahan. Hindi kasi ako kagaya niya na may pagpapa-yakap pang nalalaman eh hindi man lang nagawang alisin ang bag niya sa pagitan namin.









At hindi ko iyon hinihiling para lang mayakap ko siya ng maayos no, ang hirap kayang pumwesto nang ganun habang may naka-harang. Uncomfy. Hindi ito pag-dadahilan lang, katotohanan ito!




Binuhay ko ang makina at hinintay siyang maka-sakay. Nang maka-siguradong kapit na kapit na siya sakin ay saka ko pinaharurot ang motor papunta sa bahay namin. Tiniyak kong kakabahan siya sa pag mamaneho ko.




Nang makarating sa tapat ng gate namin ay bumaba kami sa motor. Hindi ko na pinatay ang makina dahil dadalhin din naman niya ito. Ibinigay ko din sa kanya ang helmet na ginamit ko dahil baka kung kanino pa iyon at baka hanapan siya. Para naman siyang tuod nang tanggapin ito. Nakatulala lang at halos hindi siya gumagalaw.









Pero namatay nalang ang makina ay hindi pa din siya kumikilos. Kumunot ang noo ko at nilapitan siya. Ang lalaki naman ay namumuo ang butil butil na pawis sa noo at namumutla. Lalong nangunot ang noo ko dahil sa itsura niya.








"Natatae ka?" Agad naman siyang umiling sa tanong ko. Eh kung hindi, ano ang dahilan?









"Hindi lang ako maka-paniwalang buhay pa tayo..." Sagot niya. Doon ako napa-takip sa bibig. Pero hindi iyon naging sagabal sa malakas na pag-tawa ko. Naging kaskasera na naman nga pala ako kanina. Kahit papaano ay naka-ganti ako sa kanya dahil para siyang matatae sa itsura niya ngayon.









"Sige na, layas na." Pag tataboy ko sa kanya. Sinunod naman niya ako at sumakay sa motor. Pero bago siya umalis at ginulo niya ang buhok kong kanina pa magulo at tuyo na din. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko ay ang sama ng tingin ko sa kanya.







Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now