Chapter 15

4 2 17
                                    

LIZZIE









Natahimik ako sa sinabi niya. Nanuot sa buong sistema ko ang pagiging medyo paos ng kanyang boses. Parang humagod ito sa buong katawan ko at hindi ako makagawa ng paraan para itahimik ang puso ko sa lakas ng pag tibok. Mas lalo niya akong hinapit palapit sa kanya at muling bumuntong hininga na para bang pinapa-kiramdaman niya ang bawat reaksyon ng katawan ko sa mga ginagawa niya.









Wala sa sariling napapikit ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Gusto ko ang ginagawa ko at hindi ko maintindihan kung bakit pumapayag ako sa ganitong sitwasyon. Pumapayag akong manatili sa ganitong sitwasyon na parang tinutupad ko ang kahilingan niyang manatili muna sa ganitong posisyon.









Ilang sandali pa ay inalis ko na ang mga braso ko sa kanyang bewang. Hinayaan niya akong gawin iyon. Nang hihina akong bumaba sa motor at hindi ko man lang magawang tingnan siya dahil sa pagka-ilang.










Bumaba na din siya at tinanggal ang suot na helmet pero ako ay inilibot ang tingin sa paligid. Exclusive Subdivision ito na malapit lang sa amin. Hile-hilera ang mga nag gagandahan at nag lalakihang mga bahay. Napatingin ako sa katapat ng binabaan namin. It's a three-storeys house na talaga namang halata na mayaman ang nakatira. Ang ganda ng design nito. Puti ang kulay at may mga sliding doors na salamin.









"Wow." Naibulalas ko habang naka-tingin sa bahay. Ganitong design ang gustong gusto ko. Maganda at ang presko sa mga matang tingnan.









"This is my house, Lizzie. I live here alone. Nasa States ang mga magulang ko dahil sa isa naming business doon." Saad niya. Napabaling ako sa kanya.









"Talaga? Pero may mga maids ka sa loob?" Tanong ko. Tumango naman siya at humalukipkip.









"Well, yes. Tinuturing ko na din sila bilang magulang dahil laging busy sila Mommy sa negosyo namin at sila ang nag aalaga sa akin." Sagot niya at tiningnan din ang bahay sa tapat namin. Nangunot naman ang noo ko dahil sa isang bagay.








"You live here alone, Eh nasaan ang Ate mo?" Tanong ko habang nakatingin pa din sa kanya. Nakita ko ang paninigas ng kanyang katawan at pagkawala ng maliit na ngiti sa kanyang magandang labi. Nag taka ako sa ikinilos niya pero nabaliwala iyon nang magsalita siya.








"U-uh... Sa condo siya nakatira ngayon. Umuuwi lang yun dito kapag gusto niya akong.. Kulitin." Sagot niya at mahahalata sa kanya ang pagkabalisa sa bawat salitang binabanggit niya. Nag tataka man ay ipinag kibit balikat ko na lamang iyon. Biglang tumunog ang cellphone na nasa bag ko kaya agad kong kinuha iyon. Nahirapan pa ako dahil hindi ko pa nga pala hinuhubad ang helmet. Aalis din naman eh.








Habang prenteng nakatayo lang sa gilid ko si Mateyo ay tiningnan ko naman ang bagong message na dumating. Mula iyon kay Kai Kulangot. Natawa ako dahil hindi ko pa binabago ang pangalan niya sa Cellphone ko.








From: Kai Kulangot


Oy weekend bukas. Gala tayo sa MOA ni Aya.








Na excite ako sa nabasang mensahe niya. Oo nga pala, weekend na bukas at nag yayaya ang mokong na ito na gumala. Tutal ay sinabi ni Gio kanina na hindi na namin kailangan mag Practice bukas, papayag nalang ako.







To: Kai Kulangot

Alright. Sunduin niyo ako kung hindi, hindi na ako sasama.







Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now