Chapter 4

14 2 0
                                    

LIZZIE






Nagising ako sa tunog ng alarm ko sa cellphone. It's 4:30 am. 6:30 am ang simula ng klase namin. Sinadya kong agapan para kung halimbawang may maramdaman akong naka-sunod sakin, ako na mismo ang haharap sa kanya. Dali dali akong bumangon at inayos ang hinigaan. Pagkatapos ay dumiretso ako sa banyo ng kwarto ko para maligo.








Lumabas ako sa kwarto nang bihis na. Pinalitan ko din ng malaking benda ang hiwa na nasa noo ko mula kagabi. Hindi ko na blinow dry ang buhok ko at tinirintasan, nilugay ko nalang at bahagyang sinuklayan para mapa-bilis ako.








Pumunta ako sa kusina habang hawak ang isang pad ng sticky note at ballpen. Wala pa si Mama at tiyak na mamayang 5:50 pa iyon babangon para maipag-handa ako ng almusal at lunch box. May pasok din kasi siya. Isa siyang sekretarya sa isang malaking kumpanya kaya nakaka-L L naman kami.








Nag sulat ako sa sticky note, "Ma, maagap po ako ngayon. May gagawin po kaming groupings at kailangan makapag-discuss bago ang klase. I love you, Mwah! Kain ka po dyan ha bago umalis."








'White lie lang naman, may groupings naman talaga kami kaso hindi ngayon mag didiscuss..'








Tinanggal ko ang sinulatan ko at idinikit ko sa ref at pagkatapos ay lumabas na. Inilagay ko muli sa bag ko ang sticky note at ballpen. Hindi na ako nag dala ng pamasahe, lalakad nalang ako papunta sa pinaka-malapit na Café at doon mag aalmusal. Titingnan ko kung hanggang doon ay may susunod sa akin.









Sinadya kong dumaan sa kanto kung saan ko nakita ang misteryosong lalaki kagabi; Nagbabaka-sakaling makita ko muli siya o madaanan kahit hindi ako sigurado sa kung ano ang itsura niya, sa pangangatawan at sa kilos ko nalang iba-base.









Habang nag lalakad ay nakaramdam akong may sumusunod sa akin. Kinabahan ako at naging alerto. Hindi ako pwede dito gumawa ng galaw, walang tao at walang makaka-kita ng mangyayari kapag may ginawa itong masama sa akin. Kailangan kong maka-punta agad sa bayan.







Pag labas sa street na ito, may isa pang daan at papunta na sa bayan. Doon ako dadaan papunta sa alam kong Café at di-deretso na din ako sa school pagkatapos ko mag-almusal. 








Malapit na ako sa Café na pupuntahan ko. Naka-labas na ako at nasa bayan na. Saglit na nawala ang pakiramdam ng may nakasunod pero nag-balik ulit ito nang ilang lakad nalang papunta sa café. Napa-hawak ako ng mahigpit sa strap ng bag ko. Hinanda ko ang sarili ko sa kahit na ano mang mangyayari sa akin ngayon.








Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko. Sa gulat ay bigla akong napa-lingon sa gumawa noon at walang alinlangang sinikmuraan siya. Nanlaki ang mga mata ko at napa-hawak sa bibig nang makita kung sino iyon.








"A-aray! Wala pang laman ang tyan ko nasuntok na ako agad!" Daing niya habang naka-yuko at hawak ang tyan. Nilapitan ko naman siya at tiningnan ang gwapo niyang mukha na may grey na mga mata.








"Ano ba naman kasing ginagawa mo dito at bakit ka nang-gugulat?!" Tanong ko sa kanya at binigyan siya ng isang malutong na batok. Napa-hawak naman siya sa kanyang ulo at naka-simangot na nilingon ako. Umayos siya ng tayo at hinarap ako, hawak pa din ang tyan.








"Nag-jojogging ako at papunta ako sa Café ng uncle ko. Eh nakita kita kaya sana babatiin kita. Pero ang natanggap ko ay suntok sa tyan." Naka-simangot na paliwanag niya. Tiningnan ko naman ang kabuuan niya. Naka-green hoodie siya, Jogging pants at rubber shoes. May suot din siyang wireless earphone. Tumutulo ang pawis niya mula sa noo pababa sa kanyang leeg. Napa-lunok ako at nag iwas ng tingin.









Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now