Chapter 14

5 2 15
                                    

LIZZIE






"Tss, fine. Friends. Tutal madami ka naman nang naidulot na kabardagulan sa buhay ko, sige." Sagot ko at inalis ang kamay niya. Nag liwanag ang mukha niya at yayakap sana sa akin pero tumayo ako. Palihim akong natawa dahil sa pagka-pahiya niya.









"Oy, Dane. Saan ka pupunta?" Tanong niya at tumayo din. Humalukipkip ako sa harapan niya at mataman siyang tiningnan. Napataas naman ang dalawa niyang kilay.









"Wow, Dane ah." Sarkastiko kong saad at tinalikuran siya, hindi sinasagot ang tanong. Lumakad ako palabas, hindi alintana ang kanyang tingin. Hindi naman niya kailangang malaman kung saan ako pupunta eh.









"Saan nga, Dane?" Muli niyang tanong at sumunod sa akin. Walang kabuhay buhay ko siyang hinarap at bumuntong hininga.









"Tatae, sama ka? Kulit mo eh. Feel free to smell." Sagot ko. Napa-ngiwi naman siya at kumamot sa ulo. Tumikhim siya at kumaway sa akin pagkatapos ay bumalik sa upuan. Napa-ngisi ako. Arte eh libre na nga eh.









Payapa akong nag lakad palabas papunta sa Cafeteria. Gusto ko ng Iced tea at balak kong bumili. Dinukot ko sa bulsa ko ang pera at binilang. Pero habang binibilang ko iyon ay bigla akong nakaramdam ng basang likido na bumubuhos sa akin, Juice. Orange juice. Tinulak pa ako ng taong gumawa non sa akin at napasalampak ako sa semento. Tiningala ko kung sino iyon at nakita ang mala-demonyong ngiti ni Cheska na unang pinangalanan kong anghel.










"Ano, Lizzie? Masaya bang maligo ng juice?" Ngiting ngiti na tanong niya. Napansin kong hindi na basa ang uniform na suot niya, may extra yatang uniform ang babae kaya nakapag palit mula sa pagkabasang nangyari kanina.










Hindi ako sumagot at sa halip ay dahan dahang tumayo. Wala akong balak makipag sagutan sa kanya ngayon dahil unang una ay hindi niya deserve marinig ang opinyon ko sa tanong niya. Pangalawa, hindi kami close para kausapin ko siya.










Tinalikuran ko na siya at lalakad na sana nang hilahin naman nito ang buhok ko. Impit na akong humiyaw sa sakit ng ginawa niya pero hindi ako nanlaban. Dumagsa na din ang mga estudyante sa paligid. Karamihan ay may hawak na cellphone at tingin ko ay vinivideohan o kinukuhanan na kami ng letrato.











Hinawakan niya ang baba ko at inilapit niya sa tainga ko ang bibig niya. Hawak pa din niya ang buhok ko at hinigpitan niya iyon bago siya nag salita.










"Huwag kasi ako ang tarayan mo, Lizzie. Hindi ako katulad ng iba na napapatahimik mo basta basta." Pag yayabang niya at pabalya niya akong binitawan kaya napa-atras ako at muntik na muling matumba. Nag lakad siya paalis at hindi na ako muli pang tiningnan.










Napa-ayos ako ng tayo. Napatingin ako sa mga estudyante sa paligid ko na nakatingin din sa akin ngayon. Nang makita nila ang tingin ko ay kanya kanya silang nagsi-alisan na parang walang nangyari. Bumuntong hininga ako at napatingin sa basa nang uniform. Agad akong napa-singhap nang maalala ang Cellphone sa bulsa. Kakapaayos lang nito matapos basagin ni Mateyo ang screen noong nakaraang linggo. Kinuha ko agad sa bulsa ang cellphone at sa kabutihang palad ay hindi pala masyadong nabasa ang palda ko at hindi nasakop ang bulsa.










Agad na napanatag ang loob ko nang maalalang may extra nga pala akong uniform sa locker. Dalawang pares iyon. Pumunta ako agad sa locker room at nang makita ang locker ko ay sinusian ko agad iyon. Nakita ko ang maayos na nakatuping uniform sa loob kaya agad akong nag bihis. Next time nalang ako siguro mag I-iced tea.







Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now