Chapter 9

5 2 19
                                    

LIZZIE







Nagising ako na puro puti ang nakikita ko. Hindi ako maka-galaw at para akong isang lantang gulay habang naka-mulat at naka-tingin sa puting nasa harapan ko.








Unti unti akong nakarinig ng mga boses. Parang nag sasayahan sila, hindi ko sila makilala. Hindi ko din maproseso sa sarili kung ano ang nangyari at kung bakit ako nandito.








Hanggang sa may humawak sakin, sa braso na parang niyuyugyog ako. Doon lang ako kumurap at napa-tingin sa taong iyon. Nakilala ko siya, si Aya. Katabi si Kai at Matthew na kapwang naluluha habang naka-tingin sa akin. Kumunot ang noo ko sa kanila at napa-igtad nang maramdaman ang sakit sa bandang ulo.








Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang nangyari. Halo halong galit at inis ang agad na bumalatay sa buong sistema ko para sa isang babaeng desperada na nag-ngangalang Jade.








"T-tatawagin ko lang ang doctor!" Saad ni Aya pero may humawak sa braso niya bago siya maka alis, si Mama na naiiyak din. Nandito si Mama! Sht sht lagot.








"Ako na, Aya." Saad ni Mama na parang mabilis namang naintindihan ni Aya. Tiningnan pa niya ako at nginitian pero wala akong sapat na lakas para manlang ibuka ang bibig at mag salita. Tumango si Aya kaya naman lumabas na si Mama.






I see, nasa hospital ako. Hindi ito ang clinic ng School..







"Lizzie! Huhu alam mo ba na alalang alala kami sa iyo nung hindi ka pumasok? Lalo na nung tinanong kami ni Tita tungkol sayo kasi hindi ka daw umuwi! Anong nangyari?!" Tuluyan nang umiyak si Aya at yumuko sa hinihigaan ko. Ginulo ng kamay kong may naka-pasak na dextrose ang buhok niya.







Pumunta sa kabilang side ko si Kai at hinawakan ang kamay ko saka ito hinalikan. Napa-iling nalang ako sa mga kaibigan ko. Kung maka-akto ay para naman akong namatay.








Bigla naman akong napa-lingon kay Matthew na masama na ang tingin kay Kai. Nakakahilo naman itong mga 'to, may masama pa talagang naka-tingin sa isa.








Nang makita niya akong naka-tingin sa kanya ay hinawakan niya ang balikat ko. Napa-tingin ako sa kanilang tatlo. Oh sige kapit aalis na tayo. Ang OA naman!







"After 1 week nagising ka na, Dane. Akala ko matatagalan pa.." Biglang saad ni Kaiden na may halong lungkot sa boses. Gulantang akong napa-tingin sa kanya.








"1 w-week?" May halong gulat na tanong ko. Kahit nang hihina pa ay mabuti at nagawa ko pa din namang mag salita. Tumango tango naman si Aya.







"Oo, Dane. Sino ba kasing may gawa sa iyo nyan? Hindi kami mapakali sa kakatawag at text sayo!" Inis na saad niya. Bumuntong hininga ako at hindi siya sinagot. Alam ko na ang gagawin ko sa babaeng iyon at talagang wag na siyang mag aksaya ng panahong pumasok.









"By the way, Dane. Cancel na ang pag kanta mo sa Welcoming Party." Saad ni Mateyo. Unti unti nalang akong tumango at hindi na umapila pa. Nawalan na din ako ng gana dahil sa mga nangyayari. Baka kapag sumubok pa akong mag-practice ay hindi lang ito ang mangyari sa akin. Ayoko nang mag alala pa ulit si Mama.









Biglang pumasok si Mama kasama ang isang lalaking doctor. Chineck ako nito at kung ano ano pa ang ginawa pero nang tinanong ko siya kung ano ang sitwasyon ko ay hindi siya sumagot at sa halip ay tumingin lang kay Mama saka ngumiti. Anong problema ni Mama? Nung nakaraan ko pa nararamdaman na may tinatago siya sa'kin at hindi na maganda iyon.









Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now