Chapter 20

5 2 25
                                    

LIZZIE




Habang yakap ko siya ay doon ako umiyak nang umiyak. Hinagod naman niya ang likod ko at pilit akong pinapakalma kahit nanginginig ang katawan ko sa takot. Takot na akong maulit muli sa akin ang pag salo ng mga bagay na matutulis na dapat ay tatamaan ako. Ayoko nang humawak ng dagger o ng kahit na anong bagay na galing sa ere.





"Hey, are you okay? Lizzie, why?" Nag aalala niyang tanong. Paulit ulit akong umiling bago bumitaw sa kanya. Agad kong tinakpan ang mukha kong napuno na ng luha dahil ngayon lang ako nakaramdam ng hiya.






Habang nakatakip ang mga kamay ko sa mukha ay naramdaman ko naman siyang gumalaw. Matapos ang ilang segundo ay hinawakan niya ang kamay ko at pilit na tinanggal sa mukha ko. Nang hihinang nag paubaya nalang ako pero nanatili pa rin akong naka-yuko. Nagulat ako nang may dumamping mabangong panyo sa mukha ko. Nag angat ako ng tingin at nakita ang gwapo niyang mukha na seryoso sa ginagawang pag-pupunas sa akin.






"B-bakit ka nandito?" Tanong ko. Napahinto siya at tiningnan ako bago bumuntong hininga.






"I can't sleep.." Mahinang sagot niya. Wala sa sariling napatango ako. Kung ganoon, ay parehas kaming hindi makatulog kaya ngayon ay gising na gising ang diwa namin. Pero kung hindi siya makatulog, bakit kailangan pa niyang mag punta dito?






"Hindi ako marunong magpa-tulog ng lalakeng umabsent. Umuwi ka na, parehas tayong hindi makatulog kaya simulan mo nang magpa-antok sa inyo." Utos ko sa kanya at bahagyang itinulak siya sa dibdib. Pero nagawa niyang hawakan ang braso kong iyon kaya napatitig ako sa seryoso niyang mukha.






Nagulat ako nang itinulak niya ako pahiga. Nag tatakang tiningnan ko siya na inaayos din ang pagkaka-kumot ko. Umupo siya ng maayos sa kama at hinarap ako bago muling mag salita.





"I'm sorry, I didn't mean to scare you. Pero bakit ganoon ang panginginig mo? Parang may mas kinatatakutan kang iba." Kalmado niyang tanong na ikina-iwas ko ng tingin. Wala akong balak sagutin ang tanong na iyon. Ayokong may makakaalam ng mga nangyayari sa akin ngayon dahil ayoko ng may nakakaramdam sa akin ng awa.





Ilang minuto ang lumipas na walang nag sasalita sa amin. Umayos ako ng higa at tinalikuran siya para subukang muli na matulog. Mag sasalita na sana ako para paalisin na siya nang magulantang ako sa sunod niyang ginawa.






"A-anong.. Hoy, tsansing ka ah!" Gulat na saad ko matapos niyang humiga sa tabi ko at yakapin ako. Natawa siya sa sinabi ko. Kahit nagulat, hindi ko magawang tanggalin ang braso niyang nasa paligid ng bewang ko. It feels relaxing and comfortable to the point na nararamdaman ko na sa wakas ang antok.






"Let me stay.. Please, baby. I've had a bad day.." Sagot niya na ikinatahimik ko. Mas lalo niyang isiniksik ang katawan sa akin at pina-unan niya ako sa braso niya. Habang ang puso ko naman ay nag wala at nagulo dahil sa itinawag niya sa akin.



---------




Nagising ako sa isang malakas na pagkatok sa pinto. Unti unti akong nag mulat at agad na nasilaw nang matamaan ang mga mata ko ng sikat ng araw. Napalingon ako sa gawi ng pintuan ko at hindi agad nakakilos nang maramdamang may naka-dagan sa binti at bewang ko.







Nilingon ko ang gawi ng binti at bewang ko at nagulantang nang makitang may nakapatong doon na paa at braso. Nanlaki ang mga mata ko at lumingon sa tabi ko. Nakita ko si Matthew na mahimbing na natutulog at lalong sinisiksik ako sa mga bisig niya.






Loving The Castro (ON-GOING) Where stories live. Discover now