28

11 0 0
                                    

Well, I can’t lie to myself anymore. Tumagal nga ang feelings ko sa lalaking hindi ko nakakausap, nakikita at hindi man lang kami friends sa facebook.

Sa lalaking iyon pa kaya na nakakausap ko, may concern sa akin, mabait na tao, talentado pero nakakasakit ng hindi niya alam pa kaya? O baka ang OA ko lang talaga. Kasalanan ko naman.

Siguro, nausog na. Nai-kuwento ko kasi sa dalawang natitirang mga kaibigan ko sa real world. May balat ba ang puwet nila at minamalas ako o baka sinumpa na ako ng mga babaeng iyon.

Kilala ako ng lahat bilang soft-hearted person. Alam nilang mabilis tumulo ang luha ko kahit sa mga simpleng bagay lang.

Naiiyak ako kapag sinisigawan ako, kapag napapahiya sa harap ng maraming tao, kapag kinukutya ako, lalo na kapag hindi ako pinapansin. Pakiramdam ko, may nagawa akong mali.

But what did I do wrong to him? I don’t know. It’s his choice, anyway. Okay, then. Let’s ignore each other for awhile.

Played By CupidWhere stories live. Discover now